Chapter 12

5.6K 256 172
                                    


Sumakay ako ng van na medyo masakit ang ulo ko. Hindi ko namalayang ngayong araw pala ang departure. Hindi ko na enjoy ang stay dito sa Tagaytay na ang katumbas na halos ay lampas isang buwan sa kabilang mundo.

"Riri you've been spacing out. Kanina pa." Lampas dalawang oras ko na silang kasama. Nangangahulugan na kasama nga namin ang killer doon sa Baguio dahil paulit-ulit na akong nakakabalik dito sa totoong mundo. Ibigsabihin din noon ay malapit ko na siyang makilala.

Hindi lang sila isa, kundi dalawa sila. May kasabwat siya. Akala ko mapapanatag na ako na isa lamang ang killer na hinahanap ko pero dalawa pa nga ata sila. Hindi ko alam kung paano kusang nag-on ang data ng phone ko at sunod-sunod na lumabas ang notifications mula sa wattpad, sunod-sunod ang comments ng mga reader. At ang kabanatang iyon ay ang mismong nangyari sa akin sa mundong iyon.

"Omygad! Ayan na!"

"Shet! Kinikilabutan ako"

"Ako lang ba? Oh sige ako lang! Ako lang yung na-e-excite kung sino killer? Feel ko gwapo hahahaha"

"Crush ko si Mang Rigor to be honest!"

"Galing mo author! Update ka na please."

Tila ngbubutil-butil ang pawis ko sa noo patungong leeg ko. Naninikip ang dibdib ko. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko at dinama ito, naging dahan-dahan hanggang sa maging mariin na ang pagkakapikit ko. Lalong tumindi ang pagtibok ng puso ko, at paninikip ng dibdib ko.

Napasinghap ako nang pagmulat ko ng aking mga mata ay tila malakas na sampal ng hangin ang sumalubong sa aking mukha. Sa sobrang lakas ng hangin na tila iniikot ako ay hindi ko na namalayan ang pagkadulas ko. Tila nasa mataas na bangin ako kanina at ngayon ay sa pagbitiw ko ng isang kamay kong nakakapit sa batong ito, ay siya ring katapusan ng buhay ko.

Papalubog na ang araw nang maibalik na ako sa mundong ito. Hindi ko na alam kung ano pang mga nangyari pero nasisiguro kong hinahanap na ako ngayon nila Steele.

Hindi ko alam kung bakit ang takot ay kusang kumawala sa puso ko. Kailangan ko talagang kumalma sa oras na ito, kahit kamatayan na ang kahaharapin ko.

People only live once. You must make every moment memorable. You must cherish every memory you could have. Someone told me once, totoong oo, kung mamamatay ka, mamamatay ka, pero kung kaya mong iwasan ay gumawa ka ng paraan. I'm sure right now, it isn't my time yet and I'm thinking of my way to get away from death.

I closed my eyes and think of a ladder. The exact image of a ladder in my mind just came on time beside me. Naka-hang ito sa bangin kung nasaan ang batong pinanghahawakan ko. Nakahinga ako nang maluwag at marahan na inabot ang ladder. Dahan-dahan akong umakyat dito dahil medyo hinahangin pa ito.

Nang makarating ako sa ibabaw ng bangin napahiga na lamang ako. I spread my arms as tears fall down my eyes. Akala ko ay katapusan ko na, pero kung kaya ko pang iwasan ang kamatayan ay magagawa ko pa. "Shit." Halos maubusan ako ng dugo sa katawan nang sunod-sunod na tumusok ang mga arrow ng bow, sa gilid ko. Habang nakahiga ay tila tinrace ang buong katawan ko ng mga arrow na ito. Hindi na rin pantay ang paghinga ko, at mabilis na rin ang pagtaas baba ng dibdib ko. Sobrang kabado.

Tahimik sa buong lugar.

Tila kahit ano atang gawin kong pagsigaw ko rito ay wala nang magagawa pa. Para akong kinulong gamit ang mga arrow na ito dahil hindi na ako makagalaw pa. "Zerina! Zerina!" Hindi ko magawang sumigaw pabalik dahil tila nawalan ako ng boses dahil sa matinding takot, bakit tila hinahabol na ako ngayon ng kamatayan.

Hindi ko na namalayan pa kung paano nakarating sina Steele sa harapan ko ngayon. Maging sina Thorn ay halatang-halata ang pag-aalala sa akin. Nang alalayan niya akong makatayo ay pabagsak akong napayakap sa kanya. "Natakot ako...sobrang nakakatakot." Iyan lang ang paulit-ulit na lumabas sa bibig ko, hindi ko alam kung bakit ang matapang na ako ay tila napapalitan ng pagiging mahina. "Akala ko mamamatay na ako." Ang luha ay patuloy na kumakawala, ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay nananatili pa rin.

To Your World [ Completed:2017 ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant