Chapter 20

5.7K 305 135
                                    

You are at the last chapter. Thank you for coming this far! I love you!

---


Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Hindi magkamaway sa pagkawala ang mga luha mula sa aking mga mata. "Naalala na kita..." Ani ko sa kanya. "How can I forget someone like you." Sa kanyang mga mata ay may luha ring kumawala. "Ikaw yung Steele ni Zerina...ikaw yung mahal na mahal niya..." I sniffed as smiled at him. I traced every inch of his face, I don't wanna forget this man in front of me again.

"Thank you! Thank God!" Binuhat niya ako. At habang buhat-buhat ay nagpaikot-ikot pa siya. Bago niya ako ibaba ay mabilis niya akong hinalikan sa aking labi. "Mahal na mahal kita..." Sinundan niya pa ito ng isa pang halik sa aking noo. Yumakap ako nang mahigpit sa kanya.

Kinuha niya ang aking mga kamay at may mga petals ng white roses kaming sinundan, sa loob lang din ito ng village namin, medyo basa pa nga ang mga ito nang dahil sa ulan.

"I love you because you are Zerina..." Aniya sa unang hakbang namin.

"I love you because you are the reason why I'm not afraid of taking all the risks." Sa ikalawang hakbang ay mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"I love you because you are the first girl that I can take off my eyes even just for a second..." Ikatlong hakbang ay tila malalaglag ang puso. Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. "I can't even take one step away from you..." Kahit anong gawin punas ko ng luha ko sa aking pisngi ay hindi ko talaga mapagilang umiyak nang dahil sa labis na kasiyahan.

"I love you because you are giving me reason to breathe." He whispered as we take the fourth step. Hinapit niya pa ako lalo papalapit sa kanya. "A reason to continue living...even if you're miles away, you will be one world away..." Kumapit lang ako nang mas mahigpit pa sa kanya.

"I love you because every time I'll look into your eyes, you're a giving me an extraordinary world." Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Ika-limang hakbang ay tila tumigil na ako sa paghinga. "You are the perfect definition of my world." Humampas ang malamig na hangin sa balat ako. Sandali kaming tumigil at sinuot niya sa akin ang black leather jacket niya. He smiled at me.

Ika-anim na hakbang ay paliwanag nang paliwanag ang buong paligid. "I love you because I can't seem to feel alive when I'm not with you." He stopped for a while and slowly traced my face. "Gusto kong maaalala lahat ng tungkol sayo..." Dagdag pa nito. "Walang kulang, gusto kong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko nang ganito, maging magkaiba man ang ating mundo..." Inayos niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko nang dahil sa medyo malakas na pag-ihip ng hangin.

"Mahal kita at hindi ko kakayaning mawala ka." Ika-pitong hakbang ay nasisilayan ko na ang ang heart shape formed from candle lights.

"Mahal kita dahil ang Panginoon na mismo ang nagtakda para magtagpo ang landas nating dalawa." He kissed the top of my head. Ikaw-walong hakbang at gusto ko na lamang yumakap at manatili sa tabi niya.

"Mahal kita, hindi lamang basta pangmatagalan, kundi panghabambuhay." Ika-siyam na hakbang at nasa tabi na namin ang heart shaped formed candlelights. He used this vacant lot in our village for this. "I just wanted to be with you until we get older. I wanted to breathe the same air with you...baby, I wanted to spend the rest of my life loving only you." Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Yung pakiramdam na abot-kamay mo na ang taong mahal mo. Yung pakiramdam na alam mo sa sarili mong siya na ang para sayo. At the age of nineteen, I realized what true love is...love know no boundaries, love is about sacrificing, and love is about acceptance. That in love sometimes, we'll fail...sometimes we just wanted to give up, but at the end of the day you will find the man for you, at the right time, at a perfect place.

To Your World [ Completed:2017 ]Where stories live. Discover now