Chapter 19

5K 256 135
                                    

Nanghihina kong tinahak ang daan palabas ng university. Hindi ko alam kung saan ako tutungo at kung anong dapat kong sunod na gawin, muntik pa akong matumba. Mabuti na lamang at may naglakas loob na saluhin ako... Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay muling nagtubig ang mga mata ko. "Steele..." Hindi makapaniwalang tumitig lamang ako sa kanya. Bakit naririto siya?

Ngayon ko lang napansin ang puting unipormeng suot niya. "You are studying here..." Pabulong kong itong tinuran pero tumango siya sa akin. "Kailan pa?"

"I transferred here a year ago." Aniya. Inalalayan niya akong makatayo ng diretso at sinamahan na rin ako sa paglalakad. "Saan ka pupunta? I can drive you there." Alok nito sa akin, pero umiling ako sa kanya. Hindi ko rin kasi matagalan ang presensiya niya sa hindi malamang dahilan.

"Steele..." nag-aalangan ako kung itatanong ko ba sa kanya o huwag na lamang kaya pero dahil binabagabag ako ng tanong na ito ay agaran ko na ring tinanong sa kanya. "Anong surname mo?" Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Palinga-linga pa nga ako.

"Steel Sua---" Hindi ko na narinig pa ang sinabi niyang pangalan dahil biglang may ambulansiyang dumaan sa gilid namin. Sa tabi kasi ng university namin ay hospital. "Familiar ka?" Tanong nito sa akin, hindi ako nakasagot agad, hindi ko rin kasi narinig kaya umiling na lang ako.

"Ah sige, Steele... I have to go." Agad ko siyang tinalikuran at naglakad papalayo sa kanya, pinalis ko ang luhang kumawala sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Pero isa itong mataas na lugar na kita ang buong syudad. "I told you he's coming to your world." Natuod ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung dapat ko bang lingunin si Idris, alam kong kaluluwa na lamang siya ngayon. "He never stopped loving you, and I know you are too, your heart's still longing for him." Nilingon ko siya, halos mabuwal ako sa pwesto nang makitang hindi siya nakaapak sa lupa at tila lumulutang siya. "I was never a human, and I know you know that the first time we talked."

Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sa kanya ngayong hindi ko rin maintindihan ang sinasabi niya, wala nga rin akong ideya sa pinag-uusapan namin. "Did I lose a partial memory? Sa totoo lang Idris, wala akong maintindihan sa lahat, sa sitwasyon ngayon lalo na sa mga napapanaginipan ko. Minsan hindi ko na malaman ang totoo sa panaginip lamang." Saad ko sa kanya.

"You will find out soon. Your world, his world..." Ngumiti siya sa akin. "Love will always find a way." Sa isang iglap ay bigla siyang naglaho nang parang bula.

Nang sumunod na mga araw ay hindi ko na siya muling nakausap pa. Habang ako naman ay naging abala sa pag-aasikaso ng passport namin. "Sweetie, are you sure you really wanted to go? Something's bothering you..." Ani daddy sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"How will you remember someone your mind forgot, dad? What if you forgot mommy all of a sudden and you have no idea you did. What will you do po?" Kyuryusong tanong ko kay daddy. Sandali itong nag-isip.

"Anak, if the mind forgets, your heart will make you remember. We know brain is in control of everything, but still, heart will make you feel everything...hindi maalala ng isip mo? Subukan mong pakiramdaman ang tibok ng puso mo. Heart and mind can't speak, but when that one person, you know exactly, when that one person, is the one you truly love...your heart will tell you it's that person. You just have to believe and trust Him. Trust God's plan." Ngumiti si daddy sa akin. I throw myself to him, for a hug.

"I love you dad..." I smiled as tears fell down my tears.

"I love you too sweetie, you know your mom and I are always here for you. Okay? We love you. We are family here. If you are down, if you feel upset, let us know." Tumango-tango ako.

To Your World [ Completed:2017 ]Where stories live. Discover now