02 - Nonversation

67 5 0
                                    

Nonversation
noun.

: a completely worthless conversation; small talk.

: a completely worthless conversation; small talk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-

Jeonghan

Nagising ako ng umaga na balot na balot sa kumot at walang Joshua na nasa tabi ko. Ito ang nakakainis sa akin! Pag talagang tulog ako para akong tabla na hindi daw talaga magigising ng kahit sino. Baka nga pag-nagkasunog dito hindi pa rin ako magising.

At akala ko pa din naman mas mauuna akong magising sa kanya. Psh, kainis.

But that's okay.

"Hmm... Pupuntahan ko na lang siya." nakangiti akong bumagsak uli sa kama at natulog.

***

Kinakabahan pero excited kong binuksan ang pinto ng cafe.

Dumiretsyo talaga akong pumuta dito ng hindi kumakain para at least may excuse ako para makita siya bukod sa gusto ko lang talaga siya makita.

Nakakabaliw sa totoo lang. We're almost look-a-like pero gusto ko talaga siya. I know na pagkakamalan kaming kambal dahil din sa hairstyle or maybe apperance pero ano ngayon? I really like him and I don't know why. At doon talaga ako walang rason kung ano o bakit ko siya gusto.

Kaagad ako umorder ng maiinom na kape at naghanap ng mauupuan.

Umupo na lang ako sa table na kaagad mapapansin ng staffs sa loob ng cafe. Bakit ako umupo dito? I just think na makikita ko kaagad si Joshua pagdito ako umupo eh.

"Nasaan kaya siya..." I whispered.

Hinahanap ng mga mata ko si Joshua habang pasimpleng umiinom ng kape.

"Looking for me?" napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ang nakatayong Joshua sa tabi ko.

For a moment, hindi ko siya nakilala but my heart again...

**Thud, thud! Thud, thud!

"J-joshua?"

"Hahaha. Kagabi, ang tawag mo lang sa akin, Shua."

"Hindi kita nakilala kaagad." bulong ko na siya lang makakarinig.

"Oww." kinuha niya ang ilang hibla ng buhok niya sa noo at tiningnan iyon.

"Baka kasi mapagkamalan tayong kambal kung pareho pa rin tayo ng kulay ng buhok. So... pinakulayan ko na lang uli sa dati." saka siya ngumiti. Napangiti rin ako dahil ngayon mas kitang-kita na hindi naman talaga kami magkamukha. His eyes, lips, nose and everything. Talagang wala kami pagkakahalintulad. Wala siyang katulad.

"Aah! Maupo ka muna, Shua."

Tahimik siyang umupo sa tapat ko at nagtitigan lang kami sandali. Wait, ano bang dapat kong sabihin? Gusto ko siyang makita? No! Mag-isip ka pa ng kahit ano Jeonghan!

"A-ano masarap ang kape niyo."

Letse! Bigla akong nahiya sa sinabi ko ng mukhang nagpipigil si Joshua ng tawa.

"Hahaha, thanks Jeonghan." napatingin ako sa kanya. Sabi niya ''thanks'' so...

"Ikaw barista dito, Shua?"

"Hmm..." he nodded and smiled widely.

"Aah! Ang galing!" Napatingin ako sa hawak kong kape, pinipigilan kong ngumiti eh. Kinikilig kasi ako...


'Aaahhhh!!! (≧∇≦)


"Paano mo nalaman na dito ako nagt-trabaho?" tanong ni Joshua kaya napatingin ako sa kanya.

"A-aah... Ikaw nagsabi sa akin." wala sa sariling napangisi ako. Shocks! Calm down Jeonghan!

"Ako nagsabi sayo?" nagtatakang tiningnan ako ni Joshua na parang inaalala niya kung sinabi niya nga ba sakin o hindi. Psh!

"Oo, nagtatanong ako sayo niyon habang nags—!"

"Aah! Y-yes I remember..." namula bigla ang tenga niya kaya natawa ako.

"Kaya ka ba nagpunta dito?"

Kung umiinom ako ng kape ngayon maibubuga ko talaga iyo sa harap niya. Nang sasabihin ko na "para uminom lang ng kape syempre" nauna na siyang magsalita sa akin.

"Ah stupid me! Obviously para magkape di ba.." he said and smiled faintly.

Pakiramdam ko may iba siyang gusto marinig sa akin pero alam niyang mas isasagot ko pa ata ay paginom ko ng kape. Hmm...

"Hindi Shua." I chuckled. Ngayon magiging honest muna ako.

"Mas obvious naman na nandito ako kasi gusto lang kita makita." I confessed. "Paggising ko kasi wala ka na sa bahay."

Fuck! Yung puso ko! Asdfghjkl@#$%&*!!?

"Hahaha i know and I'm sorry kung iniwan kita kanina. You didn't wake up kahit nung hinalikan kita." nanlaki ang mata ko. He kissed me—!

"... Sa noo." he smirked samantalang ako napasimangot.

"Ewan ko sayo. Psh!"

May lumapit bigla sa amin na isang staff at ngumiti ito sa amin.

"Excuse me." he said. "Joshua, breaktime is over." bulong niya kay Joshua na narinig ko naman.

Tumango naman si Shua at ngumiti.

"Kay, will be there in a moment."

Pagkaalis nung staff ay tumayo na din kaagad si Joshua.

"Hmm... May trabaho pa ako, Jeonghan." saka niya inayos ang inupuan niya kanina.

"How about you?" he asked.

"Me?"

"Wala ka bang trabaho na pupuntahan?"

"Wala akong pasok ngayon pero bukas meron." I lied. Hindi talaga ako pumasok ngayon para lang makita ka Shua!

"Well... I'll see you again, Jeonghan." he smiled.

"Wait!" hinawakan ko ang kamay niya. Kulang yung pag-uusap namin ngayon so I won't slipped him away from me today.

"Anong oras uwian mo?"

"9:30... Why?"

"Magkita tayo uli pagkatapos ng trabaho mo, Shua."

Determine.

Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong kalakas na kagustuhan na makausap pa ulit siya. I wanted more of him. Everything about him. Small talk lang ang nangyari sa amin ngayon kaya gusto ko pa siyang kausapin. Nagtitigan kami sandali hanggang sa tumango rin siya.

"Okay."

Slang / jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon