Chapter 39

8.3K 225 3
                                    

Amber's POV

Waaa! Exited na ako sa shooting! Pero ang hirap ng role ko ah! Kontrabida! Ahh so sad :(

Heto ako ngayon nagiisa~---ay teka ba't ba ako nakanta? Heto nga pala ako ngayon naghihintay matapos ang paglelecture ni Ma'am =__= Kanina pa rin ako tingin ng tingin sa orasan

"Okay class dismiss" sabi ni Ma'am. Bigla naman nagliwanagan ang mukha namin paano ba naman math ang subject!

Agad kong inayos ang bag ko at nagmadaling pumunta sa tabi ni Xia.

"Tara na Xia! Exited na ako!" Sabi ko at nagtatalon talon pa. Umiling na lang sya at tumawa

***

"Oh Dear! There you are!!" Sigaw nung bakla (hindi po iyon si Theo) at limapit kay Xia. Nakipagbeso-beso rin naman sya kay Gia at Xia

Teka, Kilala nya si Gia?!! Sabagay lagi naman kasing nasa Showbiz si Xia kaya kilala na ng lahat si Gia dahil laging kine-kwento ni Xia si Gia sa Showbiz

"Hello po MN sila po yung bagong sali at ito po ang kapatid ko" sabi ni Xia sabay hila kay Gia

"Oh yeah! Im so Proud of you--I mean all of you! Nakita ko rin kasi ang mga mukha nila sa hall of artist" sabi nung MN daw

"Hoy Gaga! Magsisimula na! Nandoon na si Dalhia hinihintay kayo!" Sigaw ni Theo kay Xia. Agad naman silang pumunta sa may CR umalis muna kami at pumunta sa may tabi ni Direct. Manonood na muna daw kami e,

Pumunta na sa CR si Daphine habang sina Sheyin at Fiona ay naghihintay sa labas ng CR. Nag roll naman agad ang Camera

Lumabas na sa CR si Daphine ng maayos. Nung nakita sya ni Xia ay agad lumaki ang mga mata niya

"Cut!!! No Xia! Dapat magaalala ka pagkalabas ni Daphine hindi magugulat!!" Sigaw ni Direct sa Megaphone

"Ahh Direct! 2 mins. Water break! Kanina ko pa kasi pinipigilan ang uhaw ko kaya hindi ko nakontrol ang emosyon ko kanina!" Sigaw ni Xia malayo layo kasi kami sa kanila para maganda ang kuha ng Cam. Tumango na lang si Direct at bumuntong hininga

Xia's POV

I know this girl sya yung nerd na pinagtutulungan ng mga campus bully sa school!

Nilapitan ko naman yung babae habang umiinom nagulat naman sya sa pagsulpot ko

"Dalhia right?" Tanong ko pagkatapos kong uminom. Tumango naman sya

"Ikaw yung nerd na pinagtutulungan sa school diba?" Tanong ko ulit

"Ahhh opo. Kung tatanongin nyo po ako kung bakit ako nakadisguise sa school dahil I hate attention po. Pero binibigyan pa rin nila ako ng Atensyon. Masamang atensyon" sabi nya at ngumuso

"Aahhh okay" sabi ko bigla namang sumigaw si Direct ng Take 2. Kaya agad kaming pumunta sa kanya kanya naming pwesto

"Lights...Camera...Action!!!" Sigaw ni Direct. Bumukas naman yung pinto ng CR agad kong nilapitan si Daphine ng may nagaalalang mukha

"Okay ka lang ba? Are you hurt? May sugat ka ba? Kaya mo bang maglakad? Ilan toh?" Sunod sunod kong tanong habang may nakataas ang tatlong index fingers ko

"OA much ate? Okay lang ako. Hurt? Sa puso po, Sugat? Sa puso rin po, Maglakad? Kaya ko pa naman po pero ang ipaglaban sya hindi po, ilan yan? Tatlo po. Syempre jowk lang po yung sa puso atsaka paano po ako magkakasugat e, tinapunan lang naman po ako ng juice ate! Hindi pinagapang sa Magaspang na sahig!" Sabi ni Daphine

"Hehe sorry naman. Alala much lang e," sabi ko. Pununta naman kaming section 1

"Oh my god! Kaklase natin si Nerd!"

"Arrgghh! So disgusting!"

"Kasama pa nya sina Xia what a freak!"

"Napakaplastic!!"

"Sana tinuluyan na sya kanina ni Anne!"

Bulong nung mga extra nilakasan nila para mapakinggan ng camera. Bigla namang lumapit si Anne

"Oh my God Xia! Layuan mo si Daphine! Mahahawa ka sa kat*ngahan nya!" Sabi ni Amber na may nakakadiring tingin

"Wow nahiya ako sa pagkakaalitaptap mo sa klase!" Sabi ni Jaycee sa kanina

"FYI! Dapat ako ang top 1 noh! Binayaran ko lang ang adviser natin na wag akong naging top 1 dahil ayoko ng attention!!" Sabi nya at nagflip hair

"Ahh kaya pala lagi mong inaaway/Binubully si Daphine dahil sa attention" sabi ko

"Tss..." Sabi ni Anne at nagwalkout

"Cut! Good work! Hanggang dyan na lang muna tayo ah?! Bye!" Sabi ni Direct at umalis na. Agad kong kinuha ang bag ko at hinintay sila

"Tara na!" Sigaw ni Leo ng matapos na syang magayos ng gamit. Nagtakbuhan naman kami sa sari-sarili naming sasakyanan

---Bahay

"Aaarrgghh!! Haggard much!" Sigaw ni Summer at Pumasok sa kwarto nya

Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na dito na sila titira simula ngayon?

"Wag kayong magpuyat may gagawin tayo bukas!" Sigaw ko

"What?! Anong gagawin natin?" Exited na sabi ni Amber

"Yung Mission" sagot ko

"Diba may shooting tayo?" Tanong ni Trevor

"Day off bukas" sabi ni Jaymie. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob ng kwarto ko

What a day!!

Kinabukasan♣

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko bumungad sa akin Si Leo na nagkakape sa lamesa habang sinusuway ang kambal dahil sa paggalaw ng lamesa, Si Jack at Jet na nagtutumbang braso habang sinesermonan ni Leo na nasa harap nila, Si Eze na nagpo-points sa pagtutumbang braso ng kambal, Si Raven na kakabukas lang din ng pinto nya, Si Trevor at Amber na nagbabangayan, Si Summer na nakadapa sa sahig habang nakatutok ang mukha sa cellphone, Si Jaymie na nanonood ng TV, Si Gia na nagwawalis pero wala namang dalang dumi yung walis, Si Roselia na nagbe-babyshark sa harapan ni Ivy at si Ruster na nakasilip sa bintana at nakatingin sa kawalan.

Bakit ko pa kasi sila dito pinatira???!!! Sira nanaman ang buhay ko!!!

L/N: Hi Guys! Sorry at ngayon lang nag UD si Lady A. Wala pa kasing maisip na magandang plot sa story si Lady A kaya nagiisip pa ako. Kaya matagal na magu-update si Lady A :( ang sad noh? Sa nagtataka kung bakit wala ang Chapter 18 pabayaan nyo na ayaw kasing magpublish sa akin ang nakasulat lang kasi ay Save laya hindi ko mapublish. Iu-unpublish rin naman kasi ni Lady A itong story na toh e, So Bye Guys sorry for the Lame UD and For my Slow Update.

P.S  HI MS!,Hi Gelpulan,Swaegg_Girl and Fionna-Lee14

Hope you enjoy reading my story!

Sparkler Academy: School Of Magic UsersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon