Chapter 41

8.1K 249 8
                                    

Roselia's POV

"Ganito ang plano..Si Roselia, Amber, Jaymie, Eze at Trevor ay sa Mall. Si Jack, Jet, Ivy, Gia at Ruster naman ay sa Forest. At kami naman ni Xia, Raven, Summer, at Dalhia ang magbabantay sa park. Yan lagi ang magkakagrupo kaya wag na kayong KJ" sabi ni Leo

Nandito nga pala kami sa Living room ni Xia at naguusap para sa mamayang Mission

"Bakit hindi nyo ako kasama Leo? Ipalit nyo na lang ako kay Summer or Dalhia! Please??" Sabi ni Ruster

"Hindi pwedeng lumipat sa ibang grupo at kung sinong lumabag nun may parusa nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong ni Leo nagsitanguan naman kami maliban kay Xia na nagsalute lang at ngumiti ng Sooobbraaanggg CUUUUTTEEEE!

Hindi ko naman napigilang pisilin ang matatambok nyang pisngi

"Aww" Napa-pout naman sya at hinampas ang kamay ko paalis sa pisngi nya..T^T
Mukha syang inosente pero malakas talaga sya. Ang pula ng kamay ko agad ohhh

"Mag ayos na kayo ng damit nyo o kahit magdala na rin kayo ng sarili nyong pagkain para sa Patay Gutom" sabi ni Raven

"Grabe ka namang magparinig Raven! Tagas to my Bones!" Sabi ni Xia at nagpout haha ang cute nya!! Pero wag kang magpadala Self! Malakas manghampas yan!

Siguro kung maglalaro toh ng Ketchup-an panalo natoh. Isang hampas palang akala mo nagspike sa Voleyball heh!!

"H-Hoy! W-Wag ka n-ngang magpout d-dyan! M-mukha kang A-Alien!!" Nauutal na Sabi ni Raven

"Grabe ka naman! Hindi kaya ako Alien! Cute nga daw ako sabi ni MN minsan ni Direct. At minsan ni Theo!" Sabi ni Xia at nilabas ang dila

"O sige! Cute na alien na lang!" Sigaw ni Raven

"Ang sabihin mo cute sya Raven, Itatanggi mo pa sa pagsasalita mo parang sinasabihan mo na talaga sya ng Cute" sabi ni Summer

"H-Hoy tumigil ka nga d-dyan!! Hindi sya c-cute noh!" Sabi ni Raven habang namumula

"Bakit ka nauutal?" Singit namam ni Amber sabay taas ng kilay dito

"Bakit ka namumula?" Dagdag ko ring tanong. Hahaha Hot seat si Kuya oh hahahah

"N-Normal lang toh sa mga lalaking nakakakita na ng Alien!" Sigaw ni Raven at umalis na. Nagkibit balikat na lang akong pumunta sa kwarto

Nagsuot na lang ako ng
Palda-short at Black Puma shirt. Naglagay naman agad ako sa bag ko ng mga kailangan at Inilagay iyon sa aking balikat

Bumaba na akong hagdan at nadatnan ko ang mga gags maliban kay Leo, Xia, Gia at Raven na nagsasarap buhay tsk!

"Hoy Aalis na tayo! Mamaya na kayo magsarap buhay diyan!" Sigaw ni Leo sa kanila

"Eh..Leo ang sarap kaya matulog ngayon!" Sabi ni Ruster habang sinasakop ang buong Sofa

"Hala! May nakapasok kaya dito na Yokai?!! Nasaan?! Nasaan?!!" Sabi ni Xia habang iniilaw yung kanyang relo yung parang may picture na nalabas doon sa ilaw tapos yung nalabas sa picture ay Picture nya

"Yokai? Ano yun?" Tanong ni Eze

"Yun yung parang mga espirito na yokai na--" Naputol ang sasabihin ni Xia ng Magsalita si Jaymie

"Yah! Yah! Yah tama na nga yan! Sinasayang nyo ang oras! Kinikilabutan na ako sa sinasabi ni Xia!" Sigaw ni Jaymie

Tumango na lang si Leo habang si Xia ay nagpout at Sumunod kina Leo. Umiling na lang ako at sumunod na rin sa kanila





Summer's POV

"May nakikita na ba kayo?" Tanong ni Leo

"Dati pa akong nakakakita Leo hindi ako bulag!" Sabi ni Xia pagkatapos itapon ang pinaggamitang stick ng lollipop nya

Sparkler Academy: School Of Magic UsersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon