Prologue

6.9K 179 63
                                    


Mary Hyziel Alonzo POV

Tilaok ng manok sa alarm clock ang nagpaggising sa aking umaga. Agad na bumangon kahit hindi pa nagkapag-iinat. Dali-daling kinuha ang cellphone sa tabi at sabay bukas ng Facebook.

Hindi talaga buo ang araw ko kapag hindi ako nakakapagbukas ng Facebook. 

Kitang-kita ko sa katapat kong salamin ang malapad na ngiti sa aking labi na bakas ang pagka-excited na makita ang notifications ko o ni ang messages ko. Umaasa lang naman kasi akong baka ni-like na ni crush ang isa sa mga post ko na bakasakaling napadaan ang pangalan ko sa newsfeed niya.

Umaasang kahit 'yong picture na lang ng aso ko ang i-like niya kahit hindi na ang pagmumukha kong mukhang diyosa. Sapat na sa akin iyon para ma-like man lang niya ang isa sa mga posts ko.

Umayos ako ng upo at may 100 notification na bumungad sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras dahil ngayong araw lang dumami ang notifications ko, paano ba naman na-flood likes ako ng bestfriend kong si Arlene. Paniguradong nakabusangot na naman ang mukha no'n nang i-like niya mga posts ko.

Sa antok ko pa ay marahan kong kinusot ang mga mata ko dahil sa inaantok pa ako ngunit maaga lang akong binabagabag ng isip ko na hindi mapakali. Masaya akong in-scroll down ang notification ko na umaasang makita ang kaniyang pangalan man lang, kaso napawi ang ngiti ko at napalitan ito ng panlulumo.

Ang hirap pala umasa. Talaga namang mahirap pero hindi pa ako nadadala. Sa lungkot ko ay napa-post na lamang ako nang…

👤 | Post a status update |

Kailan mo ba ako mapapansin?
 

Post

Naghintay ako ng ilang segundo bago ma-post ang status kong iyon. Bumalik ako sa news feed ko at inabala na lang muna ang sarili sa pag-like ng mga status ng mga facebook friends ko bago ako tuluyang lumabas sa kuwarto upang mag-almusal.

Sampung minuto rin akong nagbabad sa facebook hanggang sa magsawa ako at mapagdesisyunang mag-log out muna nang may biglang nag-pop up sa notification ko. Ayan na naman ang tuwa ko at ilang beses na humugot ng malalim na hininga bago tingnan ang nag-iisang notification na iyon.

Napawi ang maganda kong ngiti dahil hindi siya. Mas lalo lang ako nainis nang may mag-comment na hindi ko kakilala.

Aldrin Sly Domingo commented on your post.

Huwag kang papansin.

1 minute ago  • Like • . • Reply

“Makapag-comment naman ang isang ito, akala mo kung kilala ako.” singhal ko sa aking sarili. Agad kong pinindot ang profile niya at napagalaman kong hindi pala kami friends sa facebook, tapos ang kapal ng mukhang mag-comment ng gano'n.

In-scroll down ko ang facebook account niya nang makilatis ko ang feeling close na nag-comment na ito. Naka-follow lang siya sa akin at hindi nag-send ng friend request o baka naman na-delete ko ang friend request niya. Bumalik ako sa taas.

👤

Aldrin Sly Domingo (Pogi)

3 mutual friends including Angela Laigue and Mai-mai General Gloria

           Add friend                                                       Message

GUWAPO AKO PERO HINDI POSER 🌵

Followed by 569 people

In-scroll down ko pa pababa at nabasa ko ang isang status niya.

Aldrin Sly Domingo

2 minutes ago • 🌎

Kung gusto mong mapansin ka ng isang tao, huwag kang magpapansin.

--------------------------------------------------
👍 Like | 💬 Comment | 🔀 Share
--------------------------------------------------

Tumigil ako sa pag-scroll down upang kilatisin siya nang parang natamaan ako sa post niya kahit hindi naman ako ang pinapatamaan niya.

Bumalik ako sa post ko at sa comment niya. Ni-react ko ito ng angry dahil sinira niya ang umaga ko sa simpleng comment niya na sinenti ko.

Magla-log out na ako nang mag-reply pa ito.

Aldrin Sly Domingo

Oh bakit mo in-angry? May masama ba sa sinabi ko?

36 seconds ago  • Like • Reply

Dali-daling kumilos ang mga daliri ko upang mag-reply sa comment niya.

👤 Wala lang, Huwag ka ring papansin

Pinindot ko kaagad ang comment button. Nagpunta na ako sa menu at magla-log out na nang makita kong nag-comment muli siya.

Aldrin Sly Domingo replied to his comment on your post.

Aldrin Sly Domingo

Bakit mo in-angry, may masama ba sa sinabi ko? 😏

20 seconds ago • Like

👤 Epal!

Komento ko at muling in-angry ang comment niya.

Aldrin Sly Domingo reacted to your comment: “Epal”.
😄 20 seconds ago

Hampas lupa, tinawanan niya lang ang comment ko. Nang-aasar ba 'to?

Aldrin Sly Domingo mentioned you in a comment.
💬 49 seconds ago

Aldrin Sly Domingo

Iyak ka na Mary Hyziel Alonzo? 😂

46 seconds ago • Like

Sa inis ko ay nag-log out na lang ako. Sino ba siya at bigla biglang naninira ng umaga? Hindi naman kami friends sa facebook. He's just a stranger na bigla na lang nag-comment sa isa kong post na hindi naman para sa kaniya.

Napabuntong hininga akong inilapag sa kama ang cellphone ko. May mga tao talagang papansin para lang mapansin.. pero tama siya. Masyado na yata akong obsess na mapansin ako ng crush ko.

But who is he?

He's just a totally stranger na kulang sa pansin.

Our Chat Story (CHAT SERIES #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz