71

715 37 3
                                    

After four months…

I always checked his Facebook account if he reactivates it but he didn’t. Hindi ko na rin mahagilap ang real account niya dahil matapos kong ma-unblock ay hindi ko na matandaan ang full name niya. Tinatamad akong mag-back read dahil ang dami niyang message sa Mr. Yls. I only remember on his name is Aldrin. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga sabay tingala sa langit. Napakaaliwalas ng langit, ang ganda ng porma ng ulap, puting-puti at asul na asul ang kalangitan.

Ni-check ko ang aking messenger, hinihintay ang chat niya sa akin. Masaya akong nakaabot din ang aming relasyon kahit na’y sa facebook pa rin kami nagkakausap at hindi pa nakakapag-date in person. I wish on our sixth monthsary na makapag-date na kami. I badly want to hug him in person ngunit nagsisiunahan ang kaba at hiya ko sa tuwing nakikita ko siya. Pero ang masakit ay hindi man lang niya ako magawang ngitian kapag napapatitig siya sa akin, hindi ba niya ako ikinokonsiderang girlfriend niya ako?

Last time, kumaway ako sa kaniya habang may malapad na ngiti sa labi pero tinapunan lang niya ako ng tingin at nilagpasan. Pahiyang-pahiya ako no’ng araw na ‘yon dahil nagsihagikgikan pa ang mga kababaihang nakakita sa akin sabay tingin nang masama.

Arlene: Bes! Kumusta ka na? Long time no chaaaat.

: Balita ko nagwo-work ka,
bakit?

Nangiti ako nang makita ang pangalan ng aking matalik na kaibigan sa chat head ng messenger.

Mary Hyziel: Para magka-experience lang bes hahaha.

Arlene: Baliw. Kayo ni Adrian kumusta na? Parang ‘di naman kayo nagpapansinan in person. Sekreto lang ba relasyon niyo?

Bumuntong hininga ako sa katanungan niya. Hindi ko nga rin alam sa kaniya kung gusto ba niyang itago o ikinakahiya niya ako.

Mary Hyziel: Hindi.

Arlene: Bakit hindi kayo magpansinan? Dapat kung gaano kayo ka-sweet sa chat ganun din sa personal. Para kayong strangers in person pero may label sa chat.

Pati siya ay nagdududa na rin sa relasyon namin ni Adrian ngunit ayaw kong magpaapekto. Natatakot akong baka totoo sila at mali ako, natatakot akong masaktan.

Mary Hyziel: Alam mo na palagi siyang pagod sa photoshoot saka nagkla-klase pa siya kaya hindi niya ako pinapansin. I understand naman siya.

Arlene: Bes, huwag mo akong masamain ah. Nagkatampuhan na tayo nang dahil sa kaniya dahil sinabi kong parang fake lang siya. I mean parang ‘di talaga siya ang ka-chat mo… pero ‘di mo ba napapansin ‘yon?

Mary Hyziel: Paranoid ka lang bes.

Arlene: Si Mama mo, nasan na? Hindi ko siya Nakita sa bahay niyo no’ng bumisita ako kahapon saka ang kalat naman ng bahay niyo at nangangayayat ka na. Pinapabayaan mo na baa ng sarili mo? Naku! Huwag mong pabayaan sarili, kailangan always maganda ka para lagging inlove sayo si Adrian.

Wala na akong contact kay Mama. Tatlong buwan na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin at hindi na ako sinusustentuhan maging si Papa kaya para mabuhay ako, pinili kong maging working student at pinagsasabay sa pag-aaral. Life must go on kahit nahihirapan na ako.

Mary Hyziel: Si Mama? Matagal ng nasa China.

Arlene: Bakit siya ando’n? Nagwo-work?

Mary Hyziel: Masaya na siya sa bago niyang pamilya at alam mo ba magkakapatid ulit ako :)👏

Arlene: Good news ‘yan pero sarap sabunutan ng Mama mo. Inuna pang lumandi kaysa sa buhayin ka. Sumakabilang bahay na nga Papa mo na hindi mo man lang sinabi sa amin agad ni Laleen ang nangyayari sa buhay pati pa Mama mo.

: By the way, punta ako diyan bukas, ha? Makiki-sleep over ako.

Napangiti ako sa chat niya. Makikitulog ang bestfriend ko sa bahay pero hindi niya alam na wala na ako do’n. Pinalayas na ako ng nakabili ng bahay kahapon ng madaling araw kaya heto, nakiusap ako sa boss kong sa restaurant na lang ako matutulog para bantayan.

Mary Hyziel: Bes, huwag ka ng pumunta sa bahay baka masipa ka lang do’n.

Arlene: Bakit? Sisipain mo ako? Sipain kita papuntang langit. :D

Mary Hyziel: Matagal na palang naibenta ang bahay. Simula no’ng sumakabilang bahay ibinenta na ni Mama.

Arlene: Whaaaat?! Nasan ka ngayon?

Mary Hyziel: Dito sa restaurant, dito ako natutulog. :)

Arlene: Tangengot ka! Hintayin mo ako dyan, susunduin kita. Nakakainis ka hindi ka man lang magsabi.

Mary Hyziel: Bakit?

Arlene: Sa akin ka na lang makibahay. Tutal mag-isa lang naman ako sa kuwarto. Kausapin ko bukas yung landlady na may kasama ako para maliit lang babayaran ko pero syempre hati tayo ng babayaran.

Mary Hyziel: Akala ko pa naman sagot mo na.

Arlene: Ano ka, sinusuwerte. Sya offline muna ako, susunduin na kita.

Our Chat Story (CHAT SERIES #1)Where stories live. Discover now