78

749 41 4
                                    

Muli siyang nakipag-usap sa akin at sinasakyan ko na rin siya sa mga peke naming lambingan. Wasak na wasak ako matapos kong ma-realize lahat ang sakripisyo ko. Kaya pala ayaw niyang makipagkita kasi impostor siya, kaya pala hindi ako nginingitian ni Mark sa tuwing nagkakasalubong kami dahil wala palang kami. To make the story short of my stupidity and obsessions on him I was tricked with the devil’s believable trap. “Hyziel,” tawag sa akin ng pamilyar na boses. Lumingon ako upang harapin siya at yakapin ang may-ari ng boses. Kahit na hinang-hina ako sa heartbreak na natamo ko ngayon kailangan kong maging malakas gaya nga ng sabi ni Aldrin kagabi, ‘Huwag mong iyakan ang pekeng relasyon kahit na ikaw lang ang nagmahal sa inyo. You will be loser on this game if you’ll let yourself affected. He’s enjoying while you are crying so do what he does to you to make it fair. Andito lang ako bilang sandalan mo, makikinig ako sa mga dramas mo.’ Epal na Aldrin paano ako tatawa? Paano ako sasaya kung hindi naman nakakatuwa?

“Tumawa ka nga! Mukha kang losyang sa pagmumukha mo!” singhal ni Arlene nang umupo siya sa tabi ko rito sa bangko, sa labas ng boarding house.

“Bes, ang sakit kahit peke lang. Naloko kasi ako.” hindi maiwasang pumiyok ang boses habang nagsasalita. Tokwa lang! Sinong matutuwa? I can’t laugh like there’s nothing happened.

“Break mo na lang kaysa sa maging mag-on pa kayo. Kasalanan mo rin naman, eh. Pabebe ka kasi at ang putanginang puso mo naman porket si Mark Adrian ang nanligaw sagot agad. Hindi naniwala kaya broken hearted. Kung naniwala ka na lang sana agad sa amin ni Aldrin edi hindi ka five months tanga!” singhal niyang panenermon sa akin na may kalakip pang mura. Kung hindi lang ako sawi at kung kaya ko lang talagang magmura ngayon kanina ko pa ito tinadtad ng mga mura. Palibhasa nangako ako sa isang tao na hindi na ako magmumura at maging sa Diyos dahil hiyang-hiya na ako, hindi na nga ako nagsisimba, magmumura pa ako? Naubos na kakapalan ng mukha ko. 

“Huwag mo nga akong murahin! Pakain kita sa ahas sa zoo, eh. Alam mo na ngang sawi ako rito, sisisihin mo pa ako! Oo na, ikaw na may magandang love life! Magpakasaya kayo ng boyfriend mo!” singhal ko pabalik sabay irap at pahid sa uhog ko.

“Tangina, nasasaktan ako para sa ‘yo pero huwag kang mag-aalala supporn kita sa pag-hunting mo sa impostor na karelasyon mo. Siguraduhin niya lang na guwapo siya nang ka-forgive, forgive agad siya.” Siguraduhin lang talaga niyang guwapo siya nang may matuwa naman ako kahit peke lang ang status naming. Binida ko pa kay Jollibee na may love life na ako pero nag-assume lang akong McDo niya ako dahil Shakeys lang ang inabot ko. So Shakeyt. Nakakasiguro akong isa lang sa mga kaibigan niyang naglakas loob pag-tripa-an ako. Kapag nakita ko siya humanda siya sa sampal at sipa ko dahil tiyak na aabot siya sa impyerno, hindi sa langit.

-

7:06 PM

Kasalukuyan akong nagse-serve ng mga orders ng customers dito sa restaurant dahil shift ko na. Nakakapagod dahil hanggang 3 am ako rito at matutulog lang ako ng apat na oras saka papasok ulit. Tiis at tiyaga lang ang puhunan upang makatapos kahit na wala ng tumutustos sa akin. Besides, isang taon na lang graduate na rin ako sa kolehiyo.

Sandali akong sumandal sa dingding at palihim na inilabas  ang phone upang i-tsek ang messenger ko nang may chat ang taong palagian ko ng hinihintay. Hindi alam kung bakit hindi buo  ang araw ko kapag 'di nakikita pangalan niya. Marahil siya lang napagsasabihan ko lahat-lahat  problema ko kaya ganito, si Arlene wala akong matinong maririnig do'n dahil mumurahin muna niya ako bago sumeryoso.

Aldrin: Psst! Halatang sawi ka talaga. HAHAHA

Nangunot ang noo ko. Pinalunan ko siya ng sunod-sunod na tanong nang mapagtantong parang nandito siya.

Mary Hyziel: Nakikita mo ako? Nandito ka sa resto? Nubayan haggard ko. Huwag mo akong tingnan. Teka... nasaan ka ba? Anong ginagawa mo rito?

Agad na iginala ang mga mata sa punong-puno at sarap na sarap sa pagkain na mga customers. Hinuhuli ang taong weirdo kung kumilos dahil malamang siya iyon.

Aldrin: Dami mo namang tanong. Oo, nandito lang ako sa mga kumakain. Bakit, gusto mo ba akong makita? Sorry, taken ka pa rin kahit fake lang kayo kaya bawal ako tumayo para lumandi.

: Huwag kang sumimangot
diyan  mas lalo kang pumapangit. Pero in fairness cute mo pa rin. Tapos halatang masungit.

Mary Hyziel: Nasaan ka ba? Huwag mo akong tingnan, ang   ganda ko para tingnan ng pa-mysterious

Aldrin: Nandito nga lang ako, kumakain. Layo pa ng nilakbay  ko para subukang kumain dito. Huwag mo na akong subukang hanapin baka mapagalitan ka pa. Bawal  ang cellphone during working hours. Chat you tomorrow. Good night.

May nakita   akong lalaking nakatalikod 'di kalayuan sa direksyon ko. Suminghap ako't akmang lalapitan nang tawagin ako. "Hyziel, ikaw mag-serve nito."

Our Chat Story (CHAT SERIES #1)Where stories live. Discover now