Slowpoke~ 2 ★ Sim card

907 68 26
                                    

Scarlett POV

"Oh? Sya yung lalaki kanina na Girlfriend yung puno." Sabi ko kay Shin habang naglalakad kami sa School

"Saan?" tanong nya tinuro ko naman yung lalaki kanina kaso ngayon di na sya nagiisa 12 na sila.

"OMG!!! Si Chen ba yung sinasabi mo? kinausap ka ni Chen?" Tanong ni Shin

"Huh? kilala mo sya?"

"Tss. Oo, Sino ba namang di makakakilala sa kanila eh sila ang sikat na EXO pinapantasya ng kababaihan at kabaklaan." paliwanag nya at parang magstar pa sa mga mata nito

"Ah. Eh bat di ko sila kilala?" Nagulat ako ng hawakan nya ang magkabila kong braso.

"Say whooot!? Di mo sila kilala?" Sino ba slow saming dalawa? Ako o sya?

"Hindi eh." sabi ko sabay kamot ng ulo. nagulat ako ng may nagsalita sa harap namin

"Hi!" sabi nung Chen ba yun? Tinignan ko lang sya ako ba kinakausap nya?

"Hi Me?" Tapos tinuro ko yung sarili ko

"Oo ikaw." Sagot nya

"Bakit?"

"Pwede ba naming makuha number mo?" Sumingit yung isang lalaki na may Eyeliner

"Hmm. Number ko?"

"Ay Hindi number nya." Sabi nya at tinuro si Shin.

"Hoy! Shin kukuhain nya daw number mo. bibigay mo ba?" Tanong ko kay Shin kaso tinignan nya lang ako

"Hmmm. ate ikaw, number mo yung kinukuha namin." Sabi nung mukhang babae

"Ah. Ako pala, Hehe. Sure." kinuha ko yung sim card ng Cellphone ko.

"Hmm, Anong ginagawa mo?" Tanong nung maitim

"Kinukuha yung sim card ko, sabi nyo kukunin nyo yung number ko." Tumawa yung iba sakanila at yung iba na pa buntong hininga.

"Ito Oh! Sige sainyo na yan bibili nalang ulet ako. Bye may klase pa kami." Inabot ko yung simcard ko at hinila na si Shin

"MISS!! HEY COME BACK!!" Di ko na yun pinansin mallate na po kami.

"Grabe best, Masyado na ba silang mahirap kasi pati sim card wala silang pambili." Tinignan ko ang Bestfriend ko na nakatingin lang din sakin

"Alam mo, Di ko alam kong yang pagiging slow mo ay sinasadya mo parin o talagang natuluyan ka na sa pagiging slow."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Best naman! Sayang yun, hinihinge ng EXO yung number mo tapos di mo binigay." Sabi nya at parang iwan na nanghihinayang

"Binigay ko naman huh?"

"Ay Ewan ko sayo! Tara na nga sa room." Hinila nya na ako papasok ng Room namin

Umupo kami sa bandang dulo maya maya ay pumasok yung EXO? tama ba diba EXO yung grupo nila? yung mga classmate kong babae at bakla at naging wild. Naghanap sila ng upuan, since nasa dulo nalang ang maraming bakanti ay umupo sila sa tabi namin. katabi ko si Chen.

"Oh, yung sim card mo." Chen. Oh diba kilala ko na sya.

"Kala ko ba kukunin nyo yung number ko?"

"Tss. Ewan ko sayo." umayos na sya ng upo ako naman ay ibinalik ko na yung sim card ko sa Cellphone ko.

"Bakit ba napaka Slow mo." Narinig kong sabi ni Chen di ko yun pinansin dahil di naman sya nakatingin sakin baka kausap nya yung upuan.

Cabelza

SlowpokeWhere stories live. Discover now