Epilogue~ ★ (The last Slowpoke)

1K 67 53
                                    

Scarlett POV

"Scarlett bago ako mamatay gusto ko lang sabihin na mahal-- na--- mahal kita.. tandaan mo yan..." Yakap yakap ko sya at nagaagaw buhay na. wala akong magawa kundi umiyak, huli na ang lahat. wala na si Chen.

***

"CHENNNNNN!!!" Napaupo ako sa kama ko. Shit!? Panaginip lang yun? Nakita ko kasi sa panaginip ko na may mga lalaking bumugbog kay Chen at dahilan ng pagkamatay nya.

Napahilamos ako sa mukha ko, nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko

Unknown number Calling...

Bigla akong kinabahan.

"Hello?" nanginginig ang buong katawan ko

"Hawak namin si Kim Jongdae kung gusto mo syang maabutang buhay pumunta ka agad dito." nabitawan ko ang Cellphone ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Lumabas ako ng bahay namin, nagabang ako ng masasakyan habang umiiyak. Sana hindi mangyari ang nasa panaginip ko. Hindi yun maaari. Halos kalahating oras na akong naghahantay pero wala paring nadaan na Taxi.

Masamang konsensya; pumasok ka na sa bahay nyo, wag munang puntahan si Chen. Nakalimutan mo na bang sinaktan ka nya?

Agad na umatras ang luha ko, Papasok na sana ako sa gate namin ng may tumawag sa pangalan ko

"SCARLETT!!! BHEST!!!" kahit hindi ko pa sya nakikita alam kung si Shin yun, hinarap ko sya nakatayo sya sa tapat ng kotse nya

"Oh? Bhest, bakit ka umiiyak?" Tanong nya, lumapit ako sakanya at niyakap sya

"Bhest, Si-- Si Chen.. puntahan natin si Chen, parang awa muna." Hinila nya ako papasok ng kotse nya at pinaandar ito

"Bhest, Yung mga lalaking kumuha kay Chen sila yung lalaki na nang harang sayo."

Biglang nagtaasan ang balahibo ko.

*FLASHBACK* 3 days ago

lumabas ako ng bahay namin kahit 11;00 na ng gabi, gusto ko kasing pagisipan kung gagawin ko ba yung pagpapanggap ko. Potahamnida ka kasi Chen, wala naman akong kasalanan sayo pero bakit mo ko sinaktan ng ganito.

Tumulo nanaman ang luha ko kasabay ng pagbagsak ng ulan. Senti mode ON..

Nagulat ako ng palibutan ako ng dalawang panget na lalaki. Emerghed mukha silang Aso.

"Hi Miss, Naliligaw ka ba?" Aso 1

"Gusto mo dun ka nalang sa bahay namin?" Aso 2

Hinawakan nila ako pero nagpumiglas ako.

"Aba! palaban ka huh." Hinila nya ako palapit sa kanya agad kung sinipa ang parte kung saan pinakamasakit agad sya napaupo sa sahig. tatakbo na sana ako ng may humila sa kamay ko. Shemay nakalimutan ko si Aso 2.

"Bitawan mo ko! Ampanget mo! Hindi ka mukhang tao mukha kang tae!" Binitawan nya ako, nagulat ako ng bigla syang umiiyak. Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa itsura nya mukha syang bata na kinuhaan ng Candy.

SlowpokeМесто, где живут истории. Откройте их для себя