Slowpoke~ 4 ★ Friends

843 65 13
                                    

Jongdae POV

"Chen, kung ako sayo kaibiganin mo muna bago mo Itroll para mas astig." Yan ang advice sakin ng EXO kaya nandito ako sa tapat ng library hinihintay si Scarlett.

Halos kalahating oras na akong nandito pero wala parin sya, Pumasok ako sa library kahit ayaw ko. pagkapasok ko sa library ay agad kong hinanap si Scarlett sa mga table ng mga studyanteng nag babait baitan kaso wala sya. Inikot ko ang buong library at ayun nakita ko din sya sa pinakasulok nito, teka nga lang? Na.. natutulog sya?

Nilapitan ko sya at tinanggal ang librong nakatakip sa mukha nya at ayun nakakita ako ng anghel na natutulog.

*Dub* *dub* *dub*

Agad kung binalik ang libro sa mukha nya napalakas yata ang paglagay ko kaya nagising sya

"Oh? Chen? Anong ginagawa mo dito?"

"Baka kumakain." pamimilosopo ko

"Ah. ganyan ka pala kumain wala pagkain? Astiggg!" Mukhang tuwang tuwa pa ito. Grabe na talaga tong babae na to, di mo alam kung slow o nagsslowan lang.

Umupo ako sa tabi nya

"Bakit ka natutulog sa library? Kala ko pa naman napakasipag mo."

"Inantok ako bigla eh, napakatahimik naman kasi dito sa library." Sabi nya habang umaayos na upo

"Malamang library nga diba? pero bakit magisa ka lang ngayon?" tanong ko, yung mukha nya mukhang hindi nagets yung tanong ko. Tae Slow!

"A-ah? Hindi naman ako magisa, Dalawa kaya tayo dito." Ayt. Nginitian ko lang sya.

"Ah. Nasan yung kaibigan mo yung Shin?"

"Hindi ko din alam eh. Ikaw alam mo ba kung nasan sya?" Grabe! Hindi yata ako makakatagal sa babaeng to buti natagalan to ni Shin.

"Hindi eh, diba kayo yung magkaibigan? dapat alam mo kung nasan yung kaibigan mo" Sasakyan ko nalang muna ang pagiging Slow nito para maging magkaibigan kami

"Huh? Ganun ba yun? pagkaibigan ko ang isang tao dapat alam ko kung nasan sya? pag hindi ko ba alam hindi ako mabuting kaibigan? OMO!!!" Agad nyang kinuha ang Cellphone nya at may pinindot maya maya itinapat nya na ito sa tenga nya

"SHIN! NASAN KA? DAPAT ALAM KO KUNG NASAN KAAAAA!" Napangiti ako sa itsura nya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng maganda parin kahit mukha ng tanga, Binaba nya na yung Cellphone nya at ngumiti sakin

"Nasa canteen daw sya. Haha." Bukod sa pagiging Slow.. Slow padin sya.

"Hindi ka ba nagugutom?" Pagiiba ko ng topic

"Hmm, Nagugutom. Ikaw?"

"Tara kain tayo nagugutom narin ako eh." pagyayaya ko

"Huh? Diba kumakain ka ngayon?" Nginitian ko sya ng pilit sa isip ko pinapatay ko na sya

"NAGUTOM KASI ULET AKO." Mahina pero nanggigigil na sabi ko. Pigilan nyo ka susuntokin ko na tong slow na to.

"Ah! Ang dami mo sigurong alaga sa tyan." Ano daw di ko yun nagets

"Huh?"

"Haha. Sino ba slow satin? Ako o ikaw?" Sabi nya at tumayo, Wow! Alam nya palang slow sya?

Naglalakad kami ngayon papuntang canteen ang tahimik, hindi ako sanay sa ganto.

"Hmm. Scarlett, Pwede ba tayung maging magkaibigan?"

"Kaibigan?" pagulet nya. Haha. Ngumiti ako

"Oo, Pero kung gusto mo pwede ding mag kaIBIGAN." talagang diniinan ko yung pagkakasabi sa IBIGAN.

"Iisa lang yun diba?" Nawala yung ngiti sa mukha ko.

"Oo iisa lang yun, So Friends?" Di ko talaga sya matroll

"FRIENDS." Nagshake hands kami, pero agad ko din yung tinanggal. Nakuryente ako.

"Tara na sa canteen, Libre mo ko." sabi nya at nauna ng naglakad sakin.

Bukod sa pagiging slow? Ano pa sya? yung pagiging slow nya ba ay natural o hindi? kung hindi bakit nya to ginagawa? Ang dami kong tanong. Tss.

"Chen, Baka mainlove ka sakanya."

"Asa! Di ako maiinlove sa slow na katulad nya."

Nagflash back sakin ang usapan namin kanina ng EXO. Yung mga binitiwan kong salita di ko alam kung magagawa ko pa yun.

Cabelza

SlowpokeWhere stories live. Discover now