One

36 1 1
                                    

Chapter 1



"Saan ka pupunta? Ang aga pa a?" Tanong ni Mama pagkaupo ko sa dining table para kumain, "Pupuntahan ko po si Kuya Yeol, Ma. May pag uusapan daw po kami e." Tumango nalang si Mama at nagsimula na kaming kumain.

Silence. Tahimik lang kaming kumakain ni Mama. Usually kaming dalawa lang lagi naiiwan sa bahay, si Papa and Kuya Chanyeol busy na sa company namin. Si Kuya Yeol na kasi naghahandle nito e after nya maka graduate ng College. I think its been 6 years? May asawa at anak na din si Kuya Yeol. She's married to a fine lady naman, which is si Ate Justine, were thankful kasi mabait talaga sya and super understanding. May isa silang anak, Taeoh, 4 years old na.

Minsan nalang din bumisita dito sina Kuya kaya madalas ako ang pinag iinitan ni Mama dito sa bahay. Well, mula noon pa naman sobrang strict na nya samin.

"Una na po ako." Pagpapaalam ko then I kissed her right cheeks. Tumango lang sya, walang 'Ingat ka', 'Uwi ka ng maaga' and such. She never cared about me, she's just always concern about the family's business and wealth.

Minsan nga iniisip ko pinakasalan nya lang si Papa dahil sa yaman nito. Masama mang isipin pero di ko maiwasan, hindi ko talaga gaanong naramdaman ang care nya noon pa. Kahit kay Kuya ganon din trato nya, basta gusto nya lang lagi kami ang maghahandle ng Airline Company namin.

Kung ako nga ang tatanungin, ayoko. Ayoko ng business ad as my course but what can I do? 4th year ko na as a business ad student, tapusin nalang. I really want to be a musician. Ang layo ano? Kami lang ni Kuya nagkaka intindihan pag dating sa field na yon.

Sigh, this is life.















Nakarating ako sa Office ni kuya kahit sobrang traffic. Sabi nung secretary may kausap pa daw sa loob si kuya kaya sya nalang chinika ko. Medyo close na din naman kami nitong si Irene.

So ayun wala naman daw bago dito sa ganon pa din ang ganap, loads of work and stress. Every day pa din daw na may lumalapit na babae kay kuya trying to get him but he's very loyal kay ate Justine kaya minsan tinatawanan nalang namin yung issue about dun pero syempre di nila naiiwasan ang jealousy.

Madami din naikwento sakin si Irene like, mas madami daw work ni kuya ngayon at marami din itong natatanggal sa trabaho. Strict sya pagdating sa business namin, I guess nakuha nya kay mama yung trait na yun. Pero sobrang family oriented ni kuya he cares about his family of course. Buti nakuha namin yun kay papa.

Sabay kaming napatingin ni Irene ng finally e lumabas na sa office ni kuya yung kausap nya and guess what ang gwapo! He look so classy, he's tall, jusq ang palaban din ng jaw, ang sexy din ng kulay nito, kind of bronze? basta ganon. He's wearing a simple white shirt with a navy blue coat, black pants and a black leather shoes. And he manage to be this...hot?

Napabalik naman ako sa realidad ng umubo itong si Irene. Jusq gaano ka tagal pala akong nakatingin sakanya? Hala bakit nakatingin rin sya sakin? Napa irap nalang ako at napaayos ng tayo. Keep it cool, Julia.

I nod at him as a sign of respect at papasok na sana sa office ni Kuya ng tanungin ako nito, "What's your name?" And why the hell do you care?

Ugh, buti hindi ko nasabi.

"She's Julia Seirá Park, the CEO's younger sister, Sir." Thanks Irene. Buti hindi nasayang ang laway ko. Mukhang mayabang e. Pagkatapos ba naman akong tingnan kanina bigla akong tinaasan ng kilay tapos natatawa pa? Nakaka insulto ano. Kaya nawalan ako ng gana e. Tapos ngayon tatanungin nya pangalan ko?

Huh, ako lang naman ang anak ng may ari ng building na tinatapakan nya.

"E sya? Sino ba sya?" Hindi ko na napigilan magtaray. Nakaka inis na e.
Kung makaasta akala mo sya nagpapasweldo sa mga empleyado namin dito. Binabawi ko na lahat ng compliments ko dito. And by the looks of this guy and the way he smirk at me when I ask that question to Irene, I definitely hate his guts. Period.

What is Love?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant