Two

13 1 3
                                    

Chapter 2



"No, that's not a dog Taeoh, It's a wolf."

"Séira, kain muna kayo dito dali." Dali dali namang tumakbo si Taeoh sa Mama nya. Hays manang mana kay Kuya Yeol, patay gutom.

Saturday ngayon kaya naisipan kong bisitahin sina kuya. Kaso wala pa si kuya. Sabi ni ate Justine mamaya pa daw yung mga 11 pm nauwi. I pity my brother.

"Kain ka lang, Séira, pasensya na sa luto ko ha? Hindi pa kasi ako masyadong magaling magluto." Si Ate Justine lang talaga ang natawag sakin by my second name; Séira. Gandang ganda sya sa name ko e. Ewan ko ba kung bakit hindi ko maappreciate, siguro kasi dahil si Mama nagbigay sakin ng name na yun?

"Nako, ate, okay lang, masarap naman e. Kamusta pala kayo dito? Ayaw mo talaga kumuha ng maid?" Nag stop ng magtrabaho si ate Justine as a medtech mula nung nag kaanak sila at si Taeoh nga yun. Gusto nya daw magfocus kay Taeoh. Ayaw nya ding kumuha ng maid, wala daw syang masyadong tiwala.

"Gusto nga ng kuya mo kumuha ng yaya ni Taeoh, e sabi ko kaya ko naman. Gusto na din atang sundan ang Baby Taeoh natin hahaha." Sumang ayon naman ako sa sinabi ni Ate, "Why not ate? Big boy na si Taeoh. Ikaw ba Taeoh gusto mo ng Baby Sister?"

"YES YESSS!" At nag high five pa kami ni Taeoh, natawa nalang samin si Ate.

"Kayo talagang dalawa, kumain nalang kayo."

"Ate Julia, gusto kong maging dancer pag laki ko." Ang random talaga ng batang to minsan.

"Bakit naman dancer?"

"Hindi kasi magaling si Appa Yeol sumayaw e, kaya pag ako naging dancer ako turo sakanya." Natawa ako ng malakas, naalala kong ayaw na ayaw ni kuya pinupuna pag sasayaw nya. Sya lang kasi yung may alam na magaling syang sumayaw. Self love kumbaga.

"Yari ka dun kung narinig ka nya, baby Taeoh."

"Magaling naman kumanta at mag rap, appa mo Taeoh ah? Ang gwapo pa." Sige, ate Justine buhatin mo lang si Kuya. Nilaglag nung anak e hahaha.

"E gusto ko galing ako sa sayaw."

"Mas maganda pag magaling kumanta, Taeoh." Well, for me. Mas gusto ko kasi yung mga vocalist than dancers.

"Hmm, okay. Pero ikaw ate Julia, may kilala ka galing sa sayaw? Gusto ko magpa turo!" Napa isip naman ako. Nako, sino ba? Masama ba na si Kyungsoo lang kaibigan ko? Kaso hindi sya masyado sa sayaw e, more on singing sya.

"Wala Taeoh e, hayaan mo pag may nakilala ako, sasabihin ko agad sayo." Napa ngiti naman ng malaki si Taeoh sa sinabi ko.













"Ate Julia, ikaw wala ka boyfriend?" Grabe na talaga mga bata ngayon ganyan na ang mga tanong.

"Bakit naman alam mo na yung mga ganyan ha? Wala pa, bata pa si ate mo e." Umupo naman sa tabi namin si ate Justine, kasalukuyan kaming nasa living room nila nanunuod kami ni Taeoh ng favorite show namin, Porroro.

"Hahaha bakit kasi hindi mo pa sinagot yung nanliligaw sayo noon, Séira? Yung may ari ng Polillo Island nga ba yun? Yayamanin na oh."

"Di ko type, Ate Justine."

"Ay ang ganda ha hahaha. Yung isa mo pang manliligaw yung magaling sumayaw?" Dun ako napa isip, I somehow regret na hindi ko sinagot yung manliligaw ko na yun, saka ko sya naappreciate kung kailan hindi na nya ako gusto, stupid right?

But maybe hindi sya ang para sakin, or hindi pa yun ang tamang oras para samin. Maybe.

Ano ba yan napapa senti ako bigla.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What is Love?Where stories live. Discover now