Chapter 3: Runes

732 22 1
                                    

Shira's PoV

Nung ako ay nagising nakita ko yung kalat naiwan namin kagabi. Tumingin ako sa clock at nakitang 7: 56 na ng umaga. Agad akong bumaba at nakita si Mia na natutulog pa. "Mia gising ka na!" I said while shaking her.

"Anong oras na ba?" Tanong niya nung gumising. "7:58 na!," sagot ko tapos tinignan niya ang time. "Wag kang mag-alala hindi tayo male-late kasi 8:30 ang start ng classes," kumalma ako doon. Akala ko kasi eh male-late ako sa una kong araw dito.

"Sandali saan si Raylee?" Taka kong tanong nung napansin kong wala siya sakanyang kama. "Maaga siyang pumapasok dahil membro siya ng Student's Council," sagot ni Mia tapos pumunta sa kusina.

"Mag-ayos ka na habang naghahanda ako ng pagkain," agad akong pumunta sa bathroom pero lumabas naman ako dahil nakalimutan ko yung aking towel ko. Nung matapos akong naligo nakita kung uniform na nakapwesto sa aking kama.

'Sinong naglagay dito'

Di ko nalang binigyang pansin at kinuha yung uniform at sinuot. Bumaba ako at nakitang handa na si Mia. Nang matapos na kaming kumain lumabas kami at inilock yung door, sakto pang nakita ko si Ella na may kasamang dalawang babae.

"Magandang umaga Ella!" Bati ko sakanya. "Morning Shira, eto pala yung mga roomates ko," sabi niya. "Hi pangalan ko ay Xhyra," mukhang siya ay 130 cm tall, brown hair at light brown eyes. All in all ang cute nga niya.

"Hello ako naman si Kaixin," siya naman ay mukhang 140 or 143 cm tall, light blue hair at orange eyes. "Nice to meet you both," bati ko sa dalawa. "Punta na tayo sa school, ayaw ko namang malate," sabi ni Mia.

"Section mo pala Stella?" Tanong ko. "Section I-Astral," sagot niya. "Sayang ako kasi eh I-Terra," pagsabi ko. "Wag kang mag-alala Shira, the same naman tayo ng section," pagreassure ni Xhyra, napangiti ako sakanyang sinabi.

Sabay kami ni Xhyra na pumunta sa classroom, buti pa at may bakanteng upuan sa likuran ni Xhyra. "So sino ba ang class adviser ng section?" Tanong ko. "Si Ma'am Aerilyn Vianza ang class advisor," sagot niya. Ilang segundong nakalipas at nagring ang bell kaya lahat kami ay napaupo.

May inilaba akong papel at tinignan kung ano ang una naming subject for the day. "Mukhang Spells ang unang subject," bulong ko saaking sarili. Lahat kami ay nagbati ng gd morning nung pumasok ang teacher. "Okay class ang magiging lesson natin ngayon ay mga offensive spells, find a partner and go to page 138," lahat ay naghanap na ng kanilang partner habang ako naman wala pa.

"Siya ba si Prof. Merlin?" Tanong ko kay Xhyra at tumango siya.

"Pwede muna tayong maging partners," ngumiti ako sa sinabi ni Xhyra at binuksan ang book sa pahina na sinabi ni Prof. Merlin.

" sige pupunta tayong lahat sa Arena para sa lesson," utos ni Prof.

Lahat kami ay nagform ng dalawang linya at nagproceed sa Arena. Nagbigay ng instructions si Prof na magpractice kami ng mga offensive or attack spells.


"Anong spell ang gusto mong gawin natin?" Tanong ni Xhyra. Naghanap muna ako ng spell sa book. "Paano kung ito ang gagawin natin," ipinakita ko sa kanya ang spell. "Great choice pero para gawin siyang spell kailangan nating gumamit ng runes," sabi niya.

May isunulat siya sa isang papel at ipinakita sa akin. Sinabi niya sa aking kung ano ang gagawin namin para sa spell. "Gets mo na?" tumango ako.

"Okay class let's start with Cross and Kiel," sabi ni Prof, lahat kami ay tumingin sa dalawang lalake na pumunta sa gitna ng arena.

May lumabas na malaking earth kolum sa harap nila, mas malaki kaysa sa kinalaban ni Ella. May biglang lumabas na magic circle sa harap ng dalawang lalake, lumaki ito tapos sinabi nila ang spell para tapusin ang gollum.

"Light from the sky and storm of rage
    Make this creature suffer in vain"

Biglang lumakas ang hangin tapos naging grey ang mga ulap, nung aatake sana ang gollum tinatamaan ito ng malakas na kidlat. Lahat ay namangha sa performance ng dalawa.

"Sunod ay Xhyra at Shira," sabay kami ni Xhyra na pumunta sa gitna tapos hinintay ang aming kalaban. "Isang fire phoenix and iyong kakalabanin" sabi ni Prof.

Lumabas ang Phoenix mula sa isang maliit na apoy na ginawa ni Prof. Naghanda kami ni Xhyra para sa aming attack. "Ngayon na!" Sigaw ni Xhyra. Agad kong sinabayan siya sa pagsulat ng mga runes sa hangin. 'FEHU, SOWILO, JERA, TIWAZ" yon ang runes na aming ginamit.

" Runes of old make my magic stronger than gold, use our body as vessels as you bring pain to this creature of fire." Sabay naming sinabi ni Xhyra.

Nung binuksan ko ang aking mga mata nakita kong wala ang Phoenix. Bago pa makapagsalita si Prof nag ring ang bell. Lahat kami ay bumalik sa classroom para sa susunod na class. Pero bago pa ako makapasok may biglang nagbulong ng malapit sa aking tenga.

'You were great'

Di ako makagalaw dahil sa ginamit kong enerhiya para sa malakas na spell. Pumasok ang lalake sa classroom tapos ako naman nakatayo malapit sa pinto na dumbfounded.

'Sino yun?!'

TO BE CONTINUED

Miracle Academy: The Chosen Guardians (ON-HOLD) Where stories live. Discover now