Chapter 5: Weekly games

650 14 3
                                    

Shira's POV

"Bilisan mo Shira!" Sigaw ni Mia habang nagsisipilyo ako.  Nung natapos na ako kinuha ko yung bag ko tapos bigla akong hinila ni Mia palabas ng dorm papuntang school.  "Meron bang special ngayon?" Tanong ko habang huminto kami. 

"Ngayon kasi yung monthly games," Sagot niya habang naglalakad kami.  "Ano ba iyon?" Tanong ko. "Once a month ay may games na kung saan ang mga nanalo ay kukuha ng extra point plus may reward pa! At last month isa sa mga nanalo at yung prize ka ay pwede akong makapag skip ng tatlong class," Sabi niya. 

"Swerte mo naman," Sabi ko tapos nagpaalam sa kanya nung ako ay pumasok sa classroom ko. Agad kong nakita si Raylee na kasama si Xhyra. Iniwan ko yung bag ko sa aking upuan tapos lumapit sa kanila. "Shira,  alam mo ba yung tungkol sa monthly games?" Tumango ako sa tanong ni Xhyra. "Mabuti naman kasi may nakuha akong maliit na impormasyon tungkol sa game," Sabi niya. "Ano!? Sabihin mo na," Sabi ni Raylee.

"Yung magiging game ngayon ay parang hide and seek raw at may tatlo raw na nag-volunteer para magtago, pero hindi ko alam kung sino," Sabi ni Xhyra. "Ano ba yung magiging prize kung nahanap natin sila?" Tanong ko tapos umupo sa upuan ko.

"Di ako sure pero yung isa sa magiging prize ay pwede kang lumabas ng school para sa isang araw at yung maganda pa doon ay pwede mong i-decide kung anong day mo gustong maging free," Sabi ni Raylee. 

Mayamaya nagring yung bell tapos sinabi ng teacher na kami ay lumabas.  Nung lahat ng mga estudyante ay nasa labas may humarap na babae.

"Magandang araw students, ang magiging game para sa ngayon ay parang hide and seek," Pagsimula niya.  "Yung mga hahanapin yung mga tao ay sina Prof. Leo, Sir. Black at Ma'am Zora. Bibigyan ko kayo ng clues para dito. 

Una: sa silid na ito ay maraming mga libro, dito ay kung saan may taong mataas ang antas

Ikalawa:  lugar na may halaman, ako'y nagtatago sa kadiliman

Ikatlo: ako'y nasa lugar na may pagkain,  maliit ako pero malaki ang gana ko.

May 30 minutes kayo para hanapin sila.  Kung nahanap niyo siya agad na ipunta niyo sila sa faculty kung saan ako maghihintay"

Nung matapos na ng sinabi vice principal yung mga clues agad na nag-isip kami. Yung unang pumasok na lugar sa aking utok ay yung library pero marami namang lugar ang maraming libro. "Yung office ni Principal?" Bulong ko.

Napansin kong kumilos na yung iba,  pati na sina Xhyra at Ray. Sinimulan kong tumakbo papuntang principal's office. Nung nasa tapat na ako ng pinto nakita kong wala pang nakaisip dito.  

Nagknock ako pero walang sagot ibig sabihin walang tao. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at nakitang walang ilaw. Wala akong mahanap na light switch pero may nakita akong lamp. Inabutan ko yung lamp at hinila yung string tsaka may ikaw na sa silid.

Naglibot ako sa silid at nakita yung ilang mga portraits at pictures ng mga principals noon pero hindi ko alam kung sino yung principal ngayon. Mayamaya may nakita akong buntot na luwa sa gitna na ng ilang mga libro. Lumapit ako at may nakitang pusa na kulay matingkad na kayumanggi.

"Cute mo naman," Sabi ko tapos kinuha siya.

Habang kinakamot ko yung pusa Nagpur siya. "Cute mo talaga," Napansin kong wala akong nahahanap dito na nagtatago. Sinubukan ko yung mahika ko para hanapin yung tao pero wala akong maramdaman na presence ng ibang tao kundi ako.

"Baka pwede munang kunin kita," Sabi ko sa pusa tapos nag meow ito."i'll take that as a yes" Sabi ko tapos lumabas, sinara ko yung pinto tapos tuluyan nang naglakad muna. Nung nasa hallway ako napansin kong may mga students na nakatingin sa akin na parang may premyo ako para sa kanila.

"Kunin niyo siya!" Agad na kumilos ako at sinimulang tumakbo hawak ang pusa. Ano bang nangyayari!?!?

<<Fast Forward>>

Nagtago ako sa isa sa mga stalls ng girl's CR. Nung wala akong marinig na mga dapak tahimik akong lumabas tapos sinubukang pumunta sa faculty.

Mayamaya may bigla akong nahila sa baywang tapos nakaharap sa isang lalake. Biglang niya akong hinalikan sa pisngi tapos biglang umalis.

(@////@)  nagugulohan na talaga ako. Ba't niya ako biglang hinalikan sa pisngi!?!? Agad kong napansin na wala na yung pusa sa aking mga kamay. "Hoy walangya!!" Sigaw ko sa lalakeng tumatakbo pa rin. Walangya talaga yung lalakeng iyon.

Pero ba't kinuha niya yung pusa? Bahala na si Batman.  Ngayon saan pang lugar ang pwede kong mahanap ang isang guro? Bwisit wala akong ibang maisip. Mayamaya may narinig akong announcement mula sa mga speakers.

"Makinig kayo mga students,  tapos na yung 30 minutes at may mga nagtagumpay sa pagganap ng mga guro. Pls assemble at the school grounds for the awarding of winners,"

Sayang di ako nakahanap ng isa manlang guro. Pumunta ako sa school grounds at nakita si Xhyra na may kasamang dalawang lalake. "Xhyra, sino sila?" Tanong ko sabay turo sa dalawang lalake.  "Kaibigan ko sila sa section Nova, eto si Aiden," Humarap yung lalake na mukhang mayabang.

"At eto naman si Rhenzo," Turo ni Xhyra sa lalakeng kulay berde ang buhok. "Hi, ikaw diba yung isa sa mga transfer students?" Tumango ako.

Lahat kami ay napatingin sa stage nung humarap yung vice principal. "Ngayon ang mga nanalo ay sina Kainin Wynne, Keyla Drage at Wade Kontria" Simula ng vice principal.


"Kaixin Wynne, yung prize mo sa panghuhuli kay Ma'am Zora ay isang araw na malaya kang pumunta sa kung saan mo gusto basta't may hawak kang tracker" Agad na napangiti si Kaixin sa prize niya.


"Keyla Drage, ang iyong prize ay 30 plus points sa iyong rank," Yung reaction ng babaeng si Keyla ay isang smirk.


"At Wade Kontria ang iyong prize ay pwede kang magskip ng tatlong period sa ngayong araw," Tumingin ako sa tinutukoy ni vice principal at napansin na siya yung lalakeng kumuha nung pusa sa akin. Talaga yung lalakeng iyon, ang daya niya talaga.


Miracle Academy: The Chosen Guardians (ON-HOLD) Where stories live. Discover now