Chapter 4: New Friends

62 49 0
                                    

Habang hindi pa bell, pupunta sana ako sa batibot na tambayan naming magkakaibigan nang mapadaan ako sa gilid ng wide space at nakita kong nakaupo sa ilalim ng puno si Naomi.

Nilapitan ko siya. "Naomi?"

Tinignan niya ako at nakita kong umiiyak siya. "Nandito ka ba para awayin ako?" tumulo nanaman ang luha niya.

"Okay ka lang?"

"Pagkatapos kong mapahiya kanina? Sa tingin mo ba eh okay lang ako?" tinignan niya ako ng masama.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang likod niya para patahanin siya sa pag iyak. "Naomi, hindi ako nag punta dito para manggulo. Ano bang nangyari?"

"Nakakahiya kasi ako." umiyak siya kaya naawa naman ako sakanya. "Tama naman sila Courtney eh, nakakahiya naman kasi yung trabaho ng tatay ko kaya dapat lang na paalisin nila ako sa grupo nila." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano? Pinaalis ka nila sa grupo nila?"

"Oo. Ginawa ko naman ang lahat para makapasok sa grupo nila dahil gusto ko din na sumikat dito sa school. Ginawa ko ang lahat para magkaroon ako ng magagarang damit. Ginawa ko ang lahat para makapag-aral dito. Ginawa ko ang lahat para sa magagandang sapatos na pang mayaman at sa mga mamahaling bag. Pero dahil sa nalaman nila kanina, iniwan na nila ako na para bang wala kaming pinag samahan." mas lalong bumuhos ang luha niya.

Ngumiti naman ako ng konti. "Naomi, hindi ka nakakahiya at mas lalong hindi nakakahiya ang daddy mo. Naomi hindi ikaw ang gumawa ng lahat ng yun. Daddy mo ang gumawa nun. Siya ang gumawa ng paraan para mabilhan ka ng magagarang damit, siya ang naghirap para makapag-aral ka sa school na 'to, siya ang nag pagod para mabilhan ka ng magandang sapatos at mamahalin na bag. Lahat ng meron ka ngayon ay dahil sakanya. At nandito ka dahil sakanya."

Tinignan niya ako at niyakap niya ako. "Salamat, Zharah." Niyakap ko din siya pabalik. "Baka hindi lang talaga sila totoong kaibigan at sinama lang nila ako dahil sa akala nila na maganda ang katayuan ng buhay namin."

"Mahal na mahal ka ng daddy mo, Naomi. Kinakaya niyang linisin ang school natin, kung wala siya edi ang kalat na ng school na 'to diba?" nginitian ko siya.

"Akala ko lumapit ka saakin para asarin ako pero nagkamali ako. Mabait ka pala Zharah. Hindi mo ako inuuyaw kahit na kayo ang may-ari ng school na 'to at kahit na palagi kitang inaaway." nginitian niya ako. "Zharah, I'm sorry ah. Napaka totoo mong tao at ang bait bait mo. Hindi mo man lang naisipan na gantihan ako sa lahat ng ginawa ko."

"Wala namang maitutulong ang paghihiganti Naomi eh."

"Zharah sabihin mo nga saakin, masama ba akong tao?" nagbago ang itsura niya at nawala ang mga ngiti sa mukha niya.

Tinignan ko siya at nginitian ko. "Hindi ka masamang tao, Naomi."

"Inaway ko pa si papa kanina. Sinigawan ko siya at ngayon nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko."

Tinignan ko lang siya. "Sa tingin ko kailangan mong mag sorry sa papa mo, sigurado akong nasaktan siya." Tumango lang siya saakin. "Uhm pwede ba akong magtanong?"

"Ano yun?"

"Naomi, diba may company kayo dati?" natigilan siya sa sinabi ko. "I'm sorry, hindi ko ata dapat inaalam 'to."

"Hindi, okay lang naman eh." ngumiti siya. "Na bankrupt yung negosyo namin at dahil dun, hindi na namin napa sweldo yung mga employees namin at nagsi alisan na sila hanggang sa bumagsak na ang negosyo namin. Binenta ni papa yung building na yun at pati ang bahay namin, naka sangla na ngayon. Pati na din yung bukid namin sa Pangasinan, naka sangla na para lang mabayadan namin ang mga utang namin."

When The Love Is GUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon