Chapter 6: Savior

48 49 4
                                    

After ng tutor namin ni Kyn, umalis na din siya sa bahay. Buti na yun at tahimik na ang mundo ko. Pero si mommy kasi eh, sinabi ba naman niya kay Kyn na sunduin nalang niya ako dito sa bahay at sabay na kaming pumunta sa practice.

Nag ayos na ako at nag bihis. Overnight kasi kami dun eh, hanggang bukas eh practice namin. Pag baba ko, nagulat ako nang makita ko siya. Nakita ko si Khalil.

"Khalil, a-anong ginagawa mo dito?" baka malaman niya na si Kyn ang susundo saakin mamaya. Patay na ako nito.

"Sinusundo ka, bakit masama ba?" ngumiti siya. Hindi naman masama yun Khalil pero pupunta kasi si Kyn dito eh. Kainis naman kasi si mommy hays, ako pa tuloy naiipit ngayon.

"Hi!" nako, ito na si Kyn. Problema 'to Zharah huhu. "Anong ginagawa mo dito?" nagkatinginan pa kami ni Khalil, alam ko naman na pati siya eh nagtataka.

"Sinusundo ko si Zharah, bakit may problema ba dun?" mukhang nagkaka initan na 'tong dalawa. Paano na 'to?

"K-kanino ba ako sasabay?" kanino ba? Syempre mas gusto kong sumabay kay Khalil pero kasi si Kyn ang unang nasabihan eh.

"Para fair, magpa hatid ka nalang sa driver natin." natatawa pa talaga si kuya Zeylin. Nakakahiya naman kay Khalil.

"Sige, deal." ngumiti pa si Khalil. Is he sure na okay lang sakanya yun?

"Oh, sakay ka na." kahit kailan talaga, ang sungit nitong si Kyn.

Sumakay ako sa sasakyan namin, ang bilis naman magpa takbo ni manong driver. Sanay naman na ako pero iba yung pagka bilis ng takbo niya.

Sinilip ko yung mukha niya sa rear mirror nang makita kong iba yung driver ng kotse. Kailan pa nag palit ng driver? Naka mask siya kaya hindi ko maaninag yung mukha niya.

"Manong, if you don't mind, pwede po ba mag tanong?" hindi niya ako pinansin at mas binilisan niya ang pag takbo ng kotse. "Manong! Manong paki baba nalang po ako dyan sa tabi!" mas lalo pang bumilis.

Kinakabahan ako. Hindi ko na matanaw kung nasan sila Kyn at Khalil ngayon kaya kinakabahan na ako. Ano bang kailangan niya saakin?

Inihinto niya ako sa isang liblib na lugar, anong lugar ba 'to? Hindi ko na ata napansin dahil sa sobrang kaba ko.

"Baba!" ang sama ng tingin niya saakin, halos maiyak na ako sa mga pangyayari. "Sinabi nang bumaba ka eh!" nagulat ako nang...

May baril siyang hawak.

Tinutok niya saakin ang baril na hawak niya.

Isa isang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko at sinunod ko nalang ang sinabi niya, bumaba ako sa sasakyan at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Habang naglalakad kami, naka tutok lang saakin ang baril na hawak niya.

"Manong saan mo ako dadalhin?" nag simula nang pumatak ng pumatak ang mga luha ko. Iyakin pa naman din ako.

"Tumahimik ka, katapusan mo na ngayon. Sinira mo ang buhay ko, sinira mo ang pamilya ko." wtf? Ano ba ang sinasabi niya? If I know, I'm not a mistress.

"Hello? I'm not a mistress." bigla siyang huminto sa pag lalakad na nagpa bilis ng tibok ng puso ko. Nainis ata siya sa sinabi ko. Kinakabahan na tuloy ako.

"I know. Pero ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko." ano daw? Di ko maintindihan. Natatawa nalang ako, baka mistaken identity. Tinutok niya saakin yung baril niya. "Can shut your fvckin' mouth up? Kung ayaw mong pasabugin ko ang utak mo ngayon." natakot naman ako bigla kaya hindi nalang ako nag salita.

When The Love Is GUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon