Chapter 12: Mud Fight

46 36 7
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" agad akong napabangon nang makita ko si Kyn na tumatawa sa harapan ko.

Napatigil siya sa pagtawa nang binato ko siya ng unan. "Aray ko naman!" tumawa nanaman siya ng malakas. Mapang asar talaga itong unggoy na 'to ah.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" pagtataray ko sakanya.

"Aalis na tayo. Maligo ka na." hinila niya ako paalis sa higaan ko pero agad akong kumapit sa teddy bear ko.

Nang mahila niya ako ay nahulog ako sa sahig. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"You need rest, Zharah. Kinausap na ni Kyn si sir Paul para ipaalam ka muna na nag bakasyon ka at tsaka niyo na sisimulan ang researches niyo about as acquaintance." nakita kong nakatayo si mommy sa pintuan ng bahay namin kaya agad naman akong nakampante.

Teka. Bakasyon? Tumayo agad ako dahil sa narinig ko. I love vacations! "Oh! Talaga mommy? Kailan ang alis natin?"

"Kayo lang ang aalis." ngumiti ng malawak si mommy.

Iiwan ako ni mommy? Hindi niya man lang ba ako sasamahan? Napakunot noo ako. "What?! Ipagkakatiwala mo ako dito sa lalaking 'to mommy?"

"Yes, of course. I trust him. He's a great guy." tinapik ni mommy sa balikat si Kyn at kumindat naman itong lalaki na 'to. Kala mo naman kung cute siya.

"Don't worry, kasama naman natin sila Naomi dahil dun tayo sa bukid nila magbabakasyon." napangiti ako nang malaman kong kasama naman pala si Naomi. Excited ako.

"Sino pa bang kasama?"

"Syempre, buong barkada. Kasama na din si Zeylin."

"Oo, kasama ako!" nakita ko si kuya Zeylin na nakasuot na ng bag pack. Agad agad? Mukhang mas excited pa siya kesa sakin eh.

Napangiti ako bigla dahil kumpleto pala kaming lahat na magkakaibigan. Minsan lang 'to mangyari. "Wait! Maliligo na ako!" tumayo agad ako at tumakbo ako papunta sa banyo.

Pagkatapos kong mag ayos, narinig kong madami nang maingay sa living room.

Pagkababa ko, nakita ko sila Terrence, Liam, Khalil, Naomi, Ximena, at si kuya Zeylin.

"Hey!" niyakap ako ni Ximena. Masyado niya nanaman siguro akong na miss.

"Problema mo?" tumawa lang ako at nag pout siya.

Hinila niya ako pabalik sa kwarto ko. "May gagawin ako."

"Ano yun?" tinanggal niya yung ipit ko at hinarap niya ako sa salamin.

Ngumiti siya ng malawak na para nang may masamang binabalak. "Aayusan kita." kumindat ito sakin.

"Ayoko!" tumayo agad ako sa kinauupuan ko pero pinaupo niya ulit ako dito.

"Just give me a chance, Zharah. I promise, hinding hindi ka magsisisi." sinimulan niya akong iharap sakanya at dito niya na sinimulan ang pag aayos saakin. "Bb cream, check. Face powder, check. Contour, check. Eyeliner, check. Mascara, check. Contact lense, check. Eye shadow, check. Blush on, check."

"Ano ba yang mga yan?" tinalikod niya kasi ako sa salamin at tsaka niya ako pinapikit kaya hindi ko alam kung ano ang mga nilagay niya sa mukha ko.

Minulat ko ang mga mata ko. "Lastly, liptint." nilagayan niya ng kung anong bagay ang labi ko. "Zharah, alam mo maganda naman ang buhok mo eh. Use this na muna." may inabot siya saakin na parang treatment sa hair? Ewan.

"A-ano 'to?"

"Gamitin mo yan sa ngayon. Next time, pag rebonded ka na eh pwede na talaga kitang ayusan ng sobra." ngumiti siya saakin. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "I love your outfit today, Zharah."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Love Is GUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon