Memoirs of a Pilosopotasya

25.1K 925 1.1K
                                    

The beginning of humankind.

Genesis chapter one—er, the evolution of mankind. . . haha lol.

Anyway, I'm neither religious to be a believer nor curious enough to be a scientist but I do know when this started. (wew nosebleed, teh.) This. . .writing thing.

At shocking man, hindi sa pagsusulat (literal man o figurative), hindi sa pagbabasa o pagkain ng mga libro tuwing agahan.

Nagsimula ako sa pakikinig.

Kanino? Saan? Kay Papa Dudut? Papa Jack? Wild confessions?

Hindi.

It all started with a ki—pakikinig sa kwento ng ate ako.

Once upon a time, ako ay isang batang musmos pa lamang na inuuto ng nakatatandang ate para maupo at makinig sa kanyang mga kwento. Tuwing gabi, may baon siyang mga bagong adventure at mundo para sa aking sabik at uto-utong utak.

Isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang kwento ni Princess Diana, at ang pag-iibigan nila ng anak ni Shadow (na nalimutan ko na ang pangalan.) May kailangan-kitang-patayin-pero-mahal-na-mahal-kita scene siyang kinuwento na sobrang ganda at vivid pa rin sa imagination ko hanggang ngayon.

And that's how I think a fiction story should be; sa sobrang impactful, maaalala pa rin ng audience after 10 to 14 years. Isang tao man o libo.

Keyword: Influencial.


Tatlong life realizations ang nabaon ko taong 2006:

1. Huwag bumili ng magandang notebook dahil pupunitin lang din ang pages.

2. Nakakatamad magsulat kamay, at;

3. Hindi inspiring tingnan ang sulat kamay ko.

Nag-try ako magsulat noong 11 or 12 ako. Both fantasy and contemporary - as in sulat kamay, but of course, I failed miserably. I cried and cried until my fingers bled. Pero syempre, joke lang 'yon. Nakakatamad lang talaga kasi magsulat.

Nauso ang diary, sinubukan ko - after three entries, punit na ang pages. Sayang lang ang pera ko. Pambili ng notebook. Sa pagkain sana. Nabusog pa ako. SING WITH ME, BEH!

Sinubukan ko ring gisingin ang poetic side ko with my angsty teenage drama and laptop. Here's a pahapyaw ng makabagbag damdamin kong tula:

A Wish in Prison
-immortal_angel187-

I am a person who is like a puppet
Threads are tied around my weak body
My every move is always ordered by my master
Trying to run forward and hide behind
But he keeps on following me wherever I go

I'm tired of this life I ever have
Hoping I would be free to fly high above
But he keeps on pulling my body towards the ground
Meaning I can't be free
What I really wanted to be

Sasang-ayon siguro ako sa bespren ko noon nang sabihin niyang, "Ang pangit naman! Hindi maganda. Tigilan mo na 'yan," pero matigas ang ulo ko noon.

Feeling ko kaya ang ganda-ganda ng poems ko.

So I didn't stop.

A good decision.

Dahil sa sunod na sumubok ako, inalis ko na ang angsty teen aura ko at sinimulang magsulat ng narrative. Isang Fantasy-Romance.

Here's a summary I made for it:

Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips (Baguhan Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon