Six Opening Lines

6K 281 48
                                    

Opening lines, paragraphs and chapters are the most critical parts in a story. Dahil ito ang nasa first few pages, ito ang unang nakikita – dito ang unang impression.

To be read, or not to be read.

That is the question.

So ito ang anim na pwedeng tandaan at kalimutan tungkol sa opening line, paragraph at chapter.


Ako si. . .

Hi. Ako si Quantum Misharabol. 3rd year highschool. 1/2 Korean, half Filipino, may 1/3 Geman blood at 1/16 Potato at kung ano pang lahi na magpapaganda sa genes ko. You do the Math na lang, okay? Sabi nila, maganda raw ako. Pero hindi ako naniniwala!

At talagang hindi maniniwala ang mga mambabasa na maganda ang isang kwento kapag sa ganito nagsimula. Bakit?

Mga dahilan na ito ay |3*!$!^#:

' Wala na bang mas creative way para malaman namin ang pangalan ng bida?

' Sinong may paki sa genes niya?

' Bakit kinakausap ni bida ang reader?

' Paulit-ulit ang sabi nila, maganda raw ako pero hindi ako naniniwala phrase. Please, tama na.

May ilang kwento namang nagsisimula sa Hi and that's okay. May mga nagsisimula rin sa pagpapakilala ng pangalan – pero dapat, mas creative.

Examples:

' Hi, pagkalipas ng isang minuto, mamamatay na ako.

' Ako si Macaspac Wamaisip at nawawala ang best friend ko.

Parehas na may "Hi" at "Ako si" pero imbis na Slumbook-ish feel intro, naging diary ito. May misteryo. Literal ba ang 'patay' na word o figurative? Mas interesting basahin dahil may kwento, hindi lang facts.


KRING KRING Thingy

KRING KRING. Pinatay ko ang alarm clock ko. Pagtingin ko sa oras, holy cow! Late na ako sa first day of class ko sa new school ko! Nagwisik-wisik na lang ako at nagbihis agad. Lumipad ako papasok ng school at medyo naligaw pa ako. Ouch! Nabunggo ko ang ka-loveteam ko pero hate ko sa umpisa dahil magandang trope ang away-bati drama!

Mga dahilan na ito ay |3*!$!^#:

' Alarm clock na orasan? Sino pa bang gumagamit ng ganoon? (Pwera sa character na mahilig sa vintage o noncomformist) Cellphone, anyone?

' Dahil cellphone na ang gamit, malaki ang tsansang hindi Kring-Kring ang sound effect ng alarm.

' Sino pa bang may paki kung late sa school para mangarag nang ganoon, eh first day naman pala?

' Beginning of the story =/= first day of class =/= new school.

' Pinagtsagaan na nga 'yong alarm na KRING-KRING, nakipagbungguan pa? I give up.

Fortunately for us Pinoys, hindi lang pala sa atin uso ito. Sa ibang bansa rin! Ngunit pero datapwat, unfortunately, hindi pa rin ito napupuksa.

Sa tagal kong nag-self study tungkol sa pagsusulat, isa ito sa mga misteryong hindi ko malaman ang dahilan para gamitin ng beginner writers. O kahit magustuhan man.

Pero tulad ng "Hi" at "Pagpapakilala blues", walang nagbabawal sa ganitong klaseng intro. Pwedeng magsimula sa alarm ang kwento. Pwede ring sa pagiging late. Sa bagong school. O kahit bungguan.

Examples:

• Alarm clock:

Gising na ako bago mag-ring ang alarm ng phone ko. It's time, but I'm still unprepared. Kakayanin ko ba? May mukha pa rin ba akong maihaharap sa buong school?

Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips (Baguhan Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon