Chapter 30:Bonding with Barkada

1.6K 34 3
                                    

Blaze POV

"Blazeeeeeeeee!!!!!!!!"

Amazona talaga tong babae na to -_-

"Ano?!" Asar na sagot ko sakanya

"Bakit ka galit?!" Tanong nya

"Lexi?! Saan mo ba nakukuha yang tanong mo? Hindi nga ako galit sayo" sabi ko sakanya habang hinihilamos ang kamay ko sa mukha ko

"Ehh hindi ka nag reply sa text ko eh!" Sabi nya at pinakita ang message nya saakin

"Wala nga akong load diba?" Sabi ko sakanya

"Ang yaman mo tapos wala kang pang load?" Sabi nya at tumabi saakin sa sofa

Nandito kasi kami ngayon sa bahay ni Yesha well ewan ko sakanila dito daw kami matutulog eh

Pumayag naman ang parents ni Yesha eh. Yung kuya ni Yesha nag dadate pa eh kasama girlfriend nya

"Babe..tumahimik ka nga dyan" sabi ko sakanya

"Hey lovebirds! Swimming tayo?" Sabi ni Yesha habang nakaakbay si Tristan sakanya

"Sigeeeee!!!!" Sigaw ni Lexi at hinila ako patayo at tumakbo palabas papunta sa pool

Nakita ko doon sina Zander,Avaina,Nixon at Zylee

Sina Zander at Nixon ay walang suot na T-shirt pero naka shorts naman

Yung girls naman ay suot ata nila ang T-shirt ng boyfriends nila

Kasama na si Yesha dun

Tumakbo naman si Lexi papalapit kina Yesha. Naglakad na rin papaunta kina Zander na nagluluto ng BBQ

"Tulungan na nga kita" sabi ko kay Nixon habang nag aarange ng plates

Ayesha POV

Nagtatampisaw kami mga girls ngayon sa pool

"Selfie tayo? Underwater?" Sabi ko sakanila

Waterproof naman itong phone ko eh

"Game!" Sigaw naman nila

Sabay sabay kaming lumusong pababa

At doon kami nagselfie

May naka ngiti,nag wackie at kung ano ano pang klase ng selfie

Lumangoy naman kami pataas para maka kuha ng hangin

Pagtingin namin sa taas ay nakita namin ang mga boyfriends namin na nakapa mewang at nakataas ang kanilang kilay

Ooooppppssss. 🙊

"Diba sabi ko na mamaya na kayo maligo?" Tanong ni Jasper

Umahon naman kami at inalalayan kami ng boyfriends namin

"Hehehe,sorry" sabay na sabi namin ng girls kaya nagkatinginan kami at tumawa

"Tsk. Hali na nga kayo at kumain na tayo" sabi ni Nixon

Lumapit naman kami sa table at nag si upo pero nag uusap pa si Blaze at Lexi kaya nilapitan ko na sila

"Sandali lang babe ah" sabi ko kay Jasper

Lumapit naman ako kina Blaze at Lexi

"Oh? Bakit hindi pa kayo kumain doon?" Tanong ko sakanila

"Wala nag uusap pa kami eh" sabi naman ni Blaze

Tinignan ko naman si Lexi. Bakat yung bra nya sa spaghetti strap na suot nya

"Blaze ibigay mo na lang kay Lexi yang t-shirt mo bakat yung bra nya sa suot na spaghetti strap eh" sabi ko naman kay Blaze

Tinignan muna ni Blaze si Lexi at hinubad na nya t-shirt nya sinuot kay Lexi

"Oh tara na kumain na tayo" sabi ko sakanila

Nagsimula na rin kaming kumain habang masasayang nagkukulitan at nagtatawanan

~~~~

Jasper's Property {Completed}Where stories live. Discover now