Chapter 44:Problem #2

1.4K 32 5
                                    

Jasper POV

Naglalakad ako ngayon papasok sa hospital. Sinabi ko na rin kay mommy at daddy ang nangyari at sabi nila saakin siguro bibisita sila mamaya

Ng makapasok na ako sa room ni tito ay nakita si Yesha sa sofa na naka upo at mukhang may problema kaya naman lumapit ako sakanya at umupo rin sa sofa

"Love? May problema ba?"tanong ko sakanya pero di nya at ako narinig eh kasi di nya ako tiningnan. Kaya naman niyakap ko sya at naramdaman ko naman na nagulat sya kaya natawa na lang ako

" Hey love,kanina ka pa ba dito? Di kita napansin eh"sabi nya saakin at yuminhin saakin

"Hindi naman,kadadating  ko lang at nakita kita na nakatulala at para kang may problema eh" sabi ko sakanya

Kinalas nya ang pagkayakap ko sakanya at humarap sya saakin

"Sabi kasi ni mommy na pwede daw mabulag si daddy" sabi nya at naramdaman ko na nagiging emotional nanaman sya

Kaya naman niyakap ko ulit sya at pinatahan

"At sabi ni mommy na pupunta kami sa-" di nya natuloy ang sasabihin nya ng bumukas ang pinto sa room ni tito at nakita namin na sina Avaina,Zander,Lexi,Blaze,Zylee at Nixon lang pala

Kaya naman tumayo kami ni Yesha at lumapit sakanila

"Kamusta na daddy mo Yesha?" tanong ni Blaze habang nakaakbay kay Lexi

"Ahh sa labas na lang tayo mag usap guys,nagpapahinga pa kasi si daddy eh" sabi ni Yesha kaya naman lumbas kami sa room ni tito

"Well okay naman si daddy pero sabi ni mommy saakin kanina na pwede daw mabulag si daddy" sabi nya at naramdaman ko na nabigla sila

"Bakit?" tanong naman ni Avaina

"Yung salamin kasi ng kotse ni daddy eh nabasag at may maliliit na obstacles na napunta sa mata ni daddy kaya ayun" sabi nya at pilit na ngumiti

Lumapit naman si Zylee kay Yesha at niyakap sya

"Magiging okay din ang daddy mo Yesha" sabi nya kay Ayesha at kinalas ang pagkayap nya

"Lunch time na,di pa ba tayo kakain?" Tanong ni Zander kaya naman napatingin kaming lahat sakanya

"What?" Tanong nya kaya naman natawa kami

"Kahit kailan talaga dude ang hilig mo kumain" sabi ni Nixon

"Tsss"

"Tara na guys sa fast food na lang tayo" sabi ni Yesha kaya naman lumabas na kami sa hostpital at nagpunta sa mga sasakyan nila

Ng makarating na kami sa sa Mcdo ay naghanap ng mga mauupuan ang girls at kami namang boys ang nag order

Ng matapos na kaming mag order ay pumunta kaagad kami sa nahanap na upuan ng girls at binigay ang kani kanilang mga order at umupo na rin kami at nagsimula ng kumain

"Ahh guys,may sasabihin pa pala ako sainyo" sabi ni Yesha kaya naman napatingin kaming lahat sakanya

"Mommy said na pupunta kami sa london kasi sinabi na ni mommy ang nangyari kay daddy kay tito nick,si tito nick ay kapatid ni daddy na doctor doon and naghahanap sila ng eye donor para kay daddy kung sakali nga na mabulag si daddy at sabi ni mommy na kailangan na sumama ako sakanila sa london" sabi nya saamin mga ilang minuto rin kaming hindi ngasakita dahil sa sinabi ni Ayesha

"Kailan naman ang balik nyo Ayesha?" Tanong ni Nixon

"Di ko alam" sabi naman nya at uminom ng soft drink

"Kailan ba kayo pupunta sa london?" tanong ko sakanya

"Tomorrow" sabi nya kaya naman na bitawan ko ang kutsara at tinidor ko sa plato

"Bakit hindi mo sinabi kaagad saakin?" Tanong ko sakanya

"Kanina ko lang rin naman nalaman" sabi nya saakin. Magsasakita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Ayesha

Kinuha naman nya ang cellphone nya at pinakita saamin na nag text ang mommy nya

"Gising na daw si daddy. Puntahan na natin?" Sabi nya kaya naman tumayo kami kaagad

Ng makarating na kami sa hospital ay punta kami kaagad sa room ni tito at dahandahan namang binuksan iyon ni Ayesha

Ng mabuksan na ni Ayesha ang pinto ay nakita namin si tita na kausap ang doctor

"Mommy" tawag naman ni Ayesha at yumakap kay tita

"Kamusta si daddy?" Tanong nya

"May sasabihin ako sa iyo at mabuti naman at narito rin ang boyfriend at mga kaibigan mo." Sabi ni tita habang tinitingnan kami

"Ano ba ang sasabihin mo mom?" Tanong ni Ayesha

"Nabulag na  ang daddy mo and me and your brother decided na bukas ng umaga tayo pupunta ng london at para masimulan na operasyon ng daddy mo doon. Sinabi ko na rin sa iyo to kanina na sumama ka saamin sa london either you like it or not" savi naman ni tita kaya naman natahimik kaming lahat

"Tita,kailan po ba ang balik nyo?" tanong ko

"Di pa namin alam hijo eh pero doon ko na papaaralin si Ayesha sa london hanggang sa matapos sya mag aral" sabi nya at nabigla naman ako ng sobra dahil sa sinabi ni tita

~~~
Vote and Comment

Jasper's Property {Completed}Where stories live. Discover now