Chapter 41:Celebration

1.4K 34 0
                                    

Ayesha POV

Andito kami ngayon sa isang hotel kasama ang mga kaibigan at kaklase namin

Sina mommy at daddy ay uuwi na daw muna kasi pagod sila pero kasama naman nila si Kuya at Sia kaya okay lang

"Wooo! Congratulations Queen of Ledesma Academy!!!" Sigaw ni Lexi habang nagtatalon pa at nasa likod nya ay sina Avaina at Zylee

Tinawanan ko lang sya at kumuha ng juice sa table

"Sabi sayo eh! Kayo ang mananalo ni Jasper!" Sigaw ni Zylee at yinugyog ako

"Paano nga ba yun? Till i met you!!" Kanta ni Avaina kay tinawan lang namin sya

"Pero thank you guys ah" sabi ko sakanila habang naka ngiti

"Ito naman! Parang di magkabarkada!!" Sabi ni Lexi at inakbayan ako

"Sayaw ta daliii!!"sabi ni Avaina at hinila kami nina Lexi at Zylee

" kayo na lang"sabi ni Zylee kaya napasimangot ako dahil sa sinabi

"Di pwede! Sayaw na!" Sabi ko sakanya at hinila sya sa dance floor

Kaya wala syang nagawa kung hindi ang sumayaw

Habang sumasayaw kami ay nagtatawan kami dahil kay Avaina at Zylee na nagpapa galingan sumayaw at wala kaming nagawa ni Lexi kung hindi ang tumawa

Habang tumatawa ako eh may naramdaman ako na yumakap saakin mula sa likod. Kaya tiningnan ko kung sino yun at nakita ko na si Jasper lang pala

Ngumiti sya saakin kaya ngumiti rin ako sakanya at hinayaan syang naka yakap saakin at tiningnan ulit sina Avaina at Zylee at mas natawa ng sumali ang mga boyfriends nila na sina Zander at Nixon

Kinalas ko ang pagkayap ni Jasper at hinawakan sya sa kamay at hinila sya papunta sakanila

"Uyy!! Nandito na ang King of Ledesma Academy!" Sigaw ni Lexi

"At dahil nandito ka na dude, halika at sumayaw!!" Sigaw ni Nixon a habang sumasayaw

Pero natawa ako nung tinulak sya ni Zander at sumasayaw pa rin

"Lika na dude! Sayaw na! Dami pang arte eh!!"sigaw ni Zander at iniwagayway ang kamay ni Jasper na walang ginawa kung hindi ang tumawa

Lumapit rin ako sakanila

"Sayaw na love" sabi ko sakanya habang tinawan sya

Sinimangutan lang nya ako kaya kinurot ko ang ilong nya

Hindi sya sumayaw at yinakap lang nya ako

"Naks! Kala ko ba ayaw mo sa PDA dude? Kasi nakakadiri?" Natatawang sabi ni Blaze sakanya

"Joke lang yun dude,at di ko naman alam na mag agree sila saakin" sabi ni Jasper sakanya kaya nagtawan sila

Napatigil ako sa pagtawa ng tumunog ang cellphone ko

"Love sandali lang ah" sabi ko sakanya at lumabas

Nakita ko na si Kuya pala ang tumawag kaya kaagad ko itong sinagot

"Kuya? Bakit ka tumawag?" tanong ko sakanya

"Yesha..." Sabi ni Kuya sa kabilang linya

At di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan

"Bakit kuya? May nangyari ba?" Sabi ko sakanya

"Yesha.. Si daddy" sabi nya at nadinig ko ang pag iyak ni Kuya sa kabilang linya

"Bakit? Anong nangyari kay daddy?" Sabi ko sakanya at dadlidaling oumasok sa loob at kinuha ang bag ko

"Na aksidente kami Yesha nasa hospital kami ngayon" sabi ni Kuya

Kaya nabitawan ko ang cellphone ko at napa luhod

"Love? Anong nangyayari sayo?"di ko naramdaman na lumapit na pala saakin

Di ko sya nasagot kasi bigla na lang may tumulo na luha galing sa mata ko at wala akong ngawa kung hindi ang umiyak

"Anong nangyayari sayo love?" Sabi saakin ulit ni Jasper

"Si daddy,mommy at kuya..." Di ko natuloy ang sasabihin ko kasi mas umiyak ako

"Bakit? Anong nangyayari sakanila?" Tanong saakin ni Jasper

"Naaksidente sila" sabi ko sakanya at umiyak 

~~~
Vote and Comment

Di ako marunong mag pa iyak kaya sorry hihihi😂😂




Jasper's Property {Completed}Where stories live. Discover now