Tour Guide

1.3K 29 67
                                    


I was wondering here in Germany, wala kasi akong magawa since my parents decided to go on a date while my siblings wandered around kasama ang mga pamangkin ko, leaving me alone and lonely this winter.

I have no plan of sulking so I took a shower despite the fact na sobrang lamig dito, dressed up and went for a walk. Sanay naman ako mag-isa kaya wala namang kaso sa akin yung ganito. Oo mas masaya may kasama lalo na pag mga friends mo, but I still prefer to travel alone for peace and serenity.

I was just taking a look sa mga videos and pictures nang maramdaman ko na may nakabunggo sa akin at napaupo naman ako dahil mukhang nagmamadali siya.


"Aww. Sheez." wika ko at kinuha na yung phone at bag kong dala.

"Shit. I'm sorry miss." wika ng isang babae at sinubukan akong tulungan tumayo pero winaksi ko ang kamay niya.

"You should watch where you are going." wika ko since nakatayo lang naman ako at ako ang binunggo niya.

"Ang sungit. Pasalamat ka ang ganda mo." bulong niya na narinig ko naman, so Filipino din pala siya.

"What?" saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Hirap kumausap ng foreigner baka dumugo ilong ko. Mmm, I said I'm really sorry. Please don't report me. I-I-I'm lost a-and I have no friends here." sabay pout niya, such a cutie. So she thinks of me as a foreigner huh?

"Okay." I smiled at her.

"Ahh shit ang ganda." bulalas niya and I tried not to laugh.

"What's ganda?"

"Ah, that's annoying in Filipino." I saw her ears blushed. Kailan pa naging annoying ang maganda?


Umiling na lang ako at nginitian siya saka naglakad. Hindi ko alam kung bakit ako lumingon, pero nung ginawa ko yun ay nakatingin naman siya sa akin. I waved goodbye at ganun din siya.

Mga ilang minuto pa lang ay nagulat ako nang may mag-hi sa akin mula sa likuran. Napasapo na lang ako sa dibdib ko sa gulat.


"I'm sorry. I didn't mean to startle you." kamot batok niyang sabi.

"Please never sneak up like that again on a stranger." wika ko at tumawa naman siya.

"I'm Mika, and you are?" sabi niya at inilahad ang kamay niya.

"Rachel." I took her hand and shook it lightly.


She was just shaking my hand for 30 seconds? I know I'm quite a stunner but I never knew I would have this effect on her.


"Uhm Mika?"

"Ayy shoot sorry!" agad naman niyang binawi ang kamay niya at ngumiti lang muli.

"Uhm... I was seperated from my group. We have a boring tour guide so I wander and ended up getting lost."

"Oh, I could be your tour guide for today then." I smiled.


She really did seem happy. Sa tingin ko naman hindi siya gagawa ng kung ano sa foreign land, plus masyadong mala-anghel ang mukha niya para gumawa ng kalokohan.


"Thank you Rachel kahit duduguin ilong ko kakayanin ko." sabay hawak niya na para bang may tutulo talagang dugo sa ilong niya, baliw din.

Beauty and HarotsWhere stories live. Discover now