Regrets 2

1K 28 60
                                    


I walked away from the venue. Malayo sa kahit ano, malayo sa kahit sino.

Nahiga ako sa damuhan
habang nakatingin sa kalangitan,
bakit ba ito ang kinahinatnan
ng pag-ibig na akala ko'y walang hanggan?

Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Remembering the days when she was still mine.






"Babe!" sigaw niya at nagtatakbo palapit sa akin. "Congrats! I'm so proud of you." pinanggigilan naman niya ang pisngi ko.

"And making you proud is an achievement." tugon ko at binuhat siya saka inikot.

"You know naman whatever happens I would always be proud of you." sabi niya ng ibaba ko siya.


I told her I'd meet her after our team dinner, and when I got home ay agad siyang nagtatatakbo papunta sa akin. Tumalon pa siya na para bang sobrang excited siya, maigi na lang at nasuportahan ko ang bigat niya.


"Babe parang bata e. Hindi bagay sa edad mo." wika ko kaya agad siyang bumaba at hinataw ng pagkalakas lakas ang braso ko.

"Aray! Masakit kaya!" reklamo ko habang himas himas ko yung pinalo niya.

"Mas isip bata ka sa ating dalawa." nakataas niyang kilay na sinabi.

"Wow? You're old yet you act like a 12 years old." sinamaan niya na ako ng tingin at nag crossarms na.


Dali dali akong yumakap sa kanya, at humingi ng sorry saka siya pinaulanan ng halik. Mahirap na pag tinopak 'to, baka bigla akong palayasin sa sarili kong bahay diba.


"Babeeee, joke lang. Di na talaga, promise. Sabi ko mukha kang 12." natatawa kong sambit habang nakayakap mula sa likuran niya.

"Napaka sama mo talaga." saka niya ako sinabunutan.

"Mahal mo naman." sagot ko.

"Feel na feel mo naman." inilayo naman niya ang mukha ko sa balikat niya.

"Ganun talaga pag elderly love mahal, damang dama."

"Tang ina mo Reyes."


Napailing na lang ako sa naalala. We tease each other then make up once na nagkapikunan na. I miss those moments, chill lang.

Naaah, scratch that, I miss her. I miss my girl.


Haaaay, ano yung word na move on?


Nagtakip na lang ako ng mata gamit ang braso ko. Why did I even let her go? Tanga.


"Mika, hinaan mo nga yang tv." reklamo niya, sus selos nanaman yan.

"Teka! Ayan na yung San Beda!" pinapanood ko kasi si Cesca, ka-aura niya si labidabs.

"Ingungudngod na talaga kita dyan kay Cesca." beast mode na si ate gurl kaya hininaan ko na yung tv, nag memeditate ata siya sa kusina.

"Heto na hihinaan na nga e!" sagot ko.


Impit ang mga cheer ko kasi baka manggigil na siya.


Beauty and HarotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon