Anong Tunay?!

1.3K 41 2
                                    


Napabuntong hinininga ako at ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko, walang hiya talaga 'to si Partner, dinamay pa ako sa kalokohan niya. Pagkarating namin sa set ng Virtual Playground ay naupo muna ako sa gilid, nagninilay-nilay kung tama bang nandirito ako ngayon.


"Oh? Ano na?" natatawang tanong sa akin ni Mela.

"Ikaw, dinamay mo pa talaga ako sa kalokohan mo. Porket i-interviewhin mo ex mo kailangan ako din? Ano 'to special participation?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ito naman, you'll thank me after this din." she wiggled her brows at ngumiti ng nakakaloko.


Tawang tawa ako sa kanila ni Panaga, parang mga siraulo. Masaya ako how they ended things between them, no bitterness and they're in good terms naman. I saw how pure hearted Mela is for her to wish her old partner happiness kahit hindi na siya part nun. I really do wish na sana she'll find the one for her soon, she deserves it.


"Partner halika na." sabay tap niya sa upuan, kinabahan naman ako.

"Huy Mela kapag ako nasaktan dito hindi na kita papansinin." natatawa kong sabi sa kanya. Sa reaksyon kasi kanina ni Panaga ay mukhang masakit itong mini lie detector test.

"Handa ka na ba?" she laughed devilishly.

"Huy kinakabahan ako." sabay tap ko sa chest ko. "Ayoko na, uuwi na ako. Mommy!"

"Hahahaha! wala nang atrasan 'to partner."

"Ibo-block na kita sa Facebook after nito." napasimangot naman ako dahil ayoko na talaga, mukhang masakit e.

"Bakit ka kakabahan? All you have to do is tell the truth para di ka masaktan." pangungumbinsi niya sa akin.

"Eh kahit pa." Umiling ako kasi wala akong tiwala sa mga itatanong niya.

"Go na yan, ang tagal naman." side comment ni Chloe kaya napapout na lang ako.

"Kapag talaga ako nasaktan ibo-block ko kayo sa lahat."


Tinawanan lang nila akong lahat dahil mukha na akong hindi matae dito sa kinauupuan ko. Mukha kasing masakit talaga saka baka kung ano ano nanaman itanong niya sa akin. Hindi ako prepared sagutin ang questions na related sa kanya.


"Teka lang pala, kalma ka daw muna." sabi niya kaya binigyan ko siya ng questioning look. Hindi maganda ang kutob ko.

"Huy teka, ayoko backout na talaga ako." natataranta kong sabi sa kanya.

"Hi, sorry I'm late."


Oh my ghad. Agad ko naman hinimas ang aking noo nang marinig ko ang boses niya. Inapakan ko muna si Mela bago siya nginitian ng sarkastiko, tinawanan niya lang ako.


"Ate Buday, buti nakarating ka, halos sakto lang naman dating mo." ngiting ngiting sabi ni Mela at naglakad papunta kay Rad.


Nagkatinginan naman kami at agad niya akong ngitian

na para bang walang nangyari,

na para bang hindi kami nagkasakitan,

 na para bang hindi kami naghiwalay.


"Hi." maikli niyang bati sa akin.


Naawkwardan ako, hindi ko alam kung paano siya babatiin pabalik pero nginitian ko siya ng pilit, alam ko mukha akong tanga dahil kita lahat ng ngipin ko. Natawa naman siya, oh ghad.

Beauty and HarotsWhere stories live. Discover now