Chapter 4

20.6K 392 176
                                    

Lilliane's POV

Nagsisimula na ang klase pero hindi pa rin ako tinitigilan ni alex,

"Yiee, si lili lumalablayf, ayieee yiee yiee" with sundot sundot pa sa tagiliran ko

Kanina hindi ako kinakausap tapos ngayon hindi naman ako tinitigilan, haist kaloka siya ah, nasa may likuran ko lang kasi siya nakaupo eh

"Alex h'wag niyong bigyan ng malisya lahat ng bagay, may pinag-usapan lang kami"

"Sige na nga, naniniwala na ako sayo" pero kahit hini ako nakaharap sa kanya ay alam ko ng may nakakalokang ngiti yan

Naniniwala raw pero yung tono ng pananalita hindi

Hmmp

Hindi na nga ako kinulit pa ni alex at nakinig na lang kami sa prof namin

Last subject na namin to, akalain nyo yun, natagalan ko siya mula 1st subject ng afternoon class hanggang ngayon,

Ngayon lang kasi tumigil ang loka

Pero may bumabagabag sa akin ngayon, parang ayaw ko ng matapos ang klase

Natatakot ako na baka maulit ang nagyari kahapon

Natatakot ako na baka mas malala pa ang mangyari

Baka isakay niya ako sa balsa at palutangin sa ilog pagkatapos niya akong reypin, peo saang ilog naman kaya? Sa Ilog Pasig kaya or sa Pasig Ilog?

Huhuhu,

Wahhh

Naloloka na ako! Ang gulo gulo na ng utak ko

Paano niya kaya ako papatayin? Baka patayin niya ako sa kiliti? or baka sa pagmamasturbate, may nabalitaan kasi akong namatay raw dahil nasobrahan sa pagmamasturbate, pero pa'no ba magmasturbate? Itanong ko kaya kay alex? O kaya dun sa lalaki kanina, mabait naman raw diba siya sabi niya kanina

Sheez, ano nga bang pangalan nun?

"Lili" tawag sa akin ni alex

"Oh? H'wag ka munang magulo may iniisip pa ako" sabi ko sa kanya saka ulit nag-isip

"Lili uwian na, uwi na tayo"

O_O

Uwian na agad? Ambilis naman

Huhuhu paano ba 'to?

Nagpahila na lang ako kay alex palabas ng school

And nakahinga ako ng maluwag dahil 'pagkalabas namin ng campus ay bumungad sa amin ang kotse ni kuya

Sumakay agad kami ni alex sa backseat

"Wow ha, pagmumukain niyo talaga akong driver"  sabi ni kuya ng tatawatawa saka pinaandar ang kotse

?? Nasa unahan lang driver na agad?

Gusto niya ba sa unahan rin ako para dalawa kaming magmukhang driver?

Daldalan lang kami ng daldalan ni alex hanggang makarating na kami sa bahay niya

Bumaba na siya ng kotse at binuksan ko naman ang bintana

"Bukas na lang lili"

"Sige babye" ngumiti ako sa kanya, si kuya naman ay pinaandar na ulit ang kotse

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang naandar ang sasakyan ng bigla akong nanigas ng may makita akong lalaking nakatitig sa akin

It's the guy in hoodie yesterday

Her Obsessed Prince (1)Where stories live. Discover now