Chapter 18

9.1K 201 22
                                    

Dinededicate ko po ito sa inyong lahat especially sa kanya, sa kanila at sayo 🤡
........

😇😇😇

Alex's POV

Nasa byahe pa rin kami ngayon papunta sa cavite, alam ko naman yung resthouse nila doon eh

Lumingon ako sandali kay lili at tulog na tulog na

kanina kasi papasok na sana ako sa school pero naalala kong puntahan muna si lili sa bahay nila, baka kasi hindi na kami madalas magkasama dahil baka kay flix na siya sumama
Malapit na ako sa bahay nila ng may dumaan na humaharurot na sasakyan, kinabahan na ako nun and pagdating ko sa bahay nila ay nagpapanic na flix at houl ang nadatnan ko and lili na nakabulagta sa kalsada
Hindi alam nung dalawa ang gagawin kaya ako na ang tumawag ng ambulansya
Si flix ang sumama sa kanya papunta sa hospital at si houl naman ay galit na galit at narinig ko pa siyang nagsabi na papatayin niya raw talaga yun, but i don't know who's he reffering to, sumunod ako sa hospital dala ang kotse ko at nagpumilit ako kay flix na ako na lang ang magbabantay kay lili

Hindi ko pa alam ang buong kwento sa nangyayari kay lili but i know na i should trust her, alam ko na alam niya ang ginagawa niya kaya punayag na lang akong h'wag niyang tawagan ang kuya niya

Makalipas ang ilang oras ng pagbabyahe ay nakariting na kami sa resthouse nila sa tanza, cavite

Masayang magbakasyon dito but hindi ito ang oras para magpakasaya,

Ginising ko na si lili at pumasok na kami sa resthouse nila, nakasakay siya sa wheelchair habang tinutulak ko

"Welcome po ms.lilliane at ms.alex, ano pong nangyari sa inyo?"nag-aalalang tanong sa amin ni aling bella na siyang nagbabantay sa bahay

"It's a long story manang, mamaya na lang po kami magkukwento kapag nakapagpahinga na po kami" magalang kong sabi sa kanya

"O siya sige, magluluto ako para pagkapahinga niyo ay may makakain na kayo, malinis naman yung mga kuwarto niyo kaya doon na kayo magpahinga"

Tinulak ko na nga ang wheelchair ni lili papunta doon sa kwarto niya, may sarili kasi kaming kwarto dito nila lili at kuya cristian

Inalalayan ko siyang humiga sa kama

"Lili magpahinga ka na" sabi ko sa kanya ng umupo siya at sumandal sa headboard ng kama imbes na humiga na lang

"Alam kong mahahanap nila ako alex, natatakot ako" tumuloy tuloy naman ang luha niya na agad kong pinunasan

"Sshh, hindi ka nila matutunton dito" pag-aalo ko sa kanya saka siya yinakap at hinagod ang likod

"But alex makapangyarihan sila, narinig ko nung nag-aaway sila na mga mafia sila" patuloy lang siya sa pag-iyak habang sinasabi iyon

"Pero lili, bakit ka ba nila hinahabol?"

"I really don't know alex basta kiniclaim na lang nila na pag-aari nila ako and natatakot na ako alex, hindi ko na alam ang gagawin ko, what if makita nila ako tapos isako at itapon sa ilog😫"

"Don't worry lili, poprotektahan kita"

"But alex, natatakot akong mapahamak ka, hindi mo sila kaya"

"For you my bestfriend i'll do everything"

Noon ay ikaw ang pumoprotekta sa akin at ngayon naman ay ako naman ang poprotekta sayo sa abot ng aking makakaya

"Alex ayaw kong madamay ka, they're too dangerous"

"Sshh, basta akong bahala" patuloy lang ako sa paghagod ng likod niya habang siya naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak at mayamaya naman ay nakatulog na kaming dalawang magkayakap

Her Obsessed Prince (1)Where stories live. Discover now