Chapter 30

6.9K 145 12
                                    

Christian's POV

Ng mapanood ko kanina ang video nila na nakita ng tauhan ko sa internet ay napagpasyahan ko ng pigilan iyon habang maaga pa, napagpasyahan kong gawin ang kaya kong gawin hangga't hindi pa sila kasal, napagpasyahan kong si flix ang ipakasal sa kanya para hindi matuloy ang kasal nila

Lahat kaming naririto sa bahay ay hinihintay ang sagot niya

Alam kong wala siyang pagtingin kay houl kaya kumpyansa ako

"Liane we're waiting" napatingin naman siya sa akin  bago nagsalita

"I don't have to choose kuya, bakit ba kailangan ko pang mamili sa kanila kung pwede nama ng silang dalawa na lang ang magpakasal"

Napanganga naman kami sa sagot niya

"They don't want to marry each other 'cause they want to marry you"

"Ikaw nalang ang magpakasal kay flix kuya tutal ikaw naman ang nagdesisyon na ipakasal kami tapos magpapakasal kami ni houl dahil pumayag na ako"

Napangisi naman si houl at sumama ang mukha ni flix gaya ko

"Is that means na si houl ang pinipili mo?" walang emosyong tanong ni flix sa kanya

"It's not what i mean, hindi ako magpapakasal ni isa sa inyo dahil hindi ako pipili sa inyong dalawa and if pinilit niyo pa akong mamili ay aalis ako at hinding hindi na magpapakita sa inyo" then by that she left us and went on her room

"Pano ba yan? Hindi na matutuloy ang kasal niyo" mapang-asar na turan ni flix kay houl

"But i know that we will marry each other and no one can stop us, even you framia mafia leader and jail mafia leader" pagkatapos non ay iniwan niya na kami

"Flix bantayan mo ng maigi si liane"

Lilliane's POV

Nagising ako sa pagkakatulog sa malambot na kama

Agad kong inikot ang aking paningin at saka ko lamang naalaang nakauwi na nga pala ako, nandito na ako sa sarili kong kwarto, nakita ko na rin ang miss na miss kong kuya pero hindi ko pa nakikita si Alex

Agad akong bumangon sa pagkakahiga saka nag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto, nadatnan ko naman sila Kuya at Flix sa sala na parang may seryosong pinag-uusapan

"Kuya!" pukaw ko sa atensyon niya

"Oh liane saan ka pupunta?" tanong ni kuya sa akin

"Kila Alex kuya" nakangiti kong sagot na sya namang ikinatigil nila na ipinagtaka ko, inantay ko pang magsalita si kuya sa pag-aakalang may sasabihin pa siya pero lumipas lamang ang ilang minutong katahimikan na walang nagsasalita kaya napagpasyahan ko ng tumuloy sa pupuntahan pero nagpaalam muna ako sa kanila

"Kuya alis na ako" paalam ko pero pinigilan niya ako

"Papayagan kitang umalis pero kailangang kasama mo si Flix"

Wala na nga akong ibang nagawa kundi ang magpasama kay Flix, sa kotse niya kami sumakay at malamang na siya ang nagdrive, kotse niya 'to eh

Tahimik lamang ang naging byahe at ng malapit na kami sa bahay nila Alex ay mas lalo namang nadagdagan ang excitement kong makita siya pero ang ipinagtaka ko ay lumampas kami sa bahay nila Alex

"Flix doon ang bahay nila Alex, lampas na tayo" tinuro ko pa ang nalampasan naming bahay nila Alex pero tahimik lamang niyang ipinagpatuloy ang pagpapatakbo sa kotse

Lumipat na ba ng bahay sila Alex o mali lang talaga ang pag-alala ko sa bahay nila? O hindi kaya'y kikidnapin ako ni Flix?

Nababaliw na siguro ako

Imposible naman kasing kidnapin niya ako dahil hindi na naman ako kid, teen-ager na kaya ako pero bata pa rin naman diba yon kaya kid pa rin?

Pero kahit na kid ako ay imposible paring kidnapin niya ako dahil pinagkakatiwalaan siya ni kuya at ang ibig sabihin non ay mapagkakatiwalaan siya

Siguro nga lumipat ng bahay sila Alex

Hinayaan ko na lamang na magdrive siya ng magdrive, mukhang seryoso siya sa pagdadrive eh, focus na focus tapos naka serious face pa

Lumipas ang ilan pang MGA minuto at hininto niya na ang kotse sa lugar na alam na alam ko

Bakit dito niya hininto ang kotse?

Siguro may dadaanan lang siya rito? Imposible naman kasing...

"You want to see her, right?" tumango naman ako bilang sagot "Step outside and look for her grave"

Doon na kumabog ng malakas ang puso ko

Nagbibiro lang siya diba?

Imposible! Imposible! Imposibleng patay na si Alex!

"Come on Flix, that's not a good joke"

"Sorry to say but i'm not joking"

Naramdaman ko na lamang ang tuloy tuloy na agos ng luha ko

Bakit? Paano?

"Please Flix, tell me that you're just joking"

Humahagulgol na ako habang sinasabi iyon, pero imbis na bawiin ang mga sinabi niya ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaharap sa kanya

"Listen my lilliane, she had been murdered last week by someone unknown for unknown reasons"

Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako iniwan?

Inalis ko ang mga kamay ni Flix na nakahawak sa balikat ko saka nagmamadaling tumakbo palabas at palayo sa kotse niya

Tumakbo lamang ako ng tumakbo

Hindi alam kung saan patungo

Basta ang alam ko...

Gusto kong makasama si Alex...

Kahit sundan ko pa siya sa kabilang buhay..

Her Obsessed Prince (1)Where stories live. Discover now