Chapter 13

10.5K 265 79
                                    

Lilliane's POV

"Boyfriend niya"

kumunot naman ang noo ni kuya pero ngumiti naman

"Ahh, boyfriend ka pala ng kapatid ko, pasok ka muna" aya ni kuya kay flix

"H'wag na, paalis na rin ako, ihinatid ko lang talaga si lilliane, paumanhin na lang dahil ginabi siya ng uwi nagpatulong kasi ako sa kanyang gumawa ng project"

Galing niya palang magsinungaling
Buti na lang talaga at siya ang gumawa ng alibi ko pero boyfriend ko raw siya?

Huwaah, bata pa ako para magkaboyfriend

"Ah sige, sa susunod na lang, nga pala bantayan mo tong si lilliane ah, ipinagkakatiwala ko siya sayo"

"Sige po, mauna na ako" sumakay naman na si flix sa kotse niya saka ito pinaharurot paalis

At kami naman ni kuya ay pumasok na sa loob ng bahay

Nakakapanibago nga si kuya eh, ayaw niya akong maglalalapit sa mga lalaki tapos kakakilala niya pa lang kay flix eh pinagkakatiwala niya na agad ako

Tapos hindi man lang siya nagalit na pumunta ako sa bahay ng lalaki kasi sabi niya sa akin dati ay huwag na huwag raw akong pumunta sa bahay ng kahit na sinong lalaki

Tapos h'wag raw akong magpapagabi sa daan

Hayst! Kaloka si kuya, ambilis magtiwala, sabagay mabait naman talaga si flix

"Nakakain ka na"

"Opo kuya, matutulog na po ako, goodnight" paalam ko sa kanya saka dumeretso sa kwarto

Humiga agad ako sa kama saka tumitig sa kisame

Huwahhhh

Hindi pa ako inaantok

Nakatulog na kasi ako kanina eh, haba haba pa naman ng tulog ko

Naalala ko na naman ang nangyari kanina

Hini ko lang talaga akalaing rapist pala si houl, gwapo pa naman tapos rapist lang pala

Sabi nga nila ay 'don't judge a book by its cover'

Pero naniniwala pa rin ako sa 'don't judge a book by its first page'

Kumbaga huwag mong husgahan agad ang taong kakakilala mo pa lang, kung naging masama man siya sayo ay subukan mo pang ibuklat baka sa susunod na pahina naman ay makita mo ang dahilan kung bakit siya naging masama 'cause everything has a reason, o kaya naman malay mo kahit pangit ang first page ay maganda naman ang ending nito, hindi mo malalaman kung hindi mo tatapusin

Maybe may rason si houl kaya siya naging rapist

Baka narape siya nung bata siya kaya paglaki niya ay naging rapist siya or baka naman may malalim at mabigat na problema kaya natulak siya para maging isang rapist

Tsaka pwede pa naman siyang magbago

Pwede naman siyang magparehab, mara namang rehabilitation center na malapit dito

Kung gusto niya ay ako pa ang maghahatid sa kanya sa rehab

Sayang naman kung hindi siya makakapagbagong buhay

Napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin at sana lang ay hindi na iyon maulit dahil 'pag inulit niya pa iyon ay never ko na siyang ihahatid sa rehab
As in never

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip kay houl

.
.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa school
Laking gulat ko na lang ng paglabas ko ng gate ng bahay namin ay nag-aabang na pala si flix na nakasakay sa kotse niya
Like as in higante talaga yung gulat ko sa laki, joke

Her Obsessed Prince (1)Onde histórias criam vida. Descubra agora