Chapter 04:

6.4K 208 14
                                    

        Hi MarBellelicous, thank you sa votes at sa pagcomment mo sa story ko! I really appreciate it at thank you din dahil nagustuhan mo ang story ko! God Bless, love you much :* ♥

Chapter 04:

POV OF TOFER SANTOS:  

Narinig ko lahat. As in LAHAT! Lahat ng napagusapan nila Daddy sa admin office. Nagtataka kasi ako sakanya dahil hindi siya pumasok kanina sakto nakita ko si Jenna at ang sabi niya pinapapunta si Fajuzia sa office. 

At ayun nga sakto narinig ko lahat. Nakakainis, akala ko hindi papayag si Fajuzia sa favor ni Daddy kasi ang pagkakakilala ko sakanya ay masungit na babae pero ng dahil lang sa isang boxes ng gummy bear pumayag siya? Dahil lang sa gummy bear?! Ang babaw.Kaloka tong babaeng toh.

Kaloka sobra! At may unggoy na nakakapit sa akin. Si Fajuzia, kung makakapit sa akin wagas.

"Ano ba teh! Alisin mo nga yang kamay mo. Nakakairita ka na."

"Nairita ka sa akin? eh di ba kaibigan kita! Tsaka kailangan ko toh gawin. Magpapakalalaki ka kasi!"

"Para lang sa gummy bear gagawin mo ang lahat? Para mapatino ako? Duuh! Wag ka na umasa Teh! Sumuko ka na. Suko na yung bandera ng pagkalalaki ko." 

"rAyoko nga! Tsaka oo para sa gummy bear, pero sa una nagalangan din ako. Kaso parang naging interesado din kasi ako kung paano kita mababalik sa pagiging lalaki, Kaya di ako susuko!"

"Waa. Ano bang klase kang babae? Kung gusto mo lang ng gummy bear bibigyan kita araw-araw.Tantanan mo lang ako please. Naiirita ako." 

"Anong klase ako? Ako yung babaeng di katulad ng mga 15 na ex-girlfriends mo. Tsaka nakipagdeal na ako sa daddy mo kaya walang bawian yun." Pangiti niyang sabi sa akin. Hanga din ako dito sa babaeng ito. Kakaiba. 

"Walang bawian talaga ha? Kahit may gummy bear akong dala ngayon?" Pang-asar ko sakanya tapos winawagayway ko pa sakanya.Hahaha, makikita talaga natin kung walang bawian sa deal niyo ni daddy.

**********************

POV OF Fajuzia Cervantes :

Arghhh. Winawagayway niya pa sa akin yun isang pack ng gummy bear.Waa, naglalaway ako! Di ako magpapaapekto. Tama gising gising!  Tiningnan ko si Tofer ng masama.

"Di mo ko madadaan sa ganyan." Sabay nag-Bleh ako sakanya. Tapos tumawa lang siya.

"Naglalaway ka nga ngayon." Pinunasan ko yung bibig ko pero wala naman. Pinagloloko ako nito.

"BASTA NGAYON BOYFRIEND NA KITA !!!"  Ha? Napatakip ako ng bibig ng dahil sa sinabi ko? Tama ba yung sinabi ko? Boyfriend ko na siya! Ako mismo ang nagsabi. Gasssh. Nakakahiya.Ayy nako! Wag nga ako magisip ng kung anu-ano. Kaya ko siya boyfriend dahil para magawa ko yung favor ng daddy niya. Tama! Dahil doon. :) 

"Tama ba yung narinig ko? Boyfriend niya yung sikat dito sa University.Omaygash! Di ba bading siya?"

"Boyfriend niya.Sino ang babae sakanila?"

"Si Tofer may girlfriend na?"

"Bagay sila ha.Kaso bading si Tofer di ba?"

Okay. Kung makapagchismisan naman yung mga estudyante dito parang wala kami ni Tofer. Hello, hindi po kami hangin. At ano naman kung bading siya, babae ako at lalaki siya.Natural lang yun kahit bading pa siya isa pa din siyang lalaki. Mga tao talaga. Tiningnan ko lang yung mga tao at tinaasan sila ng kilay tapos tumingin ako kay Tofer na nakangiti.Problema nito? 

"Girlfriend kita di ba?" Pangiting tanong niya sa akin. Medyo kinikilabutan ako sa ngiti niya ah.Pero ang gwapo niya. Ang gwapo niya ngumiti. Jusko!Tinititigan ko na pala siya, eh kasi naman ang gwapo niya eh. Nagulat na lang ako ng bigla niya nilapit yung mukha niya sa akin. 

"Hoy, anong gagawin mo?" Tanong ko sakanya.

"Gagawin ko sayo yung ginagawa ng magkarelasyon." Napalaki mata ko dun ah. Anong gagawin niya?

"Anong pinagsasabi mo dyan." Tinulak ko siya pero hinawakan niya yung balikat ko at pinulupot yung isa niyang kamay sa bewang ko at nilapit ako sakanya. Shemay! Kinakabahan ako. 

"Kinakabahan ka ba Fajuzia?" Pangiti niya pang sabi. Waa. Kinakabahan talaga ako. Ano ba kasi gagawin nito sa akin?! 

"Sisigaw ako dito." 

"edi sumigaw ka! Anong isisigaw mo rape? Tss. " Tapos tinitigan niya lang ako. Jusko malulusaw ako sa tingin niya. Ano ba talaga balak nito?

"Magagalit ako sayo Tofer bitawan mo na ako."

"edi magalit ka sa tingin mo natutuwa ako ngayon." Patay, galit ba sa akin toh?Waa! Dahil ba sinabi kong boyfriend ko siya.

"Waaa. Tofer sorry na kung ganun, wag ka na magalit." Nginitian niya lang ako.

" Too late."  Shocks. Natulala ako sa ginawa niya parang naparalyze ata ako. Nafreeze ata ang utak ko. Di ako makahinga sa ginawa niya. 

He kiss my lips.

========

Vote.Comment.Fan

(c)AKOSICRAZYGIRL ♥ :*

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now