Chapter 16 :

4.3K 109 2
                                    

Chapter 16 :

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

Pagkatapos nung gabing nakulong kami ni Tofer sa locker, narealize ko na NAGUGUSTUHAN KO NA SIYA. :''> 

Eh wala e ginayuma ako nung bading na yun kaya ganito ako siguro sakanya. At eto may pasok nanaman ako pero break time ko ngayon at sila Sheena naman ay may klase sila.

Namimiss ko na mga bestfriends ko.

" Fajuzia." Tumingin ako sa tumawag sa akin.

"HARRY!" Bigla ako napatakbo papunta sakanya.

"Hello, long time no see ! Musta?" Pangiti niyang sabi sa akin, namiss ko din toh. Ilang araw din di siya nagparamdam sa akin mula ng mangyari yung sa party.

" Ikaw ang kamusta? Naka-recover ka na ba? Galit ba sa akin mommy mo yung inamin mo sakanya na di mo talaga ako girlfriend?"  

"Medyo okay na ako nagalit sa akin si Mama pero sayo hindi pero okay na din kami. Don't worry." Tapos nginitian ko siya.

"Hmm. Buti naman, wala kang klase?" 

"Kakatapos lang ng klase ko. Ikaw ba walang klase?"

" Hmm. Wala eh, maya-maya pa." Tapos nagulat ako sa ginawa ni Harry, bigla niya ako niyakap.

"Namiss kita Fajuzia." Kaya napayakap na din ako.

"Nagulat naman ako sa ginawa mo akala ko kung ano."  Narinig ko siyang tumawa kaya nakitawa na din ako.

"OI BAKIT YAKAP MO YUNG CHOCOPIE KO?!" Woah. Jusko parang nalindol utak ko nagulat ako ng bigla akong hinila ni Tofer kay Harry.

"Tss. anong masama dun?" Maangas na sagot ni Harry, teka may napapansin ako sa braso ni Tofer wala na agad?

" Ui Tofer, ang bilis naman ata makarecover ng kamay mo?" 

"Shit." Ayun lang yung narinig ko sakanya, di kaya niloloko niya lang ako na may pilay siya. 

"Umamin ka nga sa akin Tofer nag-kukunyari ka lang ba na may pilay?"  Bigla siyang napakamot ng noo , sabi na eh. Tas napatawa si Harry.

" Anong tinatawa mo dyan Harry? Gusto mo halikan kita ulit?" Tas biglang natahimik si Harry sa sinabi ni Tofer.

"Di na mauulit yun baka gusto mo magsapakan tayo?"  

"Hep-hep, wag nga kayo mag-away. Parang di kayo magkaibigan ha, umayos nga kayo." Irita ko ng sabi.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now