Chapter 24:

3.7K 81 0
                                    

CHAPTER 24:

POV OF FAJUZIA CERVANTES

3 years na kami ni Chocopie~ <3 :''> Ganun na katagal ang relasyon namin ni Tofer. At sana maging infinite pa ang pagmamahalan namin.

At lahat kami ay nakagraduate na. Si Sheena at Harry naman, Almost magthree-three years na  ang relasyon nila, and Im happy for them. Si Harry nagtratrabaho pa rin sa company namin at mas lalo pa siyang sumikat kaya minsan ayun ang pinag-aawayan nila ni Sheena kaya nga minsan nagbabalak si Sheena na magmodel din sa company namin pero ayaw siya payagan ni Harry. Kaya minsan si Sheena nagpapartime-job sa company namin minsan bilang fashion stylist. Si Jenna? ang trabaho niya naman ay  professor sa dating naming pinapasukan nung highschool kami. Di ko alam sa babaeng yun, balak lang ata mag-aral at magturo.

Si Tofer naman, wala pang trabaho dahil ang sabi niya sa akin kinukuha daw siya ng lolo niya sa Canda para magtrabaho sa company nila doon. Pero ayaw niya, ayaw niya daw kasi sa akin lumayo kasi mamimiss niya ako agad. 

At ako naman ay tinetrain ni daddy para maghandle sa company.Kahit ayaw ko, pero wala akong choice kasi ako ang panganay kaya kailangan kong gawin iyon.

"Ate Fajuzia." 

"Oh ano yun Mikaela?"

"Bakit ang pangit mo?"

"Ano nanaman trip mo?!"

"Ayy! Pikon si Ate Fajuzia. Porket nakamake up lang ngayon dahil anniversary nila ni Kuya Tofer. Ganyan ka na.." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh ano naman? Inggit ka lang kasi ako may boyfriend ikaw wala."

"Tss. So? Gugustuhin din ako ng taong gusto ko.Humanda ka!" Tinawanan ko lang siya.

"Oh kailan pa? Ang tagal tagal ka nga inaasar lagi nun pero di ka naman gusto. "

"Tse! Ewan ko sayo Ate. I hate you." Tapos sabay takbo siya sa kwarto niya. Haay~ Dalaga na ang kapatid ko. Yung dati bata lang na lagi namimikon sa akin ngayon In love na.

"Chocopie." Nagulat ako ng biglang dumating si Tofer sa bahay.

"Kakagulat ka naman bigla bigla ka na lang pumapasok dito sa bahay." Tapos niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Tara alis na tayo? Nakapagpaalam na ako kila Tita. Tumawag ako sa kumpanya niyo." Nginitian ko siya at tinitigan ko siya.

"Ang pogi naman ng boyfriend ko." Tas bigla siya sumimangot.

"Ansabee mo? Boyfriend? Im your fiance." Natawa ako sakanya.

"Okay na sana eh. Ang pogi na kaso may tonong bading. Hahaha." Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now