Chapter 22

190 9 0
                                    

Chapter 22: Hospital


Mizzy's POV


Habang nagbabasa ako bigla nalang humangin ng malakas at natumba yung picture frame namen ni Diana kaya pag pulot ko nakita kong nabasag yung salamin kaya tinapon ko na pero syempre kinuha ko yung picture. Pagtapon ko sa frame bigla namang nag ring yung cellphone ko at pag tingin ko unknown number kaya sinagot ko narin.


"Hello?"


[hello kayo po ba si Mizzy Madrigal?] boses ng lalaki


"opo baket po?"


[kayo po ba yung kapatid ni Diana Madrigal?] kinabahan ako sa tanong nya!

"o-opo bakit po?"

[pwede po ba kayong pumunta dito sa East Medical Hospital?]

"bakit ho ano ho'ng nangyari sa kapatid ko?!"


[Na Car Accident po sya maam kaya kung pwede po pumunt-] hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil nagsalita na agad ako


"sige po thank you po" tska ko pinatay yung linya kinuha ko lang yung bag at susi ko tska ako nagmadaling lumabas tska sumakay sa kotse ko


~East Medical Hospital~


Pagdating ko sa hospital agad akong dumaretsyo sa nurse station.


"miss nasaan yung pasyente nyong babae na kakarating lang?" mahinahon kong tanong


"ah maam ano pong pangalan?" tanong nung nurse


"Diana Madrigal" sabe ko tska nya hinanap ako naman natataranta na "ano na wala parin!?"


"ah maam nasa bed 15 po sya Clark paki samahan sa bed 15" sabe nung nurse na pinag tanungan ko at tska naman dumating yung tinawag nya "this way maam" turo nya sa daan


Pagdating namen sa bed 15 may tatlong pulis at nag uusap usap sila ako naman nilapitan ko agad yung kapatid ko


"Diana!" sigaw ko kaya napa tingin saken yung mga pulis pero wala akong pake dali dali akong nag punta sakanya puro sa sugat at duguan sya at maya maya lumapit samen yung isang doktor kaya agad akong lumapit "dok ano pong nangyari sa kapatid ko?"


"Ah maam na car accident po sya then base to the result nag ka major head injury sya pero stable na po ang lagay nya at hihintayin nalang natin syang magising at ililipat nalang sya sa magiging kwarto nya"


"okay dok thank you" tska umalis yung doktor ako naman lumapit kay Diana habang tinitignan ko sya lumapit saken yung mga pulis


"maam pwede ko po ba kayo mainterview?" tanong nung unang pulis kaya napatango nalang ako "maam kaano ano nyo po yung naaksidente?"


"kapatid ho"


"sabe po nung naka bangga sakanyang truck mukhang wala daw po sa sarili yung kapatid nyo may problema po ba sya?"


"wala naman ho"


"alam nyo po ba kung saan sya galing o pupunta?"

"sa boyfriend nya po"


"ganon po ba sige po maam maraming salamat po"


Naka alis na yung mga pulis pero ako nakatulala parin hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya tinawagan ko sila mommy


The Nerd Meets The Playboy | (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora