Chapter 34

238 8 0
                                    

Chapter 34:  THE TRUTH

DIANA'S POV

Ilang araw na ang nakakalipas ng matapos ang pasko dito sa korea, and yes nagpapansinan na ulit kami ni mark, hindi literally super close ah yung parang kaibigan kaibigan lang ganon.

Simula nung mabasa ko yung sulat nya parang lumambot yung puso ko, parang bumalik nanaman yung pag mamahal ko sakanya, ewan ko basta nagugulahan pa ako sa nararamdaman ko, pero alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko nanaman sya actually hindi naman talaga nawala yung pagmamahal ko sakanya eh, parang ganon parin katulad ng dati hindi naman kasi yun nawala, yes mahal ko parin sya kahit na sinaktan nya ako, ewan ko ba ang kulit ng puso ko no? Ayaw pumayag sa gusto kong mangyare, sabi ko sa sarili ko mag momove on na ako, pero anona? Naka move on ba? Hinde pa!

Ngayon nandito kaming lahat sa sala nag momovie marathon, medyo pagabi narin kaya naisipan namin manood actually si ate mizzy ang naka isip neto kaya ayun pumayag na kami, si mommy hindi na naki nood kasi pagod sya namasyal kasi kami kaninang hapon eh kaya ayun natutulog na.

Habang nanonood ako naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko na ito pinansin dahil alam ko naman na si mark ito, dahil sya lang naman yung tumayo kanina para lang kumuha ng pagkain, kaya naman pinag patuloy ko lang ang panonood.

Ilang oras na ang nakakalipas ng matapos pinapanood namin pero nakita ko nalang nq bagsak na yung dalawa kong kapatid, kami ni mark still alive! Go lang ng Go hanggang sa matapos.

Pangalawang Movie na ang pinapanood namin ngayon at nakakatakot ito! Promise hindi ko pa sya napapanood sa tanang buhay ko, ngayon palang swear!

Hindi ko mapigilang hindi mapatakip ng mukha dahil talagang nakakatakot to, may times pa nga na napapatili ako eh, at si mark naman tinatawanan ako kaya naman binibigyan ko sya ng nakamamatay na tingin kaya naman napapatigil sya sa pag tawa, buti naman. Makuha ka sa tingin.

Nang malapit ng matapos ang palabas biglang may lumabas na nakakatakot ang mukha kaya naman sa sobrang gulat at takot ko napayakap ako kay mark as in at talagang nanginginig pa ako, nakakatakot baka mapaniginipan ko yon, ganon pa naman ako kapag may napapanood akong nakakatakot talagang hindi ako makatulog at talagang takot na takot ako, para bang anytime pag mag isa ako bigla nalang syang lalabas parang ganon kaya ayokong nanonood ng ganto eh, lalo na kapag first time kong papanoorin, gusto ko pag matutulog ako may kayakap ako kasi feeling protective ako pag ganon.

And i think this is not a good idea anymore kaya naman kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya at umayos ng upo kahit ang awkward ng moment na bumabalot samin.

Ilang saglit pa at bigla nya akong hinila at yinakap ulit nya ako, kaya naman nagulat ako sa ginawa nya pinilit ko kumawala sa pagkakayakap nya pero wala ang lakas nya, hindi ko kaya!

"Ano ba?! Pakawalan mo nga ako" sabi ko tska sya tinulak tulak.

"Please kahit ngayon nalang ulit, mayakap kita. Diana namimiss ko ng yakapin ka eh" sabi nya kaya napatigil ako sa pag tulak sakanya at doon ko naramdaman na may nabasa ba balikat ko.

Umiiyak ba sya?

"U-Umiiyak ka ba?" tanong ko sakanya, at nung lumayo sya nakita kong pinunasan nya ung mata nya at hindi sya makatingin sakin "Woi bat ka umiiyak?" tanong ko pero umiling lang sya at bumuntong hininga ng napaka lalim.

Tatayo na sana sya pero pinigilan ko kaya naman napatingin sya sakin pagtingin ko sa mga mata nya nakita ko don ang sobrang pagka lungkot kaya naman napakunot ako ng noo.

Bakit malungkot ka parin hanggan ngayon?

"Tell me everything" i said, i want to know everything what happened, why he broke up with me, why he leave me.

The Nerd Meets The Playboy | (Complete)Where stories live. Discover now