SPECIAL CHAPTER

358 8 0
                                    

A/N: This is it pansit last na ituuuu, I'm sorry kung sobrang tagal ng update ko huhuhu matatapos na lahat lahat yung sembreak ko pero anuna??? Ngayon palang ako nag uupdate huhuhu ang tamad ko kasi eh pasensya na pero sana magustuhan nyo!♥

Mark's POV

Bwan na ang nakalipas  mula ng maka graduate si diana and may sari sarili na kaming trabaho, sa ngayon nag iipon na ako ng pampagawa ng bahay, hindi alam ni diana yun dahil gusto kong sorpresahin sya, gusto ko kasi meron kaming sarili naming tirahan. Naka bili narin ako ng sing sing para sa proposal ko sakanya, nag aantay lang ako ng tamang panahon para lumuhod sa harapan nya at hingin ang matamis nyang 'Oo'. Gustong gusto ko na syang makasama habang buhay, sa dami ng pinag daanan namin ngayon pa ba ako susuko kung kailan nasaakin na sya ulit? Mahal na mahal ko si diana and i can't imagine my future without her in my life.

Nang matapos ako sa trabaho ko dumaan muna ako sa bilihan ng mga bulaklak dahil susunduin ko si diana sa opisina nila, doon kasi sya pinag tatrabaho ni tita, ako naman sa company namin ako na kasi nag hahandle nito dahil medyo matanda narin si mommy, although HRM ang kinuha naming curse pero nandito kami sa companya nagtatrabaho, may alam naman kami about sa business, actually pinag aaralan din namin itong ihandle, kasi nga HRM ang curse namin tapos biglang napunta sa kompanya, hindi naman namin expexted yung ganto so wala na rin kaming choice tska isa pa gusto dina namin humawak ng isang business.

Pagkatapos kong bumili ng bulaklak na paborito nya sumakay narin ako sa kotse ko tska ako nag maneho papunta sa building ng companya nila, medyo malapit lang naman ito kaya naman ilang minuto lang ay nasa labas na agad ako ng building, hindi muna ako bumaba ng kotse kasi tatawagan ko pa si diana.

[ Hello babe ]  sagot nya sa tawag ko

"Babe pauwi ka na ba?" tanong ko sakanya

[Ahh yeah inaayos ko lang tong mga gamit ko palabas narin ako ng office, ikaw nasaan ka na?]

"Ahh papunta na" pagsisinungaling ko

[ 5:30 labas mo ah, six o'clock na kaya ] sabi nito kaya natawa ako, alam na alam ang schedule ko

"Just kidding babe, paakyat na ako dyan, hintayin mo ako dyan sa office mo okay?"

[ See mag sisinungaling pa eh, sige na hintayin kita dito ]

"Okay see you"

Paalam ko tska pinatay ang tawag atska ako lumabas ng kotse at nagtungo sa loob habang bitbit bitbit yung bulaklak, kilala naman nila ako kaya nag dare-daretsyo na ako papuntang elevator may iilan pang bumabati sakin nung nakita nila ako at nginingitian ko lang itong mga to, loyal ako eh bat ba?

Pagbukas ng elevator sa floor kung saan ang office ni diana ay dali-dali akong naglakad, at pagkarating ko sa harap ng pinto ay kumatok lang ako tska binuksan ang pinto, nakita ko itong nag aayos parin ng mga folder na nasa lamesa at ng mapansin nya ang presensya ko ay dali dali syang tumayo at tumakbo papunta sakin at yinakap ako kaya yinakap ko rin ito pabalik.

"I miss you" sabi ni diana habang nakayakap sakin kaya naman napangiti ako

"Miss you more" sabi ko tska humiwalay sa pagkakayakap sakanya "Hindi ka pa ba tapos dyan? Need help?" tanong ko at mabilis naman syang napatango habang naka nguso kaya natawa ako tska ko binigay yung bulaklak na binili ko kaya nanlaki ang mga mata nya at napuno yun ng saya

"So beautiful thank you babe" sabi nya at hinalikan ako ng mabilis sa labi kaya naman napangiti ako.

Nagtungo kami sa desk nya para narin matapos na sya at makapag date pa kami kahit saglit man lang nakakamiss din kasing makipag date kasam si diana, minsan nga pag day off namin dadalhin ko to sa pinaka magandang lugar sa pilipinas para manlang makapasyal kami hindi yung lagi nalang trabaho, pahi-pahinga din.

The Nerd Meets The Playboy | (Complete)Where stories live. Discover now