Chapter Eleven

270K 4.9K 355
                                    

CHAPTER ELEVEN

PAGKARATING nina Lana at Dylan sa village park na sinasabi niya ay ipinaparada niya kay Dylan ang kotse nito sa isang madilim na parte ng parke. Tinuro niya ang ilalim ng isang malaking puno na hindi naabutan ng liwanag ng light posts.

Wala ng tao sa village park nang mga oras na iyon. Siyempre, wala ng mga batang naglalaro sa playground at wala na ring mga residente ng village ang nakatambay pa roon.

Binuksan ni Dylan ang ilaw sa loob ng kotse dahil sa sobrang kadiliman sa pinaghintuan nila. "So, what's on your mind, honey?"

"Alam mo, cancer had taken my young adult years. I never get to experience things that twenties girls do," pagkukuwento niya rito. "I never experienced partying, enjoying college life, having a lot of friends, traveling, flirting with some boys... and," Tumingin siyang diretso sa mga mata nito. "After Reeve, I have no one to make out with. Imagine that twelve long years?"

Prenteng sumandal ito sa kinauupuan habang pinag-krus ang mga braso sa harap ng dibdib. Napangisi ito habang tumitingin sa kanya. "So... you want to make out now?"

She chuckled. "Y-yeah. I just want to feel the 'touching' thing... the cuddles, the fun kisses... Alam mo 'yung para 'kang nanakawan ng bagay na dapat ay iyo?" tanong niya pa rito.

Tumango si Dylan. "Ulila na 'ko, sanggol pa lang ako. Sabi sa ampunan, namatay daw sa isang malawakang sunog ang totoong mga magulang ko. Isang kapitbahay daw ang nagligtas sa'kin sa sunog. Since, hindi naman niya 'ko kayang palakihin, napunta ako sa ampunan. Doon ako lumaki kasama ng maraming bata na kahati ko sa lahat ng bagay. Kaya nga sobrang saya ko nang ampunin ako nina Mommy at Daddy kahit pa pitong taong gulang na 'ko noon. They gave me all the things that a child could ask for."

"Buti ka pa."

"You can still experience all the things you missed, Allana."

"Matanda na 'ko."

"Experience is for all ages."

She smiled at him. "I'm starting to like you."

Ngumisi ito. "Not just the sex?"

She laughed and removed her sandals. Pagkuwa'y lumipat siya sa likod ng kotse. "Well, I want to make out. I want to experience it with you," aniya habang nakaupo sa gitna ng backseat.

Umangat ang gilid ng labi nito. Nagtanggal din ito ng sapatos at saka siya sinundan sa likod. Magkatabi na sila ngayon sa backseat.

"So, what's next?" aniya rito.

Tumingin ito sa kanya. "Let's have a roleplay, like you said. You'll be the aggressive girlfriend, and I'll be your naïve boyfriend."

Napakunot-noo siya. "You don't look like a naïve boyfriend."

"Kaya nga magpapanggap," nakangising sabi nito pagkuwa'y nagbago ang expression ng mukha nito. Nagpatingin-tingin ito sa labas ng bintana.

Okay, then. Game!

Nanlaki ang mga mata ni Dylan nang bigla siyang paharap na kumandong rito. Nakaharap siya rito habang ang mga binti niya ay nasa magkabilang gilid nito. Mabilis niyang niyapos ito sa leeg at sinadyang idikit ang dibdib niya rito.

When they started their roleplay, imbes na maging mainit ang mga tagpo ay nagkakatawanan sila nang walang dahilan. Nawawala tuloy sila sa "character".

"Damn, I want to touch you everywhere!"

"Go, explore," aniya habang hinahaplos ang mukha nito. "Ilabas mo ang wild side mo. Roar!"

Natawa ito at saka siya hinapit sa baywang. He started leaving lovebites on her shoulder and neck. Parang nanggigil ito sa balat niya. He'll bit her hard, then his tongue would lick the bite and suck it. Again and again. Hanggang sa bumaba pa ang mga labi nito sa puno ng kanyang dibdib at doon naman nag-iwan nang mas marami pang kissmarks.

Making Love - Published by PHRWhere stories live. Discover now