Chapter Thirteen

269K 5.2K 256
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"GANITO, kami na lang ni Reeve ang magkasama sa kuwarto dapat niyo. Ikaw na lang sa kuwarto ko," sabi ni Dylan kay Lana pagdating nila sa hotel.

They tried to get another room pero fully-booked na ang hotel dahil nga sa gaganaping international business conference doon. Hindi alam ng nasa front desk kung bakit nagkamali at napagsama sila sa iisang kuwarto ni Reeve pero kaya naman nilang solusyunan kaya hinayaan na lang nila.

"Or... kayo na lang ang magkasama sa iisang kuwarto. Ako na lang doon sa solong suite," tukso pa sa kanila ni Reeve.

"Magandang idea 'yan!" Nagniningning pa ang mga mata ni Dylan.

Inirapan niya ang mga ito at nauna na sa elevator ng hotel. "Ewan ko sa inyo. Basta kayo ang magkasama at ako doon sa solong kuwarto."

"Mahirap paamuhin si Allana. Mabibigyan mo ba'ko ng tips, Reeve, kung paano ko makukuha ang matamis niyang 'oo'?" narinig niyang tanong ni Dylan.

Reeve chuckled. "Parang hindi ko naman niligawan si Lana noon."

"Wow. Si Lana nanligaw sa'yo?"

"Hindi naman. Basta, naging kami lang noon."

"Nakakainggit. Puwede bang magselos?"

Singkit ang mga matang nilingon niya ang dalawang lalaki. "Excuse me, I'm here infront of you, two. Bilisan niyo namang maglakad at gusto ko ng magpahinga. Hmm?" Kung pagkuwentuhan siya ng mga ito ay parang wala siya roon. "Mamayang hapon na agad ang simula ng conference kaya we better move fast."

Hindi na nagsalita pa ang dalawang lalaki pero nakita niya ang palihim na pagtatawanan ng mga ito. Pagkapasok nila sa elevator ay parang nahilo si Lana. Napakapit siya kay Reeve.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong nito. Hinawakan din nito ang kamay niya upang umalalay.

"Bigla akong nahilo," bulong niya at saka napapikit. Hindi naman siguro iyon dala ng pressure ng elevator.

Bumuway ang tayo niya. This time, Dylan caught her. Binitawan na siya ni Reeve nang si Dylan na ang buong umalalay sa kanya.

Hanggang sa makarating sila sa floor level kung nasaan ang mga kuwarto nila ay inalalayan siya ni Dylan. Nawala-wala na ang hilo niya pagkarating sa kuwarto.

"Napagod lang siguro ako sa biyahe," nasabi ni Lana pagkaupo niya sa gilid ng higaan.

Mabilis siyang inabutan ng isang baso ng tubig ni Reeve. "Sigurado ka?"

Tumango siya. "Thanks, Reeve. Kailangan ko lang sigurong matulog ulit. Maybe I just got a jet lag." Bumaling naman siya kay Dylan na hindi umiimik habang nakatingin lang sa kanya. Alalang-alala ang mga nasa mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Dylan, okay na 'ko," she assured him. Tinapik-tapik niya pa ito sa balikat pero nanatili itong nakatingin lang sa kanya.

"Mauuna na 'ko sa kuwarto namin, Lana," paalam ni Reeve at saka ito lumabas ng kuwarto dala-dala ang mga gamit nito.

"Magsalita ka naman," untag niya kay Dylan na hindi pa rin umiimik.

He cupped her face and kissed her forehead. "Nag-alala ako. Sobra. Hindi ko alam bakit." Then, he kissed her lips, swiftly. "You scared me, honey."

Napapikit-pikit siya dahil sa sobrang pag-aalala sa mukha at sa tinig nito. "N-Nahilo lang naman ako, Dylan... Baka nga jet lag lang. Huwag kang OA."

Yumuko ito at tinanggal ang mga sapatos niya sa paa. Pagkatapos ay inayos nito ang pagkakahiga niya. "Kung nakita mo lang kung anong itsura mo kanina, tignan natin kung OA pa ba 'tong reaksyon ko."

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon