Chapter Twenty-Six

253K 5K 756
  • Dedicated kay All the readers who cursed and loved Kuya Bari
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

Two weeks ago...

NAPAHUGOT ng hangin si Lana nang pagpasok niya ng opisina ay nakita niya si Bari na nakaupo mismo sa puwesto niya. Kumportableng-kumportable ito roon na parang ito ang may-ari ng opisina.

            "Finally, you're here," anito na may misteryosong ngiti sa mga labi.

            Sinara niya ang pintuan at kinakabahan siya sa paglapit rito. Parang siya pa ang bisista sa sarili niyang opisina. "W-What do you want to tell me?"

            Tumayo ito sa upuan niya. "I heard you're pregnant. Congratulations sa inyo ng pinsan ko," kahit papaano ay sincere ang pagbati nito.

            "S-Salamat..." Napaupo na lang siya upuan sa tapat ng lamesa niya. Para kasing nanginginig ang tuhod niya sa presensya ni Bari.

            Iniisip niya kung tama bang makikipag-usap siya rito na hindi alam ni Dylan. She does not know how to handle Bari's intimidating aura.

            "Alam ba ng pinsan ko na mag-uusap tayo?"

            Umiling siya. "Hindi ko na muna sinabi. Pero, sasabihin ko rin pagkatapos natin mag-usap."

            Umangat ang gilid ng mga labi nito. "Good."

            Itinuwid niya ang pagkakaupo at saka matapang na sinalubong ang tingin nito. "Ano bang gusto mong sabihin?What's the 'self-proclaim mission' all about?"

            Humalukipkip ito at bahagyang umupo sa gilid ng malaking lamesa niya.

            "Alam mo na siguro na first love ni Dylan si Agatha?"

            Napahinto siya saglit pero napatango maya-maya. "What about it?"

            "Okay lang sa'yo?"

            Nagkibit-balikat siya. "Matagal naman nang tapos iyon. Ako nga, first love ko si Reeve. Dylan and I made sure that they are all in the past now." At sa tingin naman ni Lana ay hindi na rin malaking issue pa kung nagkaroon man ng feelings si Dylan kay Agatha. Her husband made sure that it's her that he loves now. At nararamdaman niya iyon ng sobra.

            Tumangu-tango ito. "So, will it be still alright kung sabihin ko sa'yo na ang pagkakakilala niyo ni Dylan ay planado? Na kaya siya pumayag sa misyon namin ay para kay Agatha?"

            Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Hindi ko maintindihan."

            "You see, mula pagkabata, kaming pitong magpipinsan ay nangako sa isa't-isa na po-protektahan namin ang pinsan naming si Agatha. We vowed to always make sure she's happy. Katulad na lang ng pag-ako ni Dylan sa responsibilidad ni Agatha na mamahala dapat ng hotel ng mga Andersons. He did that because... sa aming pito, siya ang may pinakagustong makita si Agatha na masaya," anito na may kahalong pang-aasar sa tono.

            Nagsalubong ang mga kilay niya. "Alam ko na iyan. Nabanggit na sa'kin 'yan ni Dylan na kaya siya nga ang umako ng position dahil gusto niyang maabot ni Agatha ang pangarap na maging pianist or musician. But that's it. Isa pa, sa inyo namang magpipinsan, si Dylan lang ang walang pinamamahalaan na kompanya kaya niya rin tinanggap iyon."

            "So, what do you think came to his head to volunteer again for our 'mission'?"

            "What's your 'mission', anyway?" naiinis na na wika niya. Parang hindi magiging maganda ang mga susunod na pag-uusapan nila.

            He smirked. "Tutol kaming lahat sa arrange marriage nina Agatha at Reeve. Nasa isip naming lahat, baka hindi sumaya ang pinsan namin sa kasalang iyon dahil hindi niya pa ganoon kakilala ang lalaki. She likes him, yes. Pero mapapanatag ba kami na gugustuhin din siya ni Reeve? Paano kaming makakasigurado na hindi masasaktan ang pinsan namin sa bagong buhay na magkakaroon siya?

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon