rosas

42 15 0
                                    

01.30.18

para sa mga hindi makamove-on

Nandito nanaman ako

Nakatayo sa harap ng hardin

Pinagmamasdan ang pinakamagandang bulaklak sa mundo

Ang pulang rosas, maganda't mahinhin

Araw-araw ay hinihintay ko ito

Pinagmamasdan at pinoprotektahan

Pinipigilan kung may pipitas nito

Sasagarin ang lahat ng kakayanan

Ngunit hindi ko mapagtantuan ang sarili kong kuhanin ang rosas

Marahil baka lamang masaktan ako ng mga matatalim na tinik nito

Pero sa pagdaan ng panahon

Dapat humanap na lamang ako ng lakas

Lakas na kahit masaktan ay pipilitin

Lahat ng bundok tatahakin

Sapagkat sabi nga nila

Kailangan mo munang makaranas ng sakit bago ang saya

Unti-unti ng nanlalagas ang bunga ng pagmamahal

Sa sariling puso'y ako'y nasasakal

Sa kagandahan mo'y walang lalamang

Kahit alam kong hanggang pangarap ka lamang

sᴇʟғᴛɪᴛʟᴇᴅ | ˡᶦᵗᵉʳᵃᵗᵘʳᵉOù les histoires vivent. Découvrez maintenant