13 2 2
                                    



pagkatapos ko mag entrance exam ay agad na na akong lumabas at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si joshua na naglalaro sa phone nya. alam nyo yung nilalaro nya?

plant vs. zombies

HAHAHAHAHHAHAHAHA

gague talaga 'tong si josh, pero kahit ganyan yan crush ko padin yan hihi

"oh! tapos ka na pala, tara magmall tayo." sabi nya habang tumatayo galing sa pagupo niya at binigyan ako ng malambing na ngiti.

"libre mo ba?"

hehehehe

natahimik siya at tumango nalang habang natatawa. dahil medyo malayo ang office sa gate, we took our time on the way out. wala naman na daw pasok si joshua, habang naglalakad kami palabas e may mga lalaking naglakad sa harapan namin, yung tipong mang aaway sila. dahil dito ay naramdaman ko ang kamay ni joshua sa kamay ko at hinila nya ako sa tabi nya para hindi ako madanggil.

tangina YIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEE

"okay ka lang ba? nabangga ka ba nila?" tanong nya agad sakin at napatulala naman ako nang hawakan niya ang mukha ko na para bang tinitingnan nya kung nasaktan ba ako.

"uhm, oo okay lang ako" sabi ko sa kanya habang nakatungo para matago ko ang namumula kong mukha.

 nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makasalubong namin si dino, sya yung nakasama ko nung nageexam kanina. bat parang lahat ng nakikita ko dito sa uni may itsura? luh sya o HAHAHAHA

"hi dino! pasaan ka?" tanong ko sa kanya, mag-isa lang kasi sya.

"uy, hi miranda!  ewan ko nga e, gusto ko nga nga maguli kaso wala naman akong kasama" sabi ni dino.

"uhh, gusto mo sumama sa amin?" tanong ko sa kanya at tumingin ako kay joshua at tinanong ko kung okay lang ba na isama si dino sa mall, um-oo naman sya.

"okay lang ba? hindi ba nakaka-abala sa inyo ng boyfriend mo?" tanong naman ni dino at sabay tingin kay joshua.

kikiligin na ba ako? pangalawa na 'to ngayong araw a. pero whatever YIIIIIEEIEIEIIEIEIE tanginaaaa wooooo. 

"huh? boyfriend? ano ba dino hahaha wala akong boyfriend." i awkwardly said dahil nginitian lang ni joshua si dino at hindi ito binigyan ng iba pang reaction.

tangina ang awkward tuloy huhu at dahil dito inakit ko na agad sila papunta ng mall, oo naglakad kaming tatlo dahil walking distance lang naman yung pinakamalapit na mall dito e. isang benefit na din siguro yun ng uni na ito.

habang naglalakad kami ay medyo naging close sina joshua at dino, nalaman ko din na mas bata sya sa akin ng ilang months at mahilig sya magsayaw katulad ni joshua, nalaman ko din na parehas kami ng strand na kukunin. o edi may kaclose na agad ako na classmate diba? hehehe

"saan mo gusto, mira?" tanong sa akin ni joshua pagkatapos namin pumasok sa mall at si dino naman ay pumunta muna sa grocery dahil nagtext daw ang nanay niya at inuutusan siyang bumili ng mga baking ingredients.

"gusto ko kasi bonchon, kaso ang daming tao" sabi ko at nagpout, gusto ko talaga sa bonchoooooon huhu.

"hmm, ano bang gusto mong orderin dun?" tanong niya as he patted my head, yung parang ginagawa sa mga bata. takteee, wag ka ngang ganyan hong jisoo!

lalo akong nafa-fall e 

"uhh... ano- umm.. chicken tas fries lang." sabi ko at sabay yuko para matakluban ng buhok ko yung mukha kong namumula.

"oh, sige. dito ka muna ha? i-oorder muna kita. dyan ka lang ha. antayin mo na muna si dino." sabi nya sabay punta sa bonchon at nagorder. saan naman kaya namin kakainin yun? hays.

pagkalipas ng limang minuto ay nakita ko si dino na papalapit sa akin, kailangan nya na daw umuwi dahil kailangan daw ng nanay nya ng katulong sa pagbabake, kaya umuna na siya pagkatpos nun.

nang lumabas si joshua nakita ko nalang na may dala siya na pagkain, tinake out pala. habang palapit siya hindi ko mapigilan na mapangiti dahil pinilit nya parin na makuha yung gusto ko. para narin nagslow motion lahat at para bang kami lang ni joshua ang tao dito sa mall.

nawala naman ang pagkatulala ko sa kanya ng ayain nya na ako para kumain.

"saan naman natin kakainin yan?" tanong ko habang nakahawak sa sling ng bag nya.

"may alam na ako na magandang place, just trust me on this."


-----------

hi hello annyeong hehehe~ sorry kung medyo matagal yung update huhu sobrang dami kasing gawain sa school and stuff so yeah. enjoy this one~ annyeong hihihi


                                                                                       winona ♡ 



university // seventeen auWhere stories live. Discover now