16 3 2
                                    

nagpunta kami ni josh sa rooftop ng school, sabi nya wala naman daw masyadong pumupunta dun kaya hindi kami mahuhuli. nilabas nya ang binili nya galing sa mall at nakita kong binili nya lahat ng sinabi ko kanina juskooooooo mygash dis boi, tapos katulad ng order ko, ganun na din yung inorder nya, at may dagdag na bingsu (yung shaved ice na dessert) hihiiiii 

i luv bingsu so mats i luv dis boi also hihi

"nagustuhan mo ba?" tanong nya sa akin habang nginunguya yung food nya, ang cuttttteeeee ^^

"oo naman hehe, salamat joshua ha?" sabi ko at ngumiti sa kanya

sunod na sana naming kakainin ang bingsu kaso natapon na namin yung spoon and fork na kasama dun sa inorder nya kanina at iisa nalang ang spoon na natitira. ommaya.

"uhh... josh, iisa lang yung kutsara..." sabi ko sa kanya at nilabas ang kutsara

"oh ano naman? edi share tayo ^^" 

heol....

"huy, mira! okay ka lang ba? bat ka natutulala dyan?" sabi niya habang kinakaway ang kamay nya sa harap ng mukha ko.

"huh?! ah- oo HAHAHA" i laughed awkwardly kasi naman- edi nagindirect kiss kami kung isang kutsara lang ang gagamitin namin?! waaaaaa maldo andwae (this can't be)

binuksan nya na ang bingsu at kinuha ang kutsara sa kamay ko at kumuha na sya dun sa dessert... at sabay

"miraaaaa, say ahhhhhh~"

POTEK AHDUCDHASUDHOAJSDJASNDHIHIHIHIHI YIIIIIIIIIIE

nananaginip ba ako?

"huyyyyy mira, ah na dali! matutunaw 'to oh! sige ka magkakalat ka dyan!" sabi nya sabay tawa

takte wag ka mainlove ulit miranda. please lang.

"ayaw!" sabi ko sabay tingin sa ibang direksyon

"dali naaaa~" jusko nag pacute pa 'tong isang to

pagkatapos niyang magpumilit ay pumayag na ako na sya ang magpakain sa akin ng bingsu at nang maubos ito ay biglang tumunog ang pinto ng papuntang rooftop ng school na para bang may nagbukas at nagsara nito.

"huh? josh, ano yun?" i asked him curiously

"hmm, i dont know either. baka hangin lang yun." sabi nya habang nililinis ang pinagkainan namin.

pagkaayos ng lahat, pababa na kami papuntang first floor ng school, ihahatid daw kasi ako ni joshua sa bahay, andun na din naman kasi si kuya seungcheol kaya sasama na rin daw siya. habang nagaantay kami ng jeep pauwi e pinagusapan namin ang lahat, tulad ng kung anong kukunin kong course sa college, kung anong gusto niyang trabaho, kung anong gusto niyang maging after 10 years, etc.

"uy! ayun oh! jeep! josh- tara na!!" sabi ko at agad syang hinila, medyo mahirap kasi kumuha ng jeep ngayon papunta sa bahay, lagi kasing puno kahit hindi pa naman pasukan. edi lalo na kapag marami ng estudyante dito sa uni, diba? 

hinila ko si josh dun sa katabi ng driver's seat at dun kami parehas na umupo, pagkasakay namin ay hindi ko namalayan na hawak ko parin ang kamay niya- bigla akong nahiya at binitawan ito.

"ako na magbabayad para sa ating dalawa, ha?" malambing niyang sinabi sa akin, at pumayag nalang ako dahil medyo di pa ako nakakarecover dun sa paghawak ko sa kamay nya.

"manong, eto ho oh" narinig kong sabi ni josh at sinabi kung saang street kami ibababa. nagulat naman ako ng narinig kong naguusap si josh at si manong driver.

"iho, ang sweet nyo naman ng nobya mo. naaalala ko tuloy sa inyo kami ng misis ko nung kasing edad nyo kami. ipagpatuloy nyo yan, ha? wag mong susukuan yan, mukhang kayo talaga ang para sa isa't isa e oh" sabi ni manong at nagulat ako sa sinabi ni joshua sa driver.

"opo, manong. hindi ko po ito papakawalan" he said as he laced our fingers together, dahilan para mamula ang mukha ko ng todo. lalo na yung tenga ko, fuuuuuuuu- hong joshua wag kang ganyan please!

-------------

university // seventeen auWhere stories live. Discover now