CHAPTER SIX

11.2K 207 5
                                    


Kahit dumating na si Doy ay hindi pa rin nababawasan ang katamlayan ni Eliza.

Halata niyang nayayamot na ito sa kawalan niya ng interes na makipagkuwentuhan. Naglagay pa siya ng distansiya sa pagitan nila habang nakaupo sila sa sofa. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang tungkol sa bookshop.

"I have an idea, sweetheart." Nagniningning ang mga mata nito. "Tiyak na solved na ang problema mo sa 'yong bookshop."

"Paano?"

"I know na kayang magbayad ni Mr. Buenaventura ng kahit magkano para lang umalis ka sa building na 'yon. I heard, isang condo tower ang itatayong bagong building—first class, kompleto sa makabagong pasilidad. I'm pretty sure, ibibigay niya ang asking price mo."

Naningkit ang mga mata niya. "I'm not after the money, Doy."

"C'mon, Eliza, naturingang nag-business ka kung hindi ka nag-e-aim na kumita ng malaking pera. Ako na ang nagsasabi sa 'yong wala kang kapana-panalo sa lalaking 'yon. Mapera at maimpluwensiya 'yon at para kang bumangga sa matibay na pader kapag ipinaglaban mo pa ang sinasabi mong karapatan mo. Maging praktikal ka at para madagdagan ang kapital mo."

Hindi siya kumibo.

"One more thing, galante ang Alec na iyon pagdating sa natitipuhan niyang babae."

Nag-init ang mga tainga ni Eliza sa narinig. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Hindi agad ito nagsalita, mukhang pinag-iisipan pa ang mga salitang sasabihin. "Well, you can use your charm on him."

"Ano?" Tumaas ang boses ni Eliza.

"Hey, calm down," natatawang saway ni Doy.

Naningkit ang mga mata niya sa galit. "Bagay nga sa 'yong maging ahente, Doy. Pati ako'y sine-sales-talk mo."

Natawa ito. "Tinuturuan lang kitang maging mautak, Eliza. Look at me, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ko. Ilang taon pa'y puwede na kitang pakasalan saan mo man gusto. Sa panahong ito, hindi lang utak ang puhunan ng isang tao. Karisma, sweetheart, karisma. At meron ka n'on."

"Huwag mo akong ipares sa 'yo, Doy. Kung nagagawa mong makipagharutan sa mga kliyente mo, ako'y hindi."

"Don't be naïve. sweetheart. Walang masama kung paminsan-minsan ay maging mautak ka. C'mon, hindi naman ako magagalit kung sasamahan mo ng kaunting karinyo ang pakikipag-deal, specifically sa kaso mo kay Alec."

Hindi niya malaman kung ano ang iisipin sa mga pinagsasabi nito. "You're disgusting!"

Nagpormal ang anyo ni Doy. "Don't get me wrong. I'm just trying to help you, sweetheart. You're facing a dead-end. Hindi mo naman talaga kayang labanan sa korte ang tulad ni Alec. Now, you have no choice kundi ang makipag-close ng deal sa kanya."

"That's what I intend to do, kaya nga pumayag akong makipag-meeting sa kanya kagabi."

"Bakit hindi natuloy?"

"I cancelled it. Masama ang pakiramdam ko," tugon niya.

"Mag-uusap uli kayo?"

Wala sa loob na tumango siya.

"Believe me, sweetheart, I really want to help you. With my money in the bank, plus yours, puwede na tayong magtayo ng isang malaking negosyo. Pero sa ngayon ay kulang pa rin ang kapital natin. Pero kung magagawa mong makipagkasundo kay Alec, malaki ang maitutulong niyon sa 'yo... sa atin."

"Itinutulak mo ba ako para patulan ang lalaking 'yon, sakaling magpakita siya ng interes sa akin?"

"Hey, I know you can take care of yourself. Wala ka namang ibang gagawin kundi ang maging extra friendly sa lalaking 'yon."

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #6 ALEC (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora