CHAPTER NINE

19.1K 431 29
                                    

Nagising si Eliza sa tunog ng telepono.

Nananakit ang buong katawan niya at hindi magawang ibangon ang sarili. Hindi lang iyon, may nakadagang braso sa gawing tiyan niya.

Bigla ang dagsa ng reyalisasyon sa kanya. Nag-iinit ang mga pisnging inalis niya ang braso ni Alec. Tulog na tulog ito, nakabaon sa malambot na unan ang payapang mukha.

Ngayon lang niya napagtuunan ng pansin ang malinis nitong pisngi. Wala na ang may kahabaang balbas. Tila nilalaro pa ng anghel ang anyo ni Alec dahil napapangiti ito.

Marahan siyang bumangon. Agad niyang ibinalabal sa hubad na katawan ang kumot na nadampot sa lapag. Nagkalat ang kanilang mga saplot sa carpeted na sahig.

Lalong hindi mapakali si Eliza. Hindi niya alam kung ano ang uunahing gawin. Dapat pa ba niyang harapin si Alec o huwag nang magpakita rito matapos ang mga naganap sa kanila?

Agad niyang pinagdadampot ang mga damit at masakit pa ang katawan na dahan-dahang pumasok sa nakitang pinto.

Noon lang umalpas ang sama ng loob ni Eliza. Hindi niya akalain na mangyayari iyon sa kanya. Hindi niya masasabing napasubo lang siya. Ginusto naman niya ang nangyari dahil gusto nal niya si Alec. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kadaling umusbong ang damdamin niya para sa lalaki.

Pero ang pagmamahal na iyon ay alam naman niyang walang katugon. Tiyak na mapapabilang lang siya sa mga babaeng nagdaan sa buhay nito.

Ang isa pa sa nagpapalito sa kanya ay ang mga sinabi sa kanya ni Doy. Bakit kailangan nitong mag-imbento ng salita na kesyo isang imbalido si Alec? Saan nito nakuha ang ganoong impormasyon?

May imbalido bang nagawa siyang angkinin nang dalawang beses?

Kinalma ni Eliza ang sarili at lumabas na ng banyo.

Muling bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang gising na si Alec. At may suot na itong cotton shorts, wala pa ring pang-itaas.

Maliwanag na ang buong paligid. Kaya kitang-kita niya ang kabuuan nito. Mas lalong hindi niya ito kayang harapin nang mga sandaling iyon.

Nagtuloy-tuloy na siya sa isa pang pinto.

"Saan ka pupunta?"

"Hindi mo na kailangang malaman pa. Tapos na ang misyon ko."

"Kailangan nating mag-usap. Marami tayong dapat liwanagin sa isa't isa."

"Huwag ngayon."

"Kailan?"

"Kapag malinaw na sa akin kung sino talaga ang may kagagawan ng nangyari sa bookshop ko." Siguro kung aaminin mo lang na ikaw nga ang may pakana, tapos na ang usapan.

"I'll help you find the culprit."

Isang mapaklang ngiti ang isinagot niya kay Alec. Matamlay niyang iniwan ang lugar na iyon.


PAGDATING sa bahay ay naligo lang si Eliza at nagbawi ng tulog. Dakong alas-sais nang magising siya.

Sandali lang siyang nag-ayos at plano niyang puntahan ang bookshop.

Inabutan niyang naroroon si Leni, halatang problemado ang anyo habang isa-isang inilalagay sa kahon ang mga basag na paninda.

"Ate Liza, buti't dumating ka."

Pumunta siya sa counter at kinuha ang listahan.

"Ano'ng nangyari kahapon pagkaalis ko?"

"Bumalik ang mga pulis. Nag-imbestiga uli."

Hindi na siya umaasang mahuhuli pa ang may pakana niyon. Kung mahuli man, hindi rin naman maibabalik ang mga nasira niyang paninda.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #6 ALEC (COMPLETED)Where stories live. Discover now