Chapter 3

3.5K 102 6
                                    

Aliyah's POV





Andito pa rin kami sa canteen at sabay sabay na kumakain. Pinagbubulungan na nga kami dito na kesyo raw ay bakit kami sumasabay ni Aica dito sa apat. Kapal daw ng mukha namin at kung ano pang sinasabi. Tss! Sila nga tong makapal ang mukha at di na nahiyang magtsismis.

Bubulong na nga lang yung rinig pa namin. Ang daming pang nilagay na make-up at something something sa mukha nilang parang clown.

Biro lang hehe, makalait hmp.

Napalingon ako kay Vincent nung marinig ko ang madiin na pagkuha nya sa kanyang pagkain. Pagtingin ko sa kanya ang sama ng tingin sakin. Kunot yung noo nya. Tapos madiin pati pagkagat nya sa kinakain nya. Sinamaan ko rin sya ng tingin. Kala mo sya lang ah. Hindi ko napansin na nakatingin na sa amin sina Aica at yung dalawa, maliban dun sa one sentence guy.

"Bakit ang sama ng tingin nyo sa isa't isa?" Biglang tanong nung isa na nakalimutan ko ang pangalan.

"Wala kang pake!" Sigaw sa kanya ni Vincent the pangit.

"Makasigaw ka dyan. Batukan kita eh!" Sagot din nung lalake na nakalimutan ko ang pangalan.

"Pero ba't nga ba ang sama ng tingin nyo?" Sabat ni Steeven.

"Yan kasing panget na yan eh." Vincent.

Maka-panget naman tong isang to. Sapakin ko yan eh!

"Anong panget? Baka ikaw yun no!" Sagot ko.

"Oh kita mo na! Ang gwapo ko kaya!"

"Tch. Saan banda?" Bulong ko.

"Narinig ko yun!" Vincent

"Pake ko naman?" Inirapan ko ito.

"Tumahimik ka dyan ha? Ikaw kaya tong—" hindi natuloy yung sasabihin nya nung sawayin sya ni one sentence guy.

"What the hell? Can't you keep your mouth shut?" Inis nitong sambit.

Ngayon two sentences na. Palihim akong umirap. Tumahimik naman si panget at ngumuso. Bulungan mode pa rin ang paligid.

"Ahm..." Steeven. "May 15 minutes pa naman tayo bago ang sunod nating klase. So bakit hindi na lang tayo magpakilala sa isa't isa? Tutal di naman tayo masyadong magkakakilala. Bago lang ba kayo dito? O dito na kayo nung junior high?" Dugtong nya.

Umiling si Aica. Senior High school na nga pala kami.

"Ngayong senior high lang kami, first time namin dito sa Fare University." Aica

"Makikipagkaibigan ka dyan?!" Singit ni Vincent.

"Why not? I think they are nice. At para rin may kakilala na sila dito, right?" Nakangiting sambit ni Steeve.

"Ano? No way!" Yung panget.

Kala mo kung sino. At napakadaldal naman ng isang to. Di ba nya kayang tumahimik o makipag-usap ng di sumisigaw?

"Edi wag! Kami na lang. Bahala ka, mainggit ka samin." Yung isang lalake. Nalimutan ko pangalan nito.

"Sige na nga!" Vincent

"Kala mo naman pinipilit eh no." Bulong ni Aica pero narinig ko.

"May sinasabi ka?" Narinig din pala ni panget.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant