Chapter 5

2.9K 77 2
                                    

Aliyah's POV






Nanatili pa rin kami hanggang ngayon sa canteen at nagkukwentuhan. Tinignan ko ang oras at may five minutes pa bago ang sunod na klase kaya inaya ko na silang bumalik. Pumayag naman sila kaya eto kami ngayon at tinatahak ang daan papuntang room. Habang naglalakad ay inaasar ako nung panget na Vincent na.

Naiinis na ako ah! Kanina pa yan!

Pero mabuti na lang at walang nagbubulungan sa paligid at nagsasabi ng kung anu-anong masama samin. Natakot siguro kay kuya hahaha. Yung iba naman tilian at sigawan dahil sa apat pero di naman nila pinapansin. Si Nash diretso ang tingin sa daan. Si Steeve kausap si KC. Baka mamaya magkamabutihan yang dalawang yan ha. Si Jhake kinukulit si Aica at halatang naiirita na ang kaibigan ko dito. Si Vincent eto inaasar ako.

"Ano panget? Wala kang masabi dahil ang gwapo ko no? Samantalang ikaw ang panget mo!" Pang-aasar nya. Kanina pa yang bunganga nya nakakairita.

"Ang hangin grabe!" Inis kong sambit.

"Mahangin ka dyan! Eh pinagpapawisan ka nga kasi sobrang hot ko hahaha!" Sya.

Kita nyo na, Gwapong-gwapo sa sarili ang mokong.

"Tumahimik ka na nga, pwede? Ang ingay mo!" Iritang sabi ko.

"Wala kang magagawa dun! Makulit talaga ako at ikaw ang gusto kong pagtripan! Ganito talaga kapag gwapo!" Nakangising sagot nya.

"Gwapo ka? Saan banda?"

"Ayan oh!" Bigla nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko!

Huli na para ilayo nya yun kasi napansin na kami ng mga kasama namin!

"Uyyy!!! May something kayo no!?" Panunukso nila. Agad naman kaming naglayo ni panget. Walangya!

"A-ano!? Wala ah!" Ako.

"Oo nga! Anong something kayo dyan!" Si Vincent.

"Namumula si Vincent hahahaha!" Pang-aasar ni Jhake. Nang tignan ko ay namumula nga sya.

"Tumahimik ka nga! Namumula ka dyan, yuck! Never ako magkakagusto dyan sa nerd na yan!" Sagot nya.

Tsaka pinagsasabi nito? Wala namang sinabi na may gusto sya sakin! Sinasabi namumula sya!

"Hah! Kala mo naman type rin kita! Ewww!!" Sagot ko sa kanya.

"Tama na nga yan. Mamaya langgamin kami sa kasweetan nyong dalawa." Steeven.

"Oo nga. Masakit pa naman mangagat ang langgam." KC

"Bawas bawasan nyo naman yung kaka-ganyan nyo." Aica

"Masyado na kasi kayong nahahalata eh." Jhake

Sinabi nila yun habang naglalakad palayo sa amin! Si Nash parang walang pake kasi nauuna syang maglakad.

"Hoy hintayin nyo ako Aica! KC!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanila. Nilingon nila ako at tumakbo habang tumatawa. Kainis! Tinutukso ba nila kami?!











Vincent's POV




Hindi ako makapaniwala na tinutukso ako nung dalawang mokong na yun! Pero hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Bakit ko nga ba nilapit sa kanya yung mukha ko? Ah oo nga pala, ginawa ko yun para ipakita yung gwapo kong mukha. Tama tama!

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now