Chapter 73

1.3K 46 16
                                    

A/N: Si bebe Nash talaga gusto nyo? Yaw nyo talaga kay bebe Vincent? Wala bang team Vincent dyan? Hahaha. Enjoy *unedited*











Third Person's POV






Sa isang iglap ay natigil ang putukan. Nakapikit ng mariin ang mayor habang nananatili sa kinatataguan.

"Maaayyooooor!!" Pakantang tawag ng kambal.

Bumungisngis pa ang mga ito na nagpakaba sa mayor. Pakiramdam nya nakikipagtaguan sya sa mga baliw.

"Ooooh mayoooooor!!"

"Anak ng puta..." Naibulong nya

"Mayor!!!" Jerwinn

"MAYOR!!!" Jerwick

Inihanda ng mayor ang hawak na baril. Baka biglang sumulpot ang isa sa mga ito sa harap nya.

Natatawang naiiling naman sina Francis. Natalo na nila lahat ng tauhan ng mayor. May iba naman na hindi na pumalag dahil ayaw magaya sa ibang hindi na makalakad dahil sa tama sa binti o saksak.

Dahan-dahang sumilip ang mayor upang tignan kung ano ang nangyayari nang bigla syang mapaatras at matumba dahil sa sobrang gulat. Muntik syang mapasigaw at nabitawan nya ng hawak na baril.

"Bwahahahahaha!!" Tawa ni Jerwick na syang dahilan ng pagkagulat ng mayor.

Alam nyang doon ito nagtatago kaya lumapit sya sa gilid nun ng walang ingay sa pag-iisip na sisilip ang mayor doon. At tama nga sya. Nagmake face pa sya kaya mas nabigla ito.

Sinamantala ng mayor ang pagtawa nito upang kunin ang nabitawang baril nang may humawak nun. Pag-angat ng tingin nya ay muli syang napaatras dahil sa kamukha ng nanggulat sa kanya.

Pakiramdam nya tuloy pinaglalaruan na sya ng paningin nya. Dalawang lalake na magkamukha at parehong humahagalpak sa kakatawa.

"That's enough you two." Nash

Lumapit na ito roon at tiningnan ang mayor na nakasalampak sa sahig.

"I told you that I'll skin and burn you alive, didn't I?" Nash

Ngunit napakunot ang noo nya ng sinapo ng mayor ang dibdib nito at parang hindi makahinga.

"Watdapaking shet. Arte mo!" Isa sa kambal.

Nanatiling kunot ang noo ni Nash at pinagmamasdan ang matanda.

"T-tulong... T-tulungan n-nyo ako." Sambit pa nito.

Lumapit sin Vincent sa kanila.

"Gago! Matapos mong kidnapin si babybunso at saktan sya? Nakita ko yung itsura nya! Dapat mas malala pa yung mukha mo sa kanya!" Khian

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now