Kabanata 1

378 6 1
                                    

Kabanata 1

Decision

"Hi dear! How are you?" she asked in a cheerful tone.

"Very well, Tita," maikli kong tugon, nakangiti.

"That's great. Grabe, you're so pretty talaga, my dear. Mas lalo ka pa yatang gumanda ngayon."

"Thank you, Tita. You, too. You age like a fine wine."

"Sus! At nambola ka pa talaga, huh?" She looked happy and flattered. It reflected on her beautiful face.

"Totoo nga po!" natatawa kong dipinsa sa paratang niya sa akin. "But seriously, kumusta na pala kayo riyan, Tita?"

By the way, if you are wondering, I'm here in my room now, on my queen-size bed, to be exact. My laptop is on my lap while my whole attention is focused on the screen. Kasalukuyan kaming nagfafacetime ni Tita Athena. Asawa siya ng kapatid ni Dad na si Tito Lucas.

"Aside from the fact that we miss you so badly, we are doing good naman, dear. Ikaw kasi e. You're always busy. You have no time for us. Madalang ka ring makipagfacetime. Nagtatampo na nga sa'yo ang mga pinsan mo," she complained. Nangungunsensiya pa ang boses nito.

"Naku! Sorry po talaga, Tita. Medyo naging busy lang po talaga, lately. Pero sobrang namimiss ko na rin po kayong lahat diyan sa Pinas."

"Really? We even visited you last March... on your birthday, but you were not there," she added while pouting.

Yeah, I remember that. Nagsurprise visit nga sila rito sa New York, kaso hindi na nila kami naabutan ni Franzine. Pumunta kasi kami ng Iceland. It was a short trip with our friends here. Ang ganda roon, sobra.

"By the way, how is your dad, Ella?"

"He's doing well, Tita. As usual, he's very busy working at home."

"Working? Akala ko pa naman bakasyon ang ipinunta ng dad mo riyan," puna niya. Halatang dismayado.

I just rolled my eyes. Vacation, my ass.

"Well, Anton will always be Anton. He's very workaholic and hardheaded. Magkapatid nga sila ng tito Lucas mo," she added while shaking her head.

"Exactly, Tita. I guess it really runs in the blood," pagsang-ayon ko. "Anyway, kayo lang po ba mag-isa riyan?" tanong ko ng mapansing nag-iisa lang din siya sa kabilang screen.

It's very unusual. Nasa living room siya ng kanilang mansyon sa Quezon City. Nakahilig sa may couch habang kausap ako. Medyo pamilyar na kasi sa akin ang background ng bahay.

"Yes, dear, ako lang mag-isa rito sa bahay. Your tito is in Japan right now for a business trip, and your cousins went out awhile ago with their friends. Uuwi rin ang mga iyon pero mamaya pa. Alam mo na. Sinusulit din nila ang bakasyon," paliwanag ni Tita.

Napatango naman ako. Sabagay, ilang days na lang ang natitira at pasukan na ulit sa Pilipinas.

"Maiba naman tayo, Ella. May sinabi kasi ang tito mo sa amin dito kagabi through call. Ayaw naming maniwala. So I want to confirm it with you. Okay lang ba?" she inquired.

"Sure, Tita. What is it?"

"Totoo ba na uuwi ka na ng Pilipinas?" Walang paligoy-ligoy na tanong niya sa akin.

So... nakarating na pala sa kanila ang balita.

I nodded my head, and her eyes widened in disbelief. Nilapit pa nga niya ang kanyang mukha sa monitor para kumpirmahin mismo sa mukha ko ang sagot. Kung nagsasabi nga ba ako ng totoo o hindi.

"Yes, po." There, I said it.

"Huh? K-Kailan?" tanong niya ng makabawi. Halata masyado ang kagalakan at excitement sa boses nito.

Stuck With YouWhere stories live. Discover now