Kabanata 2

219 6 0
                                    

Kabanata 2

Home

"Oh my gosh! Sina Zach at Atticus ba 'yon?" maarting turan ni Franzine habang nakatingin at nakaturo sa dagat ng mga tao sa may arrival waiting area ng NAIA. Kumaway-kaway pa ito, kaya medyo napapalingon yung mga tao sa banda namin.

Para tuloy kaming mga celebrity na iwan dito. Dagdagan pa sa mga suot naming designer clothes. I'm wearing a plain black spaghetti crop top, white trouser pants, and white sneakers, while Franzine is wearing a black off-shoulder top paired with a white high-waisted short and black high-heeled boots. Parehas pa kaming may dalang handbag at blazer jacket. White Channel bag ang sa akin at sa kanya naman ay itim na Hermes.

I looked around. It's crowded here, and the weather is extremely hot today. Ang lakas makasummer feels ng Pinas. Grabe!

Well, nakita ko naman agad ang tinutukoy niya. There... Standing arrogantly while grinning at us are my gorgeous cousins. Pareho silang nakapamulsa habang nakasuot ng aviator sunglasses. They are both tall and very handsome, too. Like us, sobrang agaw pansin din silang dalawa kahit naka simpleng polo shirt at v-neck shirt lang naman na pinarisan ng chino shorts and cargo pants. Pansin ko ngang halos mabali na ang mga leeg ng mga babae rito kakatingin sa gawi nila.

I smirked. Well, I don't blame them, though. Zach and Atticus are both head-turners.

"Shitttt! Ang popogi talaga ng mga pinsan mo, Ella. Beke nemen pwedeng magpabreed sa lahi ninyo," malandi niyang bulong sa akin.

I just rolled my eyes at her. Ganyan na talaga siya. Sanay na ako sa kalandian niyang taglay. Sinalubong kami ng mga pinsan ko. Nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila, sabay pa nilang tinanggal ang suot na aviators at matamis kaming nginitian.

"It's been a while. Did you miss us?" I asked while grinning. I also put my things aside, and then I spread my arms, urging them to give me a tight embrace.

Walang pasabi naman akong niyakap ni Atticus ng mahigpit. Pinaghahalikan pa nga niya ang buong mukha ko. I just laughed at what he did, and I kissed him on the cheek as well.

"Damn it, Ella. We missed you so much," Atticus whispered in my ears. Pinanggigilan pa nito ang pisngi ko, kaya pabiro ko nang tinulak at sinuntok sa dibdib. Humalakhak lang naman siya sa ginawa ko at si Franzine naman ang kinulit.

"Welcome home, Hillary. I missed you," medyo malamig na bati ni Zach habang marahan niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Nangiti ako.

"Cold yet very sweet; you are very consistent, Zachary. I missed you too," I whispered, and I kissed his cheek too.

He chuckled sexily at my statement.

"Is that a compliment?" he asked while smirking at me. Lumayo na rin siya sa akin ng bahagya.

"Of course it is! Silly!" I replied, still smiling.

"Hey Franzine, welcome back," bati niya pa sa kaibigan ko.

"Thank you, Zach. It's nice to see you again. You look great," nakangiting sagot ni Franzine habang sinusuklay ang nagulong buhok gamit ang mga daliri.

"What happened to your hair?" I asked her curiously.

Her smile faded, and then she frowned. Masilan kasi ang babaeng ito. Lalong-lalo na pagdating sa kanyang buhok. Guluhin mo na ang lahat huwag lang ang buhok niya.

"Ask your annoying cousin, Ella," aniya sabay irap kay Atticus.

"Annoying agad? Hindi ba pwedeng naglalambing lang?" Si Atticus sa nanunuksong boses.

"Whatever! Bakit ba hindi ka nalang gumaya sa kuya mo? Grow up!" asar na turan ng dalaga rito.

"Asus, crush mo lang si Zach e. Bias ka!" pangbabara ulit ni Atticus.

Stuck With YouWhere stories live. Discover now